Missing 23

308 13 0
                                    



Sinag's POV



"Kailangan mo po ba talaga akong ihatid daddy? Pwede namang ako lang ang pupunta dun kaya ko naman ang sarili ko po" sabi ko kay Tit-este daddy.Naninibago pa ako kaya medyo awkward ang pagtawag ko ng daddy.

"Yes dear because kailangan kong kausapin ang Head Office of the school"sabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho patungo ng bago kongskwelahan. Natatawa parin ako sa pag halo ni tito ng tagalog at english sa pananalita niya.



"We're here" sabi ni tito at tinuro ang unahan namin. Nalaglag ang panga ko sa laki ng gate na nasa harap namin. Springer Ville Academy. Nag park si Daddy at lumabas na kami sa sasakyan niya at hindi talaga matatago ang pagkamangha ko sa laki ng bagong skwelahan ko. Ang gara patignan.

Paglabas ko, may bagong dating rin na dalawang kotse at inilabas si Darryl sa na unang kotse at sa isa naman ay si Gian at Sheer.

"Pinakausapan ko sila nasamahan ka dito. It won't be easy for you so here I hope they will help" saad ni Daddy.



"Dito din kayo mag-aaral?"tanong ko sa kanila.



"Yep baby" sagot ni Gian.Tumango si Sheer at walang-imik lang si Darryl. Ngayon na wala na si Tatay, hindi ko na rin iintindihin si Darryl na kailangan kung saan ako ay nandito siya dahil hindi naman talaga kami which is yun ang nasa isip ni tatay.



May engine ng motor kami nanarinig na paparating at tunog palang ng motorsiklo kilala ko na kung sino ang paparating.



"Gino!" I exclaimed.

"Hi" yan lang ang pa cool nasinabi niya at bumaba na sa motor.

"Sabay na tayong lahat?Magiging masaya 'to" pag-aya ni Sheer. Tumango kami at sabay na pumasok sa engrandeng paaralan.

"Sana classmates na tayo this time" hiling ni Gino at yun din yung akin. Sana classmates kami dahil hanggang dito sa bago kong school hindi ko pa rin trip ang mangaibigan. Okay na sakin sina Gino. Sila lang masaya na ako.



Rafael'sPOV

"Nukaba naman pinsan, minsan nga lang tayo magkita tapos aalis ka pa at ipapabantay mo sakin 'tong pusa mo! Ayaw niya sakin oh kung hindi pa obvious sayo!" reklamo ko kay Claw na pinsan ko. Bumisita ulit siya at ibinilin sa akin ang pusa niya.



"That cat don't like me too"sabi niya. Yun naman pala eh! Bakit hindi nalang niya itapon ito, o iligaw man lang. "I won't do whatever you are thinking there Raf.Importante yan sa babaeng mahal ko kaya ikaw muna ang mag-alaga please, hahanapin ko lang siya" I rolled my eyes. Haaay Pag-ibig!Iba talaga ang nagagawa pag ikaw ay tumama. Bakit lahat ay nabubulag at sadyang ang taong mahal lang ang nakikita. Oh Pag-ibig, ikay bukambibig sa taong nasa aking paligid at iyong biniyayaan, ako?Hindi mo ba ako pagbibigyan? Ay putek! Sinaniban ako ng pagiging makata, ganito talaga ako kapag may hinaing at hindi pa nakakasaing.Tss! Gutom ako! Yan ang totoo! Wala akong paki sa pag-ibig na yan!Hindi ako mabubusog dyan! Walang maganda naidulot pwe! Wait,babaeng-babae ang dating ko sa mga pinagsasabi ko ah putcha!



"Tumawag ka na ng pulis if that's the case, magpatulong ka para mahanap mo siya agad. 'To namanoh! Kigwapo-gwapo mo hindi mo naman ginagamit yang utak mo tsk!"sermon ko sa pinsan ko.



"Wala ring kwenta ang mga yan,hindi sila mapagkatiwalaan" matabang na sabi niya "And you of all people should know that" dagdag niya pa. Napatango nalang ako,actually as time goes by, nakalimutan ko na ang palpak na nagawa ng mga pulis nung kami ang nangangailang eh. Pwedeng maulit ulit iyon.



Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon