Missing 27

323 14 0
                                    


Sinag's POV


Ugh! Nababanas talaga ako. Sus naku! Yung Darryl na yun? Tss! Kung ayaw niyang lumipat ng school bakit pa siya nandito? Sure naman akong hindi nagpipilit ng tao si Daddy Josh.


"Bakit ko ba 'to pinoproblema? Ang dami ko ng problema dadagdag pa siya! Letche!"naiinis na bulong ko sa saili ko at sinipa ang dingding na malapit sa akin.


"Aray! Letche talaga!" daing ko at napaupo dahil sa sakit ng paa kong ginamit kong pangsipa.


"San ba papuntang rooftop? Gusto ko na ng sariwang hangin"


Tumayo na ako at naghanap ng hagdan patungong rooftop, may elevator ba dito? Edi sosyal na talaga nitong school na napasukan ko. Hindi naman ako mapapatawag nito noh? Nag cut class kasi ako tsk! Ito yung nakukuhako sa public school eh pero di bale masaya naman ang experience ko sa public, dun may kalayaan ka. Walang pake sayo ang lahat,sari-sariling mundo.


"Ayun!" may nakita akong 'This way to heaven' di joke lang hihi 'This way to rooftop' talaga ang nasa sign hihi hahakbang na sana ako pero nakita kong 'NO ENTRY FOR STUDENTS DURING CLASS HOURS' ay letche!


Padabog akong umalis at babalik nalang ako ng classroom, pero ako naman itong si tanga at hindi tumitingin sa daan, nahulog ako sahig dahil may nabunggo ako. Letche talaga!


"Sorry miss"saad ng nakabungo sa'kin.Oo, siya ang sisisihin ko dahil kahit na hindi ako tumingin sa daan, hindi kami magkakabunggoan kung nakatingin rin siya sa daan. Ganun lang yun!


"Kilala mo ba kung sino ako? Ako ang anak ng may-ari kaya walang magagawa ang sorry mo" pantrip ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ako nag angat ngtingin dahil hindi naman talaga ako marunong magsinungaling.


Nakita ko namang napa atras siya sa sinabi ko. Naniwala? Uto-uto rin naman 'tong isang 'to eh tsk!


"Talaga?Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo miss?" tanong niya na parang hinahamon ako. Napalunok ako sheet! Joke lang yun Kuya ano ba!


"O-oo! Ako ang anak ng may-ari at pwede kitang paalis sa skwelahan na ito kahitanong oras!" sigaw ko sa kanya and I'm trying my best not to stutter. Letche! Napapa-english akech


"S-sinong tinatawagan mo?" nag-aalala kong sambit at pinatahimik niya ako gamit ng isang kamay.


"Ang tunay na anak ng may-ari" sabi niya at nilakasan talaga ang pag banggit ngsalitang 'tunay'. Patay ako nito! Unang araw ko mapapatalsik na agad ako. Paano ko tutuparin ang ipinangako kong 'I will try my best' kay Daddy Josh. Tss para narining ipinangako ko sa kanya na I will try my best para maging worst dito sa bagong school ko. Nooo! Sadyang bwesit na bwesit lang ako sa Darryl nayun at hindi ako hinabol! At tsaka nasa mood akong man trip kanina kaya nasabi ko iyon. Letche this!

"Sha?"Natutulalang saad ni ...


"Rafael?!"nanlalaking mata na tanong ko. Oh my god! "Waaaah Rafael joke lang yun huhu napag tripan kita sorry! Wag mo ng tawagan ang tunay na anak ng may-ari huhuhu may pangako ako kay Daddy tsaka marami pa akong pangarap sa buhay huhuhu"

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon