Missing 47

196 8 4
                                    

Sinag's POV

"Psst sabihin mo nga, isang malaking joke lang 'to diba?" siniko ko ang katabi ko at agaran siyang tinanong.

"Ewan ko" walang buhay na sagot ni Gino ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napa 'tss' nalang ako. May dumating na call slip galing sa head office ng skwelahan at pinapatawag ako. Nagtaka ako kung bakit gayong wala naman akong kababalaghan na ginawa nitong mga nakaraang araw. Mas maiintindihan ko pa kung pinatawag ako dito last last last month dahil akoy nag mura.

"Bakit puyat na puyat ka ha? Anong ginawa mo kagabi" tanong ko kay Gino.

"Wala kang pake" sabi niya at inisnob-an ako. Aba't! Susuntokin ko sana siya ng may bagong pumasok sa head office. Tss pasalamat 'tong Gino na ito. Pumasok sa head office sina Gian at Sheer.

"Gusto mo talagang magka offense?" tanong ng bagong dating na si Gian. Si Sheer naman ay nag ngiting aso lang. Para talagang walang problema ang mokong noh!

"Ito kasi si Gino eh masyado ng snob hindi naman ganito 'to dati ah" sabi ko

"Pabayaan mo na baby may dalaw lang yan" ani ni Sheer. Tinaas ko ang kamay ko at nag appear kami.

"Oo nga noh" sang-ayon ko sa kanya.

"Teka lang, nandito din kayo? Pinatawag din ba kayo?" tanong ko at tumango sila. "Bakit?" sa tanong kong iyon ay bumukas na naman ang pintuan at iniluwa si Rafael kasama ng isang babaeng hindi ko kilala at sa kanilang likod ay si Darryl na naiirita ang mukha.

"Uy Sha!" bati ni Rafael sa akin. Pilit akong ngumiti. Nagtaka ang mga mukha nina Darryl at pati narin ang supladong si Gino sa narinig.

"Sinong Sha?" tanong ni Gian.

"Ako! pangalan ko yan diba?" pinandilatan ko sila ng mata at sumenyas ako sa kanila na sabayan ako. Involuntary silang napatango at ng na realize nila...

"Ah oo, Sha pala ang pangalan mo"

"Ah hehe Sha oo! Sha!"

Napa face-palm ako! Mga letche talaga ang mga mokong na ito eh, halata na tuloy ako. Tsk!

'Di nagtagal ay dumami kami sa loob ng head office. Ano ba 'to? Lagpas sampo na ata kami dito sa loob buti nalang at hindi puchu-puchu ang opisina at may kalakihan rin. Mayroong sofa and such.

Pero bakit ba kami nandito? Lahat ba kami dito ay may atraso at bibitayin? Ipapakain sa buwaya? Maglilinis ng public cr? Mag seserve sa cafeteria? Ano? I need answers!

Mga sosyalin at buhay prinsesa't-prinsipe ang mga background profile nitong kasama ko sa loob, ako lang ata ang muchacha dito kaya anong rason kung bakit kami nandito? Hayst

"Good Afternoon everyone" napatayo ang lahat ng marinig ang baritone na boses ng bagong pasok. Ito'y naka pormal na damit at iba sa uniporme ng mga guro sa skwelahan na ito. Nasa dulo ako at sadyang anit lang ng sagabal kong schoolmate ang aking nakikita.

"Good Afternoon Mr. Kayfated" bati ng lahat with matching bow pa. Aba!

Lumapit na sa kanyang mesa at naupo na ang head master sa kanyang swivel chair. Nang ang lahat ay nakaupo na rin doon ko lang naaninag ang mukha ng head master sa paaralang ito.

Pamilyar siya. Sobra.

"Marahil kayo ay nagtataka kung bakit kayong lahat ay napatawag dito. May importanteng anunsyo ako sa inyu at magandang balita" panimula niya. Ang kanyang mga mata ay sinusuyod ang lahat ng mga estudyante na nandito maliban sa akin. Hindi niya tinatapunan ng tingin ang direksyon ko at nagpapasalamat naman ako. Grabe din kasi ang pagtatago ko dito. Hindi niya dapat ako makita.

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon