A/N: Pasensya na sa super duper late update.. Ito na... Sana suportahan niyo pa rin.. :-)
After 6 months, okay na ako. Medyo nasasanay na rin ako na wala pa si Kris at hinihintay ko yung pagdating niya. 1 month lang naman akong nag-suffer nun.. Ginagawa kasi lahat ng mga kaibigan ko para lang mapasaya nila ako. Kasali na dun si Vince. Isa rin siya sa dahilan ko kung bakit ako naka-recover ng ganun.. Palagi kasi kaming lumalabas tapos namamasyal. Iwan ko dun pero bigla lang siyang nagbago... Papunta na ajo ng classroom ngayon. Happy na ako noh.
-
Pagdating ko ng school, nakita kong nagkakaksiyahan ang mga kaibigan ko kaya tinanong ko sila.
"Guys, masaya ata kayo. May nanalo ba sa lotto?"
"Meron." Sagot ni Christine.
"Sino?"
"Ikaw.." Tapos nag-smile sila samantalang aki, NGANGA. Di ko sila maintindihan. Hindi naman ako tumataya sa lotto dahil sayang ang pera ko dun. At di na kailangan, dahil mayaman ako..
"Di ko kayo ma-gets.."
"Gosh! Di mo pa rin makuha ang point namin? Ang slow mo teh" Naiinis na sabi ni Dianne
"Kung gawin ko kayang SLOW ang buhay mo para masabi mong ang slow ko."
"Ito naman di ma-joke."
"Ehhh ano nga? Sabihin niyo na kung ayaw niyong magka-away tayo.."
"Okay. Uuwi na ang boyfriend mo." Naeexcite na sabi ni Alodia.
"Talaga?" Natatarantang tanong ko sa kanya.
"Oo nga uuwi na siya. Pinayagan na daw siya ng ate niya pero just for one week. Pagkatapos nun, babablik na kaagad siya.."
"Yessss!" Kaagad ko siyang hinug. Masaya ako dahil uuwi na siya. Yehey.. Haha. At dahil sa nalaman ko, nilibre ko silang lahat. Masaya rin sila pero hindi dahil sa uuwi na si Kris at dahil sa ililibre ko sila. Tong mga kaibigan ko talaga ang babait.. Salamat naman at natupad na ang wish ko.. Excited na ako.. Pag-uwi ko sa bahay, busog na ako kasi nag-dinner na kami sa labas at gastos ko lahat ng yun. Masaya lang ako.. Well, nakakapagod pero bukas, dadating na siya or after tomorrow, darating na rin siya.... Ito na ako sa kama ko, nag-iimagine na nandun kami ni Kris sa mall, nagde-date tapos kumakain sa isag mamahaling restaurant at nagsusubuan....Hmmmm, ang sarap sa feeling.. At alam kong mas gumwapo pa siya at nadadagdagan ang pagiging HOT niya. Yun pa?
(Calling......... Private Number) Sino na naman to? Baka si Kris pero naka-save yung number na palaging ginagamit niya. Pero baka naman naubusan lang ng load.
"Hello?"
"Hello Gabriela? Si Gabriela ba to?" Teka, familiar yung boses tsaka ba't siya umiiyak..
"Oo nga si Alodia to. Sino po to?"
"Sorry to disturb you. Ate to ni Kris. Please help me!" Umiiyak talaga siya. Di ko alam pero, kinakabahan ako? Parang may masamang nangyari.
"Bakit po?" Di siya sumasagot. Iyak pa rin siya ng iyak.
"Ahm, ate bakit po? Sabihin niyo naman po, kinakabahan ako eh."
"Please wag kang mabigla sa sasabihin ko."
"Opo, ano po yun?"
"Na-aksidente si Kris. Uuwi na sana siya pero nabangga yung kotse niya." Sa sinabi ng ate niya, parang nabagsakan ako ng lupa. Di ko alam ang ire-react ko. Tumulo bigla ang mga luha ko at napaupo sa may kama ko.
"Kaya please Gabriela, pumunta ka dito.. Kailangan ka ng kapatid ko." At nabitawan ko yung phone ko... Nahihirapan akong huminga. Kaya kinuha ko yug medisina ko at kumalma kaagad ako. Oo may sakit ako, sakit sa puso kaya nga hindi ako pwedeng magpagod o kabahan.. Tinawagan ko kaagad ang mga kaibigan ko para malaman nila ang nangyari.
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........