Pagdating namin dun, buti na lang at wala pa yung prof.
"Babe, alis lang muna ako. Wala pa naman yung prof eh. Madali lang. As in madaling madali."
"Sige." Tapos umalis muna siya at naiwan ako dito kasama yung bruha kong kaibigan.
"Ang sweet niyo ha." Sabay kulubit ni Dianne sa akin.
"Ano'ng sweet ang pinagsasabi mo ha?"
"Asus. Nakita kaya namin yung paghalikan niyo. Talagang nagpaka-prinsesa ka pa talaga ha. Maypa-hulbot-hulbot effect pa kayong nalalaman."
"Bigla lang niya akong hinila. Di ko ginusto yun."
"Pero aminin mo, kinilig ka nun. Noh?" Hindi ko nasagot yung tanong niya. Oo aaminin ko kinilig ako dun sa ginawa niya. Di ko inaasahan na gagawin niya yun sa akin. Di ako mahilig ng ganun.
"Ayiiiee, Gabriela ha inlove na inlove ka na ha.. Akala ko ba, fi ka mahuhulog sa kanya? Angyari te, angyari? Sarscastic niyang sabi.
"Oo aaminin ko, kinilig ako dun. Tsaka akala ko, hindi ako mahuhulog sa kanya pero nagkamali ako. Mahal na mahal ko na talaga siya at di ko na babawiin yun. Akin na siya at wala ng aagaw sa kanya. AMini nating manhid ako pero takot akong mawala siya sa buhay ko. Ayokong ayokong may lalanfi sa kanya. Kahit yung lintek na ex niya."
"Pa'no kung bumalik si Chad sa ex niya? Anong gagawin mo?"
"Syempre mahal ko si Chad kaya hihiwalayan ko na lang siya. Pero yung ex niya, katapusan na ng buhay niya." Magsasalita palang sana si Chad pero may biglang nagsalita sa likod ko.
"Totoo ba ang narinig ko? Totoo ba yun Gab? Na sayong sayo na talaga ako?" Bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Akala ko ba umalis siya? Madali nga noh.. Naramdaman ko naman na papalapit siya sa akin at binack-hug niya ako.
"Di naman ako mawawala sa'yo eh. Nandito lang ako sa'yo at di kita iiwan."
"Sigurado ka?"
"Oo. Kahit lumuhod pa yung ex ko, di ko siya babalikan dahil sayong sayo na ako."
"Hmm. Akala ko, babalikan mo siya."
"Di na mangyayari yun." Tapos umeksena naman si Dianne.
"Teka lang love birds ha pero kanina pa ako kinikilig sa inyo. Pwede stop muna? Pwede?"
"Ehh pa'no naman kasi eh selosa ang girlfriend ko eh." Tapos binatukan ko siya sa ulo. Pero imaginin niyong naka-back hug pa rin siya sa akin..
"Oh tara na, nandito na yung professor.." - Dianne.
Pumunta na kami kaagad sa mga upuan namin at saktong dumating sila Alodia..
"Okay class good afternoon. Ang paguusapan natin ngayon ay tungkol sa art. Gagawa kayo ng drawing na para sa mga mahal niyo o kahit sino pa man na gusto niyong ibigay o ipadama. Okay ba yun?"
"Teka sir, individual?"
"By partner. Pero dapat lalaki at babae. Okay?"
"Okay po." Syempre alam niyo na kung sino yung kapartner ko at wala ng iba yun kundi ang mahal kong boyfriend.. Nagsimula na siyang magdrawing at ako lang ang maglalagay ng color. Wala kasi akong talent sa art eh kaya taga color lang ako. Kahit naman wala talent sa art, magaling akong mag-color.. Maya maya lang, tapos na kaming lahat. Isa isa na silang nagpresent ng mga ginawa nila. Ang cute nga ng ginawa ng mga boyfriend ng mga kaibigan ko eh. Yung iba, mickey mouse tapos yung iba bears.. Ang cute. Ang sa amin ni Chad, isang mansion na bahay ang ginawa niya. Ewan ko sa taong to. Bago sa amin si Vince tapos sumigaw yung ex ng boyfriend ko na "go baby". Ang flirt! Syempre di siya nakatakas kay Dianne. Alam niyo naman ang babaeng yun kung gusto niyang persobalin, gagawin talaga niya. Kahit nga kaming nga kaibigan niya, kung may gusto siyang sabihing hindi maganda, sasabihin talaga niya. Kaya maraming nagagalit ss kanya pero wala siyang pakialam.. Pinagsabihan lang naman niya yung ex ni Chad na "wag kang assuming girl. Ang landi mo masyado girl graaabe." See? Kahit nandito yung prof, sinabi pa rin niya. Wala talaga siyang takot graabe.. Haha.
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........