Missing 6

441 24 0
                                    

"Good morning Mr.Sun" panimula ko sa aking umaga. Nag stretching pa ako at inayos ang binagyo kong higaan. Dont get me wrong pero malikut ako matulog. Kinuha ko na rin ang towel at uniform ko at pumasok na sa banyo and everything there is none of your business at all haha lol.

"Hmmmm bango tay ah" puri ko ni tatay. Yeps multi-tasking ang tatay ko. He does all. Ginagawa niya ang tungkulin na dapat ay may katuwang siya. Kaya ngayon si tatay gumagawa ng lahat, sa pagluluto,pamamalengke,paglalaba..lahat nalang. So all I will do here is to praise him kasi hindi naman niya ako pinagtatrabaho ng marami, konti lang.

"Kain ka na po, prinsesa ng buhay ko" sabi niya at inalalayan akong umupo. Kinuha niya pa ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Sweet talaga ng tatay ko. Tumawa naman ako ng mahina at lumapit sa mukha ni tatay at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Salamat tay" bangit ko.

"Mahal kita Sinag ko" sabi niya at ako rin naman mahal na mahal ko ang tatay ko. Kami na nga lang dalawa dapat talagang magmahalan kami.

Ang swerte ko. Kung kayamanan man ang pag-uusapan ,ang yaman yaman ko. Ang yaman ko sa pagmamahal na natanggap ko mula sa aking tatay. Though hinahanap ko ang aruga ng isang nanay pero wala na siya. Okay lang naman sa akin dahil sabi ni tatay ginampanan naman ni nanay ang pagiging ina niya sa akin bago siya nawala. Yun nga lang,hindi ko maalala kelan yun dahil ang liit ko pa lang nun. Wala pa sa pag-iisip.

Mahal na mahal ako ni tatay at may isang babae siyang sobrang minahal at yun ay si nanay. Napatunayan ko din ang pagmamahal na iyon dahil kahit kailan ni minsan ay hindi naghanap ng bago si tatay.

Tumingin ako sa kalendaryo, ngayon ay 25.

Death anniversary ni nanay.

"Ano kaya tay noh kapag kasama pa natin si mama ngayon?" Biglaang tanong ko kay tatay dahilan para mabitawan niya ang kanyang kutsara at mahulog ito sa sahig. Napabalikwas siya sa tunog na nanggaling mula dito. Tumingin si tatay sa akin na para bang kinikilatis ang ekspresyon ko sa pagtanong doon pero bigla lang naman itong nawala at napalitan ng bagong ekspresyon. Tumayo siya at kinuha ang nahulog na kutsara at lumakad para kumuha ng bago.

"P-pamilya parin. Mas masaya sana.. " sabi niya habang nakatalikod sa akin. Bagkos ang lungkot sa tono ni tatay sa pagsabi niya nun. Ako naman ay kumakain lang, di ko mapigilan eh. Favorite ko kasi- Tender juicy hot dog mas masarap kung bagong luto-mainit. Inubos ko na ang aking pagkain at nagpaalam na kay tatay. Medyo nag iba kasi ang atmosphere ng bahay.

Haay, skwela na naman.

I don't want to go to school but j have dreams XD.






- - -

"Darryl among nangyari sayo?"

"Bro sinong may gawa niyan sayo? "

"Resbakan natin,ano?"

Yan ang mga tanong nila ng nakita nila si Darryl Chiu. Alalang-alala sila sa kwago habang ako naman ay mamamatay na sa kakatawa. Eh? Sobra naman ata yang mamamatay sayang ganda ko hindi kopa naspespread HAHA!

Well kasi naman, ang itsura ni Darryl ngayon HAHAHAHAHA PRICELESS.

"Ano nga bang nangyari sayo hmm?" Pagmaang-maangan kong tanong.

Gusto niyo malaman ang itsura niya ngayon? Well, na paralyzed ang half ng katawan niya chos joke Lang! HAHAHAHA. Hmmm..let's just say na may bukol siya sa kanyang noo sana dalawa nalang ang bukol niya both sides para totally sungay na ganda non! May black eye siya sa kanyang kanang mata oh dba para na siyang panda dahil maputi naman siya hihi. Tapos may putok ang labi niya sana ginawang Angelina Jolie inspired ang lips niya, i think bagay sa kanya yun. At may bali ang kaliwang kamay niya. Yan lang naman, konting damage lang noh?

"Enough game little devil" sabi niya. Wow! As in wow! Lakas ng loob maka-devil ah. Sa cute kong tuh, anghel kaya ako. Pinanliitan ko siya ng mata saying 'bawiin mo yung devil part' ganern! Oh well, wala siyang planong bawiin and so..

"Ouch!" Sigaw niya.

"Tseh!" As if on cue nag walk out ako doon.

Pumasok ako sa room ko at humarap sa board. Take note,humarap Lang ha hindi nakikinig. Ganito ako eh, pero alam niyo baliktad kami ni tatay, siya gustong-gusto niyang makinig sa professor kahit gaano ka boring kaya nga Valedictorian eh. Pero ako? Ewan. Di ako nakikinig pero alam ko na ang mga lessons. Kahit mag surprise pa kami ako ang palaging nanguguna. Nanguguna sa walang papel kaya humihingi ako at napeperfect ko diba.. Bilib lang!

Di ko namalayan ang oras at dismissal na pala. Tumayo ako at sinuot na ang aking backpack, may pupuntahan pa pala ako.

"Miss" may tumawag sa akin. Wew ako nga ba ang tinatawag o feelers lang talaga ako? "Miss you drop this" may lumapit saking estranghero, yung estranghero noong nakaraang araw. Inabot niya sakin ang isang panyo. Floral.

"Hindi yan sakin" walang ganang sagot ko. Nagkakamali siya.

"But I thought.."

"Bopols! Hindi ako nag dadala ng panyo. Out of style kana pre" sabi ko. Tss. Floral ew kasuka.

"You got me there" Ngiti niya at may lumabas na dimples. Halaaaa. Babae lang po este hmm..eh..ehemm!

"I'm Dave-" bago pa niya matapos ay may nagsalita na sa likuran ko.

"Get lost!" Singhal ni Darryl. Kalerki namang isang 'to. Problema nito? Tss.

Oh-okay bumalik na ako sa realidad salamat sa sigaw ni Darryl. Dahil alam kung may nagbabangang apoy na sa kanilang mga mata, ay umalis na ako. Paki ko sakanila.

Yung Dave na hindi natapos ang pangalan,siya yung lalaking nabangga ko at sinundan ako sa gubat which turn out na ginulat ako at nahulog ako.

*sniff* sanay naman ako eh, yung mahuhulog tapos walang sasalo. *sniff* okay lang, okay lang talaga *hagulhol*

HAHAHAHAHAHA putek! Yan napapala sa mga hugot! Di bale makakarelate din ako soon pero wag na muna ngayon wala akong Plano.

Kinuha ko ang skate board na bigay sakin ni Joseph noong pasko, tinago ko ito sa likod ng bakuran namin actually di kasi alam ni tatay. Wala ang motor ni tatay at lock ang gate hmm san kaya nag punta yun? Ahh baka sa pupuntahan ko rin..










- - -

"Yanna.."banggit niya. Pagkarating na pagkarating ko, tumago ako sa isang malapit na puno kasi nandito siya.

Hinahaplos niya Ito. "Guide me please. I don't know what to do" sabi niya at alam kong sa oras na ito ay umiiyak na siya. Kitang kita ko ang pagtaas -baba ng balikat niya mula dito.

Hindi ko rin namalayan na may tumakas na luha sa aking mga mata. Ang hirap makitang umiiyak ang taong mahal mo. Sa tuwing nandito siya ay dito niya napapakita ang vulnerable side niya. Dito lang.

Pag angat ko ng tingin ay wala na siya. Napa-buga ako ng hangin sa bigat ng aking nararamdaman. Wala nadin ang motor niya. Tama nga ako, dito rin ang punta ni tatay.

Lumapit na ako ng husto at binaling ang tingin ko sa puntod niya, puntod ng nanay ko...






Alyanna Madison 





__________________________________________________

A/N:

Adjust konti. Nag eedit me huehue


-ShynUffyz

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon