Missing 54 Part 2

193 10 0
                                    

James Gregory's POV

Napahilot ako sa aking sentido habang tanaw ang anak kong lalaking umaakyat-baba ang likod at sinasabunotan ang sarili. Dahan-dahan akong humakbang habang nakatukod sa aking sungkod patungo sa harap niya.

"Rubi James" pagtawag ko sa kanya. Hindi siya nag angat ng tingin.

Nandito kami ngayon sa hospital dahil sa nangyari kay Cassandra. Hindi umabot ng siyam na buwan ang pagkapit ng apo ko.

"Normal ba ang delivery ni Cassandra Tito?" mahinang tanong sa akin ni Luke. Umiling ako. Dahil sa mga nangyari, nabigla ang bata at ngayon ay nasa Cesarean section si Cassandra. Purong pagkadismaya ang mukha ni Luke nang tingnan niya ang kanyang pinsang magulo ang buhok at naka upo sa sahig malapit sa pinto kung saan ginagawa ang operasyon para sa kanyang asawa.

"Hindi ko masisisi si Fara sa mga inaakto niya" panimula ni Luke. "Kahit ako, kung malalaman ko na inilayo si Sugar sa akin ng hindi ko alam at tinago siya sa akin nang matagal na panahon hindi ko yata mapapatawad ang mga taong gumawa nun"

"Pero, sana iba si Fara sa akin. Ayaw kong hindi na niya tayo papasukin sa buhay niya. Ayaw kong lumayo siya sa atin at kalimutan niyang pamilya niya tayo" saad pa ng binata.

"Pamilyang harap-harapang nagsinungaling sa kanya?" tanong ko. Nabaling ang tingin sa akin ni Luke.

"Tito." Tawag niya.

"Luke, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga anak ko. Hinayan kong ayusin ni Rubi James ang nagawa niya kahit una palang alam kong hindi tama ang kanyang ginawa. Hinayan kong pagmukhaing tanga ang aking prinsesa dahil ako mismo ayaw kong masaktan siya dahil sa maling kagagawan ng kanyang kuya. Hindi ko alam ang gagawin na nauwi sa ganito. Lumayo na ng tuloyan ang mga anak ko sa akin. Hindi ko nagampanan ang pagiging ama sa kanila. Hindi ko nagawa ang pangako ko kay Ambie na kahit wala na siya sisiguraduhin kong maayus ang ating pamilya." Pahiwatig ko at di namalayan nanginginig ang aking kamay.

Bumukas ang pinto sa loob ng delivery room at lumabas ang doctor na naka incharge kay Cassandra.

"Mr. Kayfated?"

Dali-daling inangat ni Rubi James ang kanyang ulo, nang nakita niya ang doctor ay madali din niya itong hinarap.

"Ang mag ina ko doc, kumusta?" mabilis at nanginginig na tanong niya. Lumapit kami ng husto ni Luke sa dalawa para malaman ang kalagayan ni Cassandra.

"The delivery was fine. Cassandra is a strong woman pero.."

"Pero ano?!" James raised his voice that startled the doctor.

"The baby is not in good condition. He's born premature so he needed to be well taken care off. The worse thing is his heart is beating much faster than any premature babies do. But don't worry sir the team is doing everything –"

"Enough with your words. Just do the fucking things you need to do!" giit ni Rubi James at kwinelyuhan ang doctor. Inawat siya ni Luke at agad din naman niyang binitawan ng doctor na ngayon ay sobrang natatakot na sa dahas na pinapakita ni Rubi James.

Tumango ako nang lumandas ang mata ng doctor sa akin. Wala akong magagawa kung sa kung ano man ang kayang gawin ni Rubi James sa kaniya ngayon, hindi ko na hawak ang mga anak ko.

Pag-alis ng doctor, kinalas ni Rubi James ang pagkakahawak ni Luke sa kanya. He's murmuring cusses at napailing ako.

Tumunog ang notification button sa aking sungkod, this is connected to the Gangster Association Building.

Tumunog ang mga relo ni Rubi James at Luke at sabay nag pop up ang mukha ni Demon.

"Urgent call for all Gangster Board members, all Gangster Leaders and whole Gangster Community. On the 12th day of March, 3 o'clock in the afternoon. All of you are said to attend the Bloody Night in the Gangster Arena. Again, urgent call for all Gangster Board members, all Gangster Leaders and whole Gangster Community worldwide, you are said to attend the Bloody Night."

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon