Chapter 18

4 0 0
                                    

----<Gabriela's POV>----

Di pa rin ako maka-move on sa pagkamatay ni Kris.. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng pasalubong dahil uuwi na kami ng pilipinas bukas.

"Gabriela ano yung sa'yo?" Tanong ni Renee

"Kahit ano.." Wala kong ganang sagot.

"Move on na.. 3 araw na ang nakakalipas simula ng nilibing si Kris.. Di ka man lang sumama."

"Di ko kayang makita si Kris n la nakahiga sa kabaong."

"Eh hindi naman natin nakita si Kris eh. Hindi pwede dahil hindi naman daw tayo ang pamilya niya."

"Whatever. Tsaka sige na. Gusto ko ng umuwi."

"Oo na. Wait lang.." At bumili na sila.. Pagkatapos naming bumili, umuwi kaagad kami.. Nakakapagod naman kasi eh. Tsaka maghahanda pa ako sa sarili ko.......

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Alodia.

"Oo best wala na.. Tsaka okay na ako.."

"Best, move on.. Masakit man para sa kaluoban pero kailangan nating tanggapin na wala na siya.."

"Masakit pa rin best. Ang sakit sakit.."

"Alam ko yan... Kaya smile na... Kung makikita ka niyang ganyan, malulungkot din yun."

"Pipilitin ko alang alang sa kanya.."

"Tama yan para maging masaya siya.." Tapos nag-smile siya.. Nag-smile rin ako sa kanya..

"By the way, best pwede bang dumaan muna ako sa puntod ni Kris bago tayo umalis ng Korea?"

"Oh sure, much better."

"Okay.. Sige, matutulog na ako."

Pagkagising ko ng umaga, nakita ko kaagad ang mga maleta namin. Inayos na rin nila pati yung sa akin..

"Ohh best gising ka na pala. Kain na."

"Oo pupunta na ako."

"Sige. Tsaka diba pupunta ka pa ng sementeryo?"

"Ahhh oo nga pala.. Ngayon na lang ako pupunta."

"Teka di ka ba kakain?"

"Hindi na. Dun na lang ako kakain sabay ni..... kris." Malungkot kong sabi.

"Best naman.."

"Gusto kong kumain sabay sa kanya mamaya. Kahit last time lang..." Naluluha na ako.

"Best, tanggapin mo na kasi. Nahihirapan na rin kami. We know how you feel.. Kaya pls. stop it."

"Sige best, alis na ako.. Hintayin niyo na lang ako dito bago kayo pumunta sa airport."

"Sige best. Bilisan mo lang... 10:00 ang flight natin."

"Okay." Tapos umalis na ako sa hotel.. Sumakay kaagad ako ng taxi papuntang restaurant at sementeryo...

Pagkadating ko ng sementeryo, hinanap ko kaagad ang puntod ni Kris at sa wakas, nakita ko kaagad ito.

"Hi babe. I really miss you... Sorry di kita maha-hug at makikiss.. Miss na miss na kita. Wala ng may lumalambing sa akin. Wala na ring makulit at kaaway ko kung gusto ko. Wala na ring may bumibili ng ice cream tuwing malungkot ako. Wala ng may nagha-hug sa akin tuwing umaga. Wala na rin akong katabi pagtulog. Wala ng may humahalik sa noo ko bago matulog. Wala na rin akong makakasama tuwing gusto kong mag-mall. Wala na akong ipagmamalaki ng boyfriend na hot at gwapo. Wala na rin akong kasama sa pagkain. Wala na ring may nagjo-joke sa akin tuwing wala ako sa mood. Wala na ang lahat ng yun dahil iniwan mo na ako.. Akala ko ba, magpapakasal tayo tapos gagawa tayo ng baby at bubuo ng masayang pamilya. Yung mga pangarap natin na tutuparin natin. Yung sabay tayong ga-graduate kasama ang mga kaibigan natin.. Wala na Kris, walang wala na. Akala ko ba walang iwanan pero bakit mo ko iniwan? Kasalanan ko to eh. Kung di sana ako nagpadalos dalos, hindi ka sana napunta dito sa Korea.. Kung nakinig sana ako sa'yo, magkasama pa sana tayo. Masaya pa sana buhay ko.. Tsaka babe, okay lang bang maging playgirl ulit? Kung oo, salamat pero kung hindi, okay lang. Magsalita ka nama diyan! (naiyak na talaga ako tapos pinagpapalo ko yung lupa na kung saan nandun siya sa loob...) I hate you, di ka man lang sumasagot.!" Para na akong baliw dito.. Nababaliw na talaga ako.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon