Missing 53

248 8 4
                                    

Sinag's POV

Nang ako ay nagising, hindi na ako nagtaka kung bakit masakit ang buong katawan ko, alalang-alala ko pa na bumagsak ako dahil hindi ako nakakain simula agahan pati hapunan. Napatingin ako sa bintana at nakitang madilim na sa labas. Luminga-linga ako at napagtantong hindi king size bed ang naka assign na higaan para sa akin, hindi isang presidential suite ang para sa akin at hindi ganitong kabongga. Napabalikwas agad ako sa kama habang nanlalaki ang mata.

"Shit" napamura ako at napahawak sa aking ulo dahil nabigla ko ang aking sarili sa aking pagtayo at umiikot na naman ang paligid ko pero kaya ko naman. Lalabas lang ako tapos kakain. Baka maubos ko nga ang buong buffet nila.

Umupo ako sa gilid ng kama at hinilot-hilot ang aking sentido, tatawag nalang ako at magpapadala dito ng pagkain. Tutal guest rin naman ako at nagbabayad din ang academy para sa amin.

Inabot ko ang telepono ng nakayuko at pikit mata dahil sa hilo ng makaramdam ako ng mainit na kamay sa aking palad, napahinto ako. Tuloy-tuloy ang kamay sa paghawak sa mga palad ko at inilagay ang telepono sa nakabukang palad ko.

Unti-unti ako dumilat at nag angat ng tingin.

Ang unang nakita ko na nasa aking harapan ay bulto ng isang lalaki, dumako ang aking mga mata sa kanyang mga mata. Wala paring pinagbago, nakakalunod parin ang kanyang mga titig pero bakit siya nandito?

"Claw?" hindi ko mahanap ang aking boses at kasing liit lang iyon ng langgam ng mabanggit ko iyon dahil sa aking gulat at kaba. Tumango siya at hindi parin nagsalita. Ang suot niya ay uniporme ng mga room boy sa resort na aking mas pinagtataka. Ang telepono na nasa palad ko ay naitapon ko sa kama.

Lumingon ako sa pinto at nakitang naka awang iyon, kung may masamang balak man si Claw sa akin pwede akong sumigaw hanggang sa may makarinig sa akin, pwede rin akong manlaban at lumabas agad sa silid na ito. Kung pwede lang akong tumakbo ngayon din patungo sa pinto ay gagawin ko kung hindi lang nakaharang si Claw sa harap ko. Shit! Ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na wala akong lakas. Mahina ako ngayon, what a great timing!

"Claw kumusta ka? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya sinusubukan ko sa aking sarili na wag maging halata dahil labas sa ilong ang tanong ko. Dumagdag pa ang kaba at panghihina ko.

Make your friends close, your enemies closer.

Tumango lang siya.

Meron namang CCTV sa resort na ito diba? Makikita naman kung sakaling may mangyayari sa akin? Madali namang malalaman nila Darryl na nawawala ako at hihingi sila ng tulong sa buong gang para hanapin ako diba?

Napapikit-pikit ako. I'm trying to erase the thoughts that are forming in my mind. All the negativity. All the possibility and all the capability of someone like Claw, which I don't know, to hurt me or whatever intentions he have.

Ngayon alam ko na ang sinabi ni Darryl sa akin na wag maging kampante sa mga tao sa aking kapaligiran. Hindi mo alam kung anong klaseng maskara ang suot ng bawat isa.

Yumuko siya papalapit sa akin at ako naman ay umatras pababa sa higaan, ramdam ko ang kanyang mga kamay na pinipigilan ang kamay ko. Gustohin ko mang pigilan ang paglapit niya ay hindi kaya ng nanghihina kong katawan. Malapit ng bumagsak ng tuloyan ang aking katawan sa higaan at malapit na rin niya akong daganan nang may nagmamadaling yapak ang aking narinig mula sa naka awang na pinto. Bumilis ang kilos ni Claw at mas bumaba pa siya at ang isang kamay na hindi nakahawak sa akin ay dumiritso sa likuran ko at may kinuha.

Bago siya umalis ay may ibinulong siya.

"Protect what you need to protect. I'll do the rest for you" aniya at dali-dali siyang nag tungo sa bintana inilagay niya ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang mga labi. At ako nama'y naiwan sa loob ng silid naka awang ang bibig dahil hindi ko alam ang mga katagang binangggit niya. Ano raw?

Missing HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon