Chapter 12

7 0 0
                                    

Pagkatapos kong magbihis, pumunta kaagad ako sa taas. Baka kasi nandun na yung mabait kong kapatid.. Pero hindi yun ang nakita ko. Isang babae, umiiyak sa sahig. Familiar.. Parang si..... Gabriela? Anong ginagawa niya dito.

"Ba't ka umuupo sa sahig na may upuan naman na maayos?" Tumigil siya sa pag-iyak tapos tiningnan  ako. Siya nga.

"Kakainis ka, bwiset! Siraulo!" Tapos pinapalo-palo niya pa ako sa dibdib. Anong problema ng babaeng to.

"Hoy! Ano ba, tumigil ka nga. Tsaka ano bang kasalanan ko sa'yo ha?"

"Nang-iiwan ka kasi ng walang paalam."

"Teka, ba't ako magpapaalam sa'yo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam mo na ang sagot dun."

"Tsk. Ano ka ba, baliw? Tsaka ba't ka ba nandito? Akala ko ba wala ka ng paki-alam sa akin? Diba gusto mo kong mamatay? Ito na nga oh aalis na. Ayoko pang mamatay dahil may gagawin pa ako sa buhay. Tsk. Tsaka MAG-AASAWA pa ako. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung tumanda akong binata."

"Ang yabang mo pa rin noh kahit kailan."

"Matagal na. Tsaka, ano ba kasing ginagawa mo dito, ha? Tingnan mo nga nakatingin yung mga tao sa atin kanina pa.. Mahiya ka."

"Ba't naman ako mahihiya kung alam kong MAHAL ko ang nasa harapan ko?" Diniinan niya talaga yung mahal. Kaya naman nag-ayiiiiie yung mga tao... Nahihiya ako at ayoko ng ganito.

"Tumahimik ka nga. Diba sabi ko sa'yo may mahal na akong iba. Diba?"

"Tumahimik ka! Ano'ng akala mo sa akin, di kita kilala? Kilala kaya kita. Tsaka nasan na ang mahal mo, aber? Ba't wala siya dito? Diba dapat may sasampal sa akin ek ek kung nandito mahal mo. Tapos sasabihin niya akong KABIT kahit siya naman ang KABIT.. O di kaya sasabunutan man lang. Yung mga ganung eksena.." Natahimik muna kami saka napatawa ako ng mahina.

"Well, okay tama ka. Sinabi ko lang yun sa'yo dahil..."

"Dahil gusto ng kapatid mo. Alam ko yun."

"Pa'no mo nalaman?"

"Senses. Oh diba tama ako?"

"Oo na tama ka na.."

"Mahal mo pa naman ako diba?"

"Uhhm, oo." Tapos nag-smile ako sa kanya. Nag-ayyiiiee na naman ang mga tao.. Tapos may isa na sumigaw na 'kiss". Tapos lahat na sila..

"Kiss daw babe sabi nila." Tapos tinuro ko pa yung mga tao.

"Alam mo kahit dito, kiss pa rin ang habol mo. Di ba pwedeng kahit sa isang lugar, di mo ko halikan?"

"Asa ka naman na gagawin ko yun. Kahit kailan at kahit saan kaya kong gawin yun para sa'yo. Dahil hindi ako nahihiya gawin ang isang bagay kung alam kong para sa'yo ang ginagawa ko.."

"Gosh Kris, aalis ka na nga, yabang mo pa rin."

"Kaya nga. Aalis na nga ang mahal mo di mo pa mapagbigyan."

"Wag dito."

"Gusto ko dito." Tapos sumigaw na naman silang "Kiss na. Kiss na yan. Sige na.." Tapos nakita ko naman siyang pumikit then I kiss her. Nagpalakpakan naman silang lahat. While I'm kissing her, hawak na hawak ko yung dalawang kamay niya. Hinahanap ko kasi yung ring pero di ko mahawakan kaya naman tumigil muna ako.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon