Missing 28

357 14 5
                                    

Sinag's POV


"You feel the same pain every night if you still choose to be alone and if you don't help yourself to move on. Don't be afraid to continue things that you do even if it can remind you of him. Don't be afraid to listen to your favorite music even though you can hear him singing it in front of you. The world won't adjust just because he left you. Life won't stop just because you're hurt. Get used to the pain and live by yourself again like what you're doing before he came into your life, as if he never existed. It's okay to cry, but don't make it last for a lifetime. Don't dwell too much on the past because you are not living there anymore. Forgive yourself and accept everything. Remember, life is a race and it's okay to rest for a while, but in order to get into the finish line, you must stand up and start to run again. Always look on the brighter side of every situation. Get ready because greater things are coming your way."

Napa singhap ako sa pagbabasa ko ulit sa wisdom notebook ni tatay. Broken-hearted lang ang dating? Ganern? Sucklaugh nemen! Tsaka may PS  siyang nilagay.

"When you get to this point of your life Sinag, just read it again ;)" sabi niya at napatawa ako. Haaay kahit kailan talaga 'tong si Tatay oh! Oo naman, darating din tayo dyan pero masyadong maaga pa for that. Busy ako ngayon sa pag-aahon sa sarili ko. Ma-aaply ko 'to someday..

Pero pwede namang sa kanya ko i'apply 'to ha. Not all of these are about love between lovers. Sa pagbasa ko nito, syempre first thought ko ay ang mensahe tungkol sa broken-hearted na babae na kailangan ng mag move on pero kalaunan napa turo ako sa sarili ko. Ako 'to eh. Ako 'to nung iniwan ako ni tatay. Takot kai ako. Takot akong makinig ng kanta namin ni tatay dahil sa tuwing naririnig ko iyon, boses niya ang naririnig ko, takot akong magstay sa maliit na bahay namin noon dahil si tatay ang naalala ko sa bawat sulok doon. Hindi ako sanay sa sakit ng dulot ng pagkawala niya. Parang kailan lang ay masaya kaming pumunta ng Sinag's Paradise at sabay namin tinitigan ang paglubog ng araw.Oo, aaminin ko hindi ako sanay na wala siya, siya lang meron ako eh tapos mawawala pa. Masakit at hanggang ngayon ay dama ko pa ito. Hanggang ngayon may mga luha pa dumadaloy at pumapatak sa tuwing ala-ala ni tatay kasama ko ang aking makikita sa tuwing matutulog ako. Sa panaginip ko siya laging kasama, hinahaplos niya ang buhok ko at hinahalikan ang noo ko pero sa huli, magpapaalam siya at imahe niya na unti-unting nawawala sa paningin ko. 

Don't dwell too much on the past because you are not living there anymore 

Ito ang isa naging paborito kong line na gusto kong i'apply ngayon sa sarili ko. I shouldn't be thinking of stuffs like this anymore kasi nakaraan nayun. Madali ba? Madali bang kalimutan ang taong sa tanang buhay ko ay nandyan para sa akin? Hindi eh, kaya uunti-untiin ko ang sinasabi kong tuloyang pagbabago ni Sinag. 

Life is a race and it's okay to rest for a while, but in order to get into the finish line, you must stand up and start to run again

 Napangiti ako dito. In my case right now, nasa sukdulan na ako sa 'rest' na stage, nararamdaman kong unti-unti kong tinatayo ang mga paa ko para tumayo, magsimula at takbuhin ulit ang buhay. 

Nilapag ko na sa shelf ang notebook ni tatay at nag unat-unat ako. Hawak-hawak ko ang balakang ko papuntang higaan dahil kakagaling ko lang sa training namin ni Daddy Josh. Ang hirap ng tinuro niya sa akin ngayon. Matagal-tagal narin kaming nagsimula at hanggang ngayon ay hindi pa sanay ang aking katawan sa mga pinapagawang paghihirap sa  akin. Halos malagotan na ako ng hininga tuwing training. Walang patawad si daddy eh huhu. Nung araw na pinatawag sila sa school, agad niya akong pinatawag at mag bihis ng comportableng damit. Bumalik ako sa kanya na naka pajama at naka loose shirt at napa face palm siya. Hindi naman kasi daw kami matutulog, magbabak-bakan kami kaya bakit suot ko ay pang slumber. Nagpalit ako pero wala akong maisip na suotin kaya si Yaya Melda na mismo ang kumatok sa kwarto ko at binigyan ako ng black sando at black leggings nag suot din ako ng rubber shoes at nagpalagay ng bimpo sa likod ko dahil madali akong pawisan sa likod. 

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon