I've Falling For You

127 2 0
                                    

Written by: Vince Calvero

Dedicated to: Charlotte Pagalan

Ang kulit niya, may pagka-bastos, pasaway  siya at hindi ko maintindihan ang ugali niya. Ewan ko nga kung bakit ko siya nagustuhan eh. Hindi ko talaga sinasadya na mainlove sa kanya promise. Pero dumating rin ang oras na alam ko na kung bakit, kung bakit minahal ko ang isang katulad niya. Oh well, who cares, di ko siya masisisi kasi inlove rin siya sa akin eh. Syempre, angat pa rin ang BEAUTY ko. Sorry na lang girls. Di joke lang guys, basahin niyo naman storya ko. Ewan ko kay author kung bakit ang CHEAP ng mga lines ko.. Pero don't worry, you are free para magreklamo kay author. Hahaha. Simulan ko na nga, sayang laway ko eh.. Gora!

----<Chapter 1>-----

(Gabriela's POV)

Alam niyo matagal ko ng pangarap na mahulog sa akin si Chad kasi noon pa man, crush ko na siya. Kasali siya sa tinatawag naming 'hearthrob boys' dito sa university namin. Actually nandun rin si Noriss kasi ang gwapo naman nilang lahat noh. Tsaka hindi ko na pwedeng agawin si Noriss kasi kay bestfriend Alodia na yun. Matagal na niyang crush yun eh. Tsaka nanliligaw rin si Noriss kay bestfriend. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Noriss kay bestfriend. Di hamak mas maganda pa ako sa bestfriend ko eh.. Oo nga naman pala, POV ko to pero bakit parang sila ang kinikwento ko? It's so unfair.. Joke lang noh. Tsaka balik na tayo sa storya ko. Oo mahal ko na si Chad noon pa man. Nagagalit ako kapag may lumalapit sa kanya na kung sinu-sinong mga kababaihan. Kasi gusto ko, ako lang ang lalapit sa kanya. Tawagin niyo na akong sellfish pero ganyan ako. At kahit pasaway siya, okay lang yun noh. Pero kung kabastusan man lang, wala na ako dun. Bahala na siya sa buhay niya. Pero diba wala namang pinipili kapag puso na ang nagkakaharap? Ito kami ngayon, hinihintay si bestfriend kasi practice nila eh. Kasama ko yung ABRYNINSOCOLE. We're waiting for her. Pero actually hindi naman ako kay bestfriend tumitingin eh, kay Chad kasi nagpra-practice sila ngayon ng basketball. Graaabe ang gwapo niya sobra.

"Oy Gabriela okay ka lang?"

"Oo naman Angel noh. Ba't mo naman natanong yan?"

"Alam mo kung bakit? Ang sakit na ng kamay ko kasi kanina mo pa hinahawakan. Kulang na lang, tusukin ng mga koko mo tapos may dugong aagos. Diba masaya yun?" Sarscastic niyang sabi.

"Sorry na po.." Oo nga naman, nakalimutan ko na hawak-hawak ko yung kamay niya tapos kanina pa ako nanggigigil.......

"Ayeeee Gabriela inlove.... Kanina ka pa nakatingin kay Chad..."

"Wag ka ngang maingay. Tingnan mo, ang HOT niya tingnan. Eh kahit sino naman maiinlove sa kanya diba? Lalong-lalo na kapag basa siya ng pawis niya. Kung maging girlfriend niya ako, palagi ko siyang pupunasan.."

"Asus! Ayan ka na naman sa sakit mo.."

"Heh! Panira ng trip." Kakainis talaga si Christine. Eh pano naman kasi, wala pang crush. Hahaha :)

"Oy papunta siya dito......."

"Sinu-sino?" Nagtatakang tanong ni Christine.

"Si Chad..... Umayos nga kayo.." Papunta siya dito. Graaabe kinakabahan ako.. OMG! And ito na siya, ito na.

"Hi Girls."

"Hi Chad..." Syempre nauna ako noh.. Nagulat nga silang lahat sa akin eh kasi ang lakas daw ng boses ko.. Tumingin ako sa kanila kasi takang taka talaga sila. Hindi ko alam nasa tabi ko na pala siya.

"Ahm, are you Gabriela Dizon?" Nung nakita ko siya na nasa tabi ko, nagulat ako tapos parang hindi na ako nakakahinga.. Tinatanong niya ako pero hindi ako halos makasagot...

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon