Chapter 11

6 0 0
                                    

A/N: Lubusin ko na yung update. Tapos na ako sa dito eh. Sadyang tamad lang.. XD Oh sya sya, ito na.

-

Galit na sabi ni Dianne. Oo nga sana nakinig na lang ako sa kanya.. Di ko nakalimutan, ang sweet pala ni Kris kahit kanino. Kaya nga napagkakamalan ako na girlfriend ni Kris eh. Kaya nga nung one time na lumabas kami, napagkamalan na kami. Tumawa lang kami nun kasi mag-bestfriend lang kami nung time na yun. Pero ngayon, all things change for the two of us.. Di ko na talaga alam kung ano ang gagawin.. Huminto ako sa pag-iyak kasi bigla siyang tumawag.

"Hello Kris."

"Pumunta ka dito sa rooftop ng school. Ayusin natin to" Ang sakit eh. Ang sakit sakit.. Kumalma muna ako tapos aalis na ako.

Nandito na ako sa school. Papunta na ako ng rooftop ngayon. Kinakabahan ako masyado... Binilisan ko ang pagpunta dun. Naglakad lang ako. Hindi ako gumamit ng elevator.. Ganito talaga ako kapag kinakabahan. Ayoko sa mas madaling way. Gusto ko naghihirap muna ako.. Ito na ito na.. Nakita ko si Kris, nakatayo. Tumitingin sa mga bundok.. Lunapit na ako sa kanya.

"Kris."

"Buti naman at dumating ka na."

"I'm sorry. Di ko talaga sinasadya.. Sorry talaga.. Di ko naman akalain na ate mo yun eh. Sorry."

"Huli na ang lahat Gab. Pinapunta kita dito kasi gusto ko mag-usap tayo ng maayos bago tayo maghiwalay."

"Maghiwalay?"

"Oo. Diba yun naman ang gusto mo kahapon?"

"Kahapon lang yun babe. Akala ko kasi pinagpalit mo na ako. Sorry na Kris" Humahawak ako sa kamay niya pero umaalis siya..

"Huli na ang lahat Gab.. Makikipaghiwalay na ako sa'yo ngayon.." Di ko na napigilan ang sarili ko kaya naman nakapagsalita na talaga ako ng puno ng inis.

"Bakit ha, dahil yun ba ang sabi ng ate mo? Ganun ba? Di mo ba ako ipapaglaban sa ate mo?! How weak you are! You bullsh*t! Ohh di kaya may mahal ka ng iba kaya di mo ko kayang ipaglaban? Sabihin mo sa akin ang totoo Kris, may mahal ka na bang iba?! Ha?!"

"OO MAY MAHAL NA AKONG IBA AT HINDI NA IKAW YUN. OKAY NA?! PWEDE NA, HA?!" Napatigil muna ako sa sinabi niya saka nagsalita.

"Kaya naman pala.. Salamat ha, pinagkatiwalaan kita  Binigay ko sa'yo lahat..! Bwiset! Mamatay ka na lintek ka!"

"Pa'no kung mamatay ako? Ikakasaya mo ba?"

"Oo. Ikakasaya ko kung mawala ka na! MAMATAY KA NA SANA!" Tapos tumalikod na ako. At pagtalikod ko, nakita ko si Vince, nakatayo, tumitingin sa amin .

"Ikakasaya mo pala kung ikamatay ng bestfriend mo. Ibang klase ka." Tapos umalis na siya. Ehh ano naman ang paki ko kung mamatay siya... Bestfriend ko lang siya pero hindi ko siya kaanu-ano.. Boysit!

----<Kris POV>----

Masakit man sabihin sa kanya na di ko na siya mahal pero kailangan para tumigil siya.. Di ko gusto ang nangyayari pero kailangan.. Mahal ko pa si Gab at alam niya yun.

Sorry Gab. Sorry babe...

"Kaya naman pala.. Salamat ha, pinagkatiwalaan kita  Binigay ko sa'yo lahat..! Bwiset! Mamatay ka na lintek ka!"

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon