Gab's POV
-
The next morning, nagising ako ng maaga.. Laya naman nag-exercise muna ako. Pagkatapos kakain at maliligo.
"Bunso, di ka pa ba kakain? Anong oras na."
"Hala oo kuya ito na.." Masyado akong nag-eenjoy sumayaw dito sa kwarto ko... Di ko na namalayan yung oras.. Pababa na ako ngayon tapos kakain na.. At pagkapasok ko ng kitchen, wow fried chicken. Kaya naman kumain na ako.
"Dahan-dahan bunso baka mabut-ukan ka." Di na ako sumagot dahil puno yung bibig ko.. At habang kumakain ako, may nag-doorbell.. Pinakbuksan ko na lang kay manang..
"Ma'am may naghahanap po sa inyo?" Ang aga aga ako kaagad ang hinahanap?.
"Sino daw?"
"Yung gwapong boyfriend niyo daw." Wow ha, masyado naman akong nabingi dun sa sinabi ni manang. GWAPO? SINO? SI KRIS? Well totoo naman. Di ko naman siya masisiai eh.. Kaya ko nga siya magustuhan diba.
"Oh babe, kumakain ka pa lang? Tataba ka niyan. Hahaha"
"Kung makatawa ka, akala mo kung sinong may abs."
"Well, gusto mo makita?'
"Wag na. Baka masuka pa ako." At nag-roll eyes ako. Alam nating lahat, may pandesal ang taong yan. Kumpleto pa... Natapos na rin akong kumain tapos maliligo na.
-
Tapos na akong maligo. At pagkalabas na pagkalabas ko sa CR, nakita ko kaagad si Kris. Nakasandal sa pader.. Teka, remember, naka-towel ako.
"Hoy, ba't ka nandito."
"Gusto ko lang sanang sabihin sa'yo (sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa) BILISAN MO! LATE NA TAYO!" Nabigla naman ako dun . Sinigawan niya ako. Teka anong oras na ba? 8:30? Eh 8:00 pasok ko eh.. hala.. Kaya naman pumasok kaagad ako at duro-diretsong nagbihis......
At nung natapos na ako, go na.. Nakita ko si Kris, nakaupo sa sofa... Nag-iinternet siguro. Malapitan nga.... At nakita ko siyang nagpo-post sa facebook.
"Ang sexy kong girlfriend ay parang pagong kung makakilos. Late na tuloy kami." Oo yan ang post niya kaya naman binatukan ko siya.
"Aray! Ano ba?"
"Anong pagong ang pinagsasabi mo, ha?"
"Totoo naman eh Pagong!'
"Ehh ikaw, aso.."
"Bakit naman ako naging aso, aber?"
"Kasi ang aga aga nantatahol ka na.."
"At least mabilis ang aso. Eh ang pagong, ANG BAGAL! Kaya tara na nga." tapos hinawakan niya yung kamay ko tapos kinadladkad palalabas. Nakita namin si mama. Magpapa-alam na sana ako pero nagsalita kaagad si Kris.
"Tita, aalis na po kami ng PAGONG mong anak.!"
"hahaha, oo nga pagong yan. Mag-ingat kayo." At nag-agree pa si mama sa sinabi ng aso kong boyfriend.
"Aso!"
"Mahal mo naman.. Mahal ko nga ang pagong." Natawa naman ako dun ha.
"Ehh ikaw, mahal mo ba si Aso?"
"Oo naman mahal ko si Aso noon pa man." Natatawa nga ako dun sa sagot ko eh. Akalain mong mahal ko pala ang aso at mahal niya ang pagong. Oh well ang sweet niya at hindi siya SWEET. Ano daw? Hahaha.
Umalis na kami at pagkadating na pagkadating namin sa room, pinagalitan kami ng proof.. Late daw. Eh hindi pa nga nagsimula eh... Bumaba kaagad kami sa lab... Buti na lang at magaling ang boyfriend ko sa science. Pa'no ko nasabi? Nag-eexplain palang si sir pero siya, alam na niya at pinakita pa niya sa amin lahat.. We're done already.. Tapos umakyat na kami sa taas... Hihintayin sila Alodia..
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........