Missing 44

195 11 3
                                    

Sinag's POV


"Stay here" nanlilisik na saad ng lalaki at iniwan ako sa isang silid na laman ay puro libro. Library ata ang tawag dito? Don't get me wrong, hindi ako ganito ka bubu pero sa mga nangyayari sa akin ngayon para na akong ginagago ng mundong ito. Kulang nalang pati pangalan ko ay makalimutan ko sa mga hindi ka aya-ayang nangyayari sa buhay ko.

Iginala ko ang aking mga mata at nakakita ng sofa. Agad ko itong nilapitan at ibinagsak ang aking sarili ko doon.

"Haaaay" malalim kong buntong hininga. Ano ba itong mundong pinasokan ko. Baguhan pa ako pero kailangan ba talagang ganito ang magiging welcome party nila para sa akin. Napakasakit ng katawan ko pati narin ng ulo ko. Ewan ko kung bakit pero parang may binubuhol sa aking Sistema na hindi ko mawari.

"Mom.." sa aking pag pikit ay ang nasambit ng aking bibig ay ang mga katagang iyon na paulit-ulit na narinig ko sa lalaki kanina. The way he held the hand of her mother it was pure love. It made me missed my mom too. All my life walang ina ang gumabay sa akin at nag protekta sa akin ng ganoon pero may tatay naman ako at pinuno ako ng pagmamahal. My mom died after gaving birth to me, I wonder if she loves me. Aish ang tanga ko! Syempre mahal ako ni nanay tss hindi ko nga lang naransan dahil maaga siyang kinuha sa amin ni tatay.

Sa pagtingala kong muli ay may malaking frame na nakasabit sa dingding. Ang reyna...

Nandito ako sa library ng isang reyna? Queen of all Gangsters. Queen Ruby

Napangiti ako at napahawak sa puso ko. I saw her killed someone. I saw her pulled its trigger. I saw her offered her life for her son. I saw her lifeless for her love for her son.

Kumikirot ang puso ko sa tuwing iniisip kong nasa iisang chopper ako kasama siya, ng anak niya at umiiyak pa.

Hindi ko gusto ang reyna, honestly. Walang dalawang isip siyang pumapatay. Hawak niya ang mga taong gumagawa ng gulo.

Ngayon, ayaw akong patulogin ng konsensya ko. Sinabihan ko ng walang kwenta ang nanay niya. For sure, he will loath me to death. Hindi niya hahayang may magsabing ganoon sa nanay niya at kapag narinig niya iyon muli sa akin I'm a dead rat by now. Yeah, mas concerned ako sa anak ng reyna kaysa sa reyna mismo. Pero...dinamayan ko naman siya sa loob ng chopper ah. I showed him that concerned ako?

Napailing ako.

"Sige Sinag! Go! Pati ba naman sarili mo niloloko mo na? Niloloko ka na nga ng mundong ginagalawan pati ba naman sarili mo? Concern? Grabeh naman atang concern at umiyak pa talaga ako. Tsk tsk" baliw na po ako at ngayon kung alam niyo lang. Nakakabaliw pala ang panggagago sa'yo ng lahat. Ang gusto ko ang ngayon ay ang kalimutan ang lahat ng nangyari. Ang pagtangay sa akin kung saang isla man iyon, ang pagkilala ko kay Claw na hindi ko malaman kung kaaway ko ba o kakampi, ang pag harap ko sa reyna at sinabihan siyang walang kwenta, ang paglapit ko sa anak niya at pagpakitang-tao at ang pag-alala sa kalagayan nilang lahat ngayon.

Kumusta na si Claw? Okay na ba ang reyna? Umiiyak pa rin ba ang anak ng reyna? Anong pangalan niya? Magkikita pa ba kaming muli? Magku-krus pa ba ang aming mga landas? Sana...hindi na.

Ayaw kong mapalapit kahit nino man nila. Sobrang gulo na ng buhay ko at hindi ko na kayang madagdagan pa. Madami na akong binubuhat na problema sa aking ulo, baka kapag mapunan ay babagsak na ako.

Napabalikwas ako ng tayo ng biglang pinutokan ang door knob ng silid at iniluwa sa pintuan ang naka angat na kamay na may hawak ng baril na si Gino.

"Sinag!" sigaw niya habang papalapit sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo lang Sinag at papatayin ko silang lahat ngayon mismo!" giit niya.

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon