Missing 34

354 11 4
                                    

Sinag's POV


"Good morning ma'am" bati sa akin ng gaurd nang papasok ako sa building ng kompanya namin. Malaki ang ngiti niya at ngumiti din ako pabalik. 

"Sinag, I will have some meetings to attend. Sina Darryl at Gino ay kanina pa nandito. Find them hindi ka naman mawawala ulit diba?" bilin sa akin ni Daddy Josh. Nakangisi siya sa huling sinabi niya at ako naman ay hiyang-hiya sa kinatatayuan ko ngayon. Sa sobrang laki ng building ay nawala ako noon pero I guess hindi na iyon mauulit. Alam ko kung saang banda sina Gino. 

"Kaya ko na po" sabi ko sa kanya. Mahina siyang tumawa at dumating na rin ang sekretarya niya para ipag-alam na kompleto na ang lahat ng board members at siya nalang ang hinihintay. 

"Hi Miss Meirs" bati sa akin ng sekretarya ni Daddy Josh, si Miss Riva

"Hello Miss Riva" bati ko rin sa kanya. Ngumiti siya at sumunod na rin sa elevator kung saan pumasok si daddy.  Napangiwi ako nung tumalikod na siya ng tuloyan dahil hindi ko masikmura ang suot niya. Labas na lahat ng kayamanan niya. Simula sa boobs pati- aish! 3 percent nalang ata ang natatabunan ng kapos na telang sinusuot niya. Sa pagkaka-alam ko ay hindi naman kuripot ang kompanya namin sa pagswe-sweldo ng mga taohan namin. Kulang pa ba iyon para bumili ng damit na may saktong tela para sa katawan ng tao? Haay! Mga lalaki pa man din lahat ng board members. 

Napasinghap ako at tinungo ang hagdanan. Sa bawat madadaanan ko ay ngumingiti sila at may komento akong naririnig. 

"Ang ganda ng anak ni Sir Zak. Mana talaga sa tatay. Maganda rin siguro ang nanay niya" rinig ko sa isang staff. Ngumiti lang ako. Hindi parin kasi ako sanay sa kanilang mga puri. Kilala na ako ng lahat. Alam nila ang nangyari kay Tatay at lubusan din naman silang nakiramay dahil nung si tatay pa ang nagpapatakbo ng kompanya, halos walang problema at kayang-kaya niya ang lahat. Walang pangamba na bumagsak o ano. Lahat safe sa kamay ni Tatay. Malaking kawalan talaga si tatay sa lahat. Alam ko..

Sa building na ito, may silid ako. Puro lang libro ang nakapaligid dun at parang sala set. Nandun sina Gino dun ngayon.

Papasok na sana ako, hawak-hawak ko na ang knob ng pinto. Ang pinagtataka ko ay hindi ito tuloyang sarado. Nakaawang ng maliit at dun ko narinig ang usapan nila. 

"Buwan narin na hindi tayo lumalaban"  dinig kong boses ni Gino. 

"Kung isali kaya natin si Sinag sa grupo? Masaya yun, tutal may alam na naman siya sa pinanggalingan ng tatay niya at hindi na siya mahihirapan sa pagtanggap sa atin and besides marunong na siyang lumaban" boses iyon ni Sheer

"She can't-"

"Anong pinag-uusapan niyo? Ako ba?" tuloyan ko ng pinihit ang pinto at kita ko ang gulat sa mga mata nila except for Darryl ofcurse. He's always compose.

"Ah-eh" 

"Wag na mag paligoy please. I'm done with all the secrets about everything. Ngayon, kung may sasabihin kayo, tell it infront of me." tabang kong sabi sa kanila. After months, marami na ang nagbago sa akin. I may be the same Sinag they knew but I matured. I need to accept everything. I need to be open to all the secrets my father didn't tell me. Hindi ko na nga rin alam kung ano pa ba ang ibang inililihim niya at kung ano pa ang hindi ko alam. Wala na siya para sagutin ang mga tanong ko so I need to deal with my thoughts and my own conclusion about all of these things. 

Nag buntong hiniinga si Gino. Darryl chose not to speak up at pinanlilisikan niya ng mata si Sheer.

"Speak" saad ko sa kanila. Iginala ko ang tingin ko sa desk ko. May kailangan pa akong pag-aral about sa kompanya as well as sa mga hand outs ko malapit na ang finals namin. 

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon