Missing 14

386 15 2
                                    

Sinag's POV

"Good morning Sinag ko" masiglang bati sakin ni tatay. Naks! Ang saya ni tatay ngayon ah, may pa lalala pang nalalaman habang nagluluto hmm...

Napapangiti ako ngayon sa nakikita ko sa harapan ko. Yung si Tatay na kumekembot pffft! Nilapitan ko siya at sinabayan ang mga kembot niya,pagdamay ko na rin kumbaga HAHAHAHA

Napuno ng tawanan ang maliit naming kusina. Ang kulit lang kasi ni tatay sobra.

"Ako na dyan Sinag, maupo ka muna. Hayaan mong pagsilbihan kita mahal na prinsesa" sabi ni tatay sabay bow na parang paggalang sa akin at kinuha niya ang mga plano sa kamay ko.

"Hindi na po tay, kayo na ang nagluto kaya ako naman ang maghugas tska anong sabi mong prinsesa? Eh kung yun na nga edi ikaw ang hari kaya mahal na hari hayaan niyo na po na mapagsilbihan ko rin po kayo " ngayon ako naman ang nag bow sa kanya.

"Ehem" kunwaring clear throat pa niya at iniba ang boses with full of authority.

"Ako ang hari kaya ang bawat salita ko ay utos. Susundin mo ba o Susundin mo?" Ma awtoridad na sabi niya habang nakataas noo at may pa hawak-hawak pa sa bewang niya

"Ehem" pag clear throat ko rin.

"Ako bilang Prinsesa ay kailangan sundin na walang alin-langan" sabi ko at pinalitan ang boses ko na napakamalumanay.

"Mas mataas parin ako, ako ang hari at kung tutuosin ay mataas ako di lang ang rango ko pati narin ang height ko, eh ang sayo?"

"Tay naman iihhh" grabeh ha, namemersunal na talaga yang si tatay hmp!

"Hahaha hayaan mo na lang kasing pagsilbihan kita prinsesa ko,mahal kita eh" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti naman ako dahil Don. Ang sweet lang talaga kasi ni tatay.

"Mahal ko rin po kayo " sabi ko niyakap siya ng napakahigpit.

"Bantut mo Tay!" Sininghot-singhot ko siya, wala pa siyang ligo pero in all fairness ang bango parin ng tatay ko syempre kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko baka naman kasi lumaki pa lalo ang ulo ng napakamamahal kong tatay. Geez.

"Ahh ganun,eh sino bang hindi nag tooth brush satin? Grabeh Sinag, ang baho ng hininga mo. Hooh!" Panukso niya sabay takip ng ilong. Tss! Yan na naman siya! Nagtawanan kami ni tatay buong magdamag. Sunday ngayon and it's free day. Family day. Awieeee

"Tay anong gagawin natin dito?" Tanong ko Kay tatay bitbit ang basket na pinakuha niya sakin.

"Dyan kita ilalagay gusto mo? Malamang Sinag, lalagyan natin yan ng pagkain, pupunta tayo ngayon sa Sinag's paradise. Okay ba?"

"Sinag's paradise? Talaga taaaaay? Ang tagal na nating di nakapunta ron. Grabeeeh tay okay na okay yun!" Na eexcite kong sabi.

"Osiya, lagay ko lang 'to sa kotse." Paalam niya.

"Kanino po? Kay Tito Bien o Kay Tito Vince? " tanong ko. Wala naman kasi kaming kotse, meron lang namin ay ang motorsiklo ni tatay.

"Kay Bien, ang damot kaya nung Vince na yun."

Ay Hahaha possessive lang talaga si Tito Vince sa kanyang mga kotse. Yeps, MGA. So marami talaga.

"Sinag, anong isda ang namamaril?" Tanong ni tatay habang nagda-drive. Papunta ma kami ngayon sa Sinag's paradise. Wohooo

Wait, may joke si tatay. I need to prepare.

Umarte ako na parang nag-iisip pero hmm wala eh kaya tumingon ako sa nakabungisngis na mukha ni tatay.

"'Di mo alam? Edi....BANG... us"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Siya yung nag joke at siya rin yung Tumawa. Self-support kumbaga.

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon