Missing 19

363 16 6
                                    

Sinag's POV

"Sinag! Sinag! Buksan mo 'tong pinto. Ako 'to si Braine." Katok siya ng katok sa pintuan. Hindi rin nauubos ang tinis ng boses niya sa kakasigaw.

"Umuwi na tayo Braine, hinahanap ka na ng mama mo"

"I won't go home until Sinag will talk to me. Ano ba kasing nangyari dad? Enlighten me!"

"You don't need to know. Uuwi na tayo Braine sa ayaw at sa gusto mo"

Wala na akong narinig mula sa labas marahil ay Umuwi na talaga sila.

Araw na rin ang nagdaan mula magkulong ako rito sa kwarto ko. Bakit nga ba ako nagkukulong rito? Uuwi naman si tatay at yun ang totoo.

Pinunasan ko ang mga basa sa mukha ko. Tumayo ako mula sa magulo kong higaan at pumunta sa kabinet at kinuha ang album na nandoon. Mga larawan namin ni tatay. Mula sanggol hanggang sa nakaraang pinuntahan namin pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Kita mo 'to Sinag? Ikaw yan, sanggol ka pa lang ang likot muna"

Kinuha ko ang larawan kung saan nasa mga bisig ako ni tatay at nag-iiyak at siy naman ay halos hindi maipinta ang mukh dahil hindi niya alam kung paano ako papatahanin.

"Ito naman, unang kaarawan mo pero wala akong pera kaya Cerelac lang kinain natin nun."

Cerelac lang pero kita naman ang ngiti sa mukha ko. Ngiting walang ngipin.

"Ito ang una mong paglalakad Sinag. Tawa ka pa nga ng tawa kahit palagi ka ng nadadapa. Yun ang gusto ko sayo, hindi ka nagpapa apekto ang gusto mo ay matuto."

Naka-alalay sa akin si tatay sa likod, napapakamot ng ulo dahil hindi niya ako mapigilan sa paglakad.

"Ika-walong kaarawan mo, tinanong kita kung ano ang gusto mo sabi mo pero wala kang hiningi. Nakita kong malungkot ka dahil hindi ka nakasali sa field trip niyo kaya bumili nalang ako ng icecream at yun nilantakan mo naman. Ang takaw mo nun hanggang ngayon HAHAHA! "

Nabasa ko ng mga luha ang mga litrato namin ni tatay habang binubuklat ko ito. Lahat may mga ala-alang nagsibalikan. Lahat may mga boses na kay tatay ko lang naririnig at ang mga tawa ni tatay, yun lang ang tangi kong naririnig. Kaya alam ko, alam kong babalikan ako ni tatay.

"Sinag, alam mo namam na mahal ka ni tatay diba?" Tanong niya mula sa kabilang linya. Tawag ito mula sa kanya na alam niya na dito muna pansamantala sila Joseph at Braine.

"Oo namam po! 110%! " proud kong sabi at may malaking ngiti sa aking mga labi, kahit kailan talaga ang sweet ng tatay ko. Nang marinig niya ang sagot ko hindi ko man siya nakikita ay alam kong ngumingiti siya.

"Bakit po?" Tanong ko

"Wala lang haha. Mahal kita 200% " saad naman niya.

"Bakit po two hundred? Sobra naman ata yun"

"Sobra kasi kitang mahal. Tsaka ang kalahating isang daan ay buhay ko"

"Aaahh okay " yan lang ang nasagot ko dahil hindi pa ma process ng utak ko mga sinabi niya. Ang slow ko talaga hayst

"Haha speechless ka na naman, sige na anak may gagawin lang ang tatay Uuwi ako kasi mamimiss kita ng Sobra. Iloveyou Sinag ko, nag-iisang prinsesa sa buhay ko. Dadating asdf- si -asdfg Mag-ing@#%& b@&-"

"Tay choppy wala akong maintindihan "

Habang inaalala ko ang naging huli naming pag-uusap ni tatay ay ang boses niya ay may bakas na pangamba. Ayaw ko mang isipin ang mga sinasabi nila Tito napapa-isip parin ako. Hanggang ngayon ay wala akong tawag o kahit text na galing kay tatay. Baka busy siya. Hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi. Baka importante talaga ang ginagawa niya.

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon