Nakakapagod kayang maglakad lakad sa mall tapos naka-heels ka pa... Maya maya, aakyat na sana ako kaso biglang may kumatok.. Teka anong oras na ba? 8:05 na tapos may kakatok pa? Sino ba to.. Lumapit na ako sa pintuan at pagbukas ko, isang matandang mag-asawa. Wait, sila nakita ko kanina ahh...
"Ahm, ano po yun?" Tanong ko sa kanila.
"Ahm, pwede ba kaming pumasok? May itatanong lang kasi kami." Tapos pinapasok ko na lang sila. Para namang wala silang masamang balak. Umupo na sila at tinawag ko si mama. Si kuya naman, umakyat na..
"Magandang gabi po."
"Magandang gabi rin." Bati ni mama sa kanila.
"Ano po pala ang kailangan niyo? Mukhang importante naman kasi gabi na oh."
"Ahhh oo, importante talaga.. May itatanong lang sana kami."
"Ano po yun?"
"Nabalitaan ko kasi na kilala niyo daw yung anak namin. Yung binigay naming anak.."
"Teka, sino po ba ang tinutukoy niyo?" Pagtatakang tanong ni mama.
"Kilala niyo ba si Kris at Samantha?" Wait, don't tell me, ito ang mga magulang nila. At ang alam ko, pinagtabuyan sila hindi ipinabigay.
"Ahm, oo, kilala ko sila."
"Alam niyo ba kung.... kung nasan sila?" Teka, umiiyak yung babae.
"Madam, di ko na po alam kung nasan ang mga batang yun. Pero ang alam ko..... wala na si Kris." Pagkasabi ni mama nun, tumingin yung matanda kay mama na nagtataka.. Di ba nila alam ang nangyari sa anak nila? Eeh pa'no kasi, pinagtabuyan nila ang mga sariling anak nila.
"A-ano p-po yung ibig niyong sabihing wala na?"
"Madam, I'm sorry to tell you this but Kris is already dead. 1 week na ang nakakaraan.." Tapos bigla na lang umiyak yung babae. At dahil dun, nagalit na ako..
"Wow lang madam ha, kung makaiyak ka diyan, parang di niyo sila yinakwil. Alam mo ba na hanggang ngayon, gusto niyang makita kayo? Pero sa tuwing naaalala niya yung kawalang hiyang ginawa niyo sa kanila, ayaw na niya. Tapos sabi niyo pa kanina pinamigay? Sinungaling! Tinakwil niyo sila diba nung 10 years palang siya? Diba? Di niyo ba alam na naghirap sila nung mga panahong yun? Naisip niyo ba kung makakakain ba sila ng maayos? Naisip niyo ba na pwede sila magkameton ng dengue dahil sa mga lamok? Naisip niyo ba na wala silang bahay? Ang tanga niyo masyado! Tapos ngayon hinahanap niyo sila kung kailan wala na ang isang anak niyo? Wow, as in wow. Pero ito lang naman ang gusto kong sabihin sa inyo, di na nila kayo kailangan dahil AYAW NA NILA SA INYO kaya kung pwede lang, lumayas na kayo sa pamamahay namin!" Pinipigilan ako nila mama pero di nila ako madala. Kakainis lang naman kasi eh.. I hate them.. Buti na lang at umalis na sila dahil kung hindi, baka kaladkarin ko sila papalabas! Sana hindi ko na lang sila pinapasok! Sinira nila ang magandang araw ko! Bwiset! Umakyat na ako sa taas at dahil sa inis ko, tinapon ko yung isang vase. Katok ng katok sila mama pero di ko sila binubuksan.
"Anak bulsan mo yung pinto."
"Bunso, buksan mo to kung ayaw mong mawalan ng pinto ng wala sa oras." Arrrgh, kahit kailan talaga tong kapatid ko panira ng mood. Syempre at dahil ayokong wala akong pintuan, binuksan ko na lang to with evil face..
"Buti naman at binuksan mo dahil kung hindi.."
"Mawawalan ng pintuan ganun? Eh di gawin mo." Galit kong sabi.
"Gusto mo ba nun? Sige, ibibigay ko." Tapos umalis siya... Tapos maya maya, bumalik na siya at may dala siyang martilyo. Di nga, seryoso siya?
"Hoy, ano yan ha?'
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Dla nastolatkówMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........