Chapter 19

5 1 0
                                    

---<Vince's POV>----

Di ako mapakali eh. Nakita ko siya. Akala ko wala na siya pero ba't nagbalik siya? Buti na lang hindi siya nakita nila Gabriela dahil kung hindi, bigo na naman ako nito. This is my chance. Sorry kung di ko sasabihin sa inyo pero sarili ko lang muna ang iisipin ko. I need my happiness... Umaandar na ang plane. Natatakot ako kasi baka makita niya yung taong yun..

"Vince, okay lang ba kung matulog ako sa arm mo?"

"Ohh sure. Sige, okay lang." Tapos pinatong na niya yung ulo niya sa may arm ko... Masaya ako dahil magkasama kaming dalawa. Sana maging okay ang lahat. Sana mahalin din niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.. Sana walang taong manggugulo sa aming dalawa. I want her. I want to be her boyfriend. And I want her as my wife. She's my everything, she's my life, she's my air. OA na lang kung OA pero ganun naman tayong lahat kapag nagmamahal eh. Tama ba ako? Habang bumibiyahe kami, kinuha ko yung phone ko tsaka pinicturan siya. Nagpicture rin ako ng kaming dalawa lang.. Pagtingin ko sa kanya, tumingin rin siya sa akin. At ang mas nakakabigla, our lips meet and click. Lumaki lang ang mata ko sa nangyari kasi naman she's my......... my 1st kiss.. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Tiningnan ko yung gallery ko at nakunan yun? Di ko alam pero napangiti lang ako bigla. I'll hide this picture kasi baka makita niya at i-erase. Titipunin ko to lahat para sa surprise ko sa kanya.. Matutulog na sana ako pero nagising si Gabriela.

"Vince?"

"Hmmmm?"

"Nasan na tayo?"

"Di ko alam. Nasa heaven pa tayo." Nabigla siya siguro kaya naman bigla na alng siyang umupo.

"Heaven? Teka sure?"

"Tange! Plane tayo oh. Hoy nananaginip ka ba?"

"Sorry. Pagod kasi ako eh."

"Matulog ka na lang paa mawala katamaran mo."

"Tamad? Ako? Bakit mo naman nasabi yun ha?"

"Ganun ka naman eh. Diba?"

"Di ah." Nabigla na alng kami nung nagsalita si Dianne. Nakalimutan namin na katabi pala namin siya.

"Pwede bang wag kayong maingay. Nakikita niyo naman siguro na natutulog ako diba? Porket mahal niyo ang isa't isa. Wag kayong ganyan dahil humanda lang kayo pagdating natin ng pilipinas."

"Teka anong sabi mo? Mahal? Ang isat isa?" Nagtatakang tanong ni Gabriela.

"Oo. Mahal niyo ang isa't isa. Kung di mo siya mahal, pwes mahal ka ng katabi mo." Nanalaki naman ang mga mata ko dun. Pa'no naman niya nasabi yun? Tumingin sa akin si Gabriela ng nagtataka. Nag-'i don't know' sign na lang ako. Napatawa na lang kaming dalawa. Anong nangyayari sa kanila ngayon? Hahaha. Tumitingin na lang kami ni Gabriela sa baba. Ang saya ko nagyon kasi nasosolo ko siya ngayon. Nag-eenjoy kami pareho kasi nakikita namin yung nasa baba. Para kaming mga bata nito pero nag-eenjoy naman. Ilang minuto lang, buti na lang dumating na kami sa pilipinas. at ang mas maganda, hindi nila nakitang bumaba yung isang tao na kinatatakutan kong bumalik. Pa'no ba naman kasi eh tulog silang lahat nung huminto ang plane. Pagbaba namin, tag-iisang hug ang nakuha nila galing sa mga boyfriend nila. Tong si Noriss, kung maka-hug kay Alodia, wagas! Parang di nagkita ng ilang taon. Di nga umabot ng 1 week eh. To naman si Jay kung maka-kiss kay Dianne, naku, ano to, honeymoon? Inubos niya buong mukha ni Dianne eh. Si Khenji, ayun binuhat niya si Krystal ng pang-kasal. Si Stephen at Jessica, sobrang sweet. Si Mark, ayun binigay lang naman niya yung 24/7 niyang hug. Di pa kasi niya pinapakawalan si Nicole simula ng dumating kami eh. Si Enrique, unique yung sa kanya. Nanliligaw ata to eh kasi naman binigyan niya ng isang boquet ng flower si Victoria. Sweet nga eh.. Masaya ako kasi nagkita kita ulit sila simula ng....... haaaay wag na nga. Si Gab, ayun malungkot. Di ata siya napansin nila Alodia na sumakay na lang ng taxi. Kahit ako eh. Gusto ko siyang samaahn pero alam kong gusto niyang mapag-isa ngayon. Alam kong masakit mawalan ng minamahal pero kailangan niyang tanggapin yun. Aalis na ako.

"Vince, nasan si Gabriela?" Tanong ni Victoria.

"Ayun, umalis na kanina pa.."

"Ahhhhh. Tsaka, aalis ka na? Di ka ba sasama sa amin? Pupunta kami ng mall." Pagyaya ni Jessica.

"Di na. Pagod kasi ako eh."

"Okay. Sige bye. Ingat ha."

"Salamat."

"Salamat din sa pagsama." Nag-smile na lang ako at umalis na.

----<Gabriela's POV>----

Umuwi na lang ako. Di naman nila ako napansin eh. I'm out of place. Tinatawag ko si Vince pero di naman niya ako pinapansin. Para siyang tanga dun kakatitig sa mga love birds. Samantalang ako, bird busted. Dumiretso na ako sa bahay. At pagdating ko, sinalubong kaagad ako ng kuya ko at ni mommy.

"O anak, kumusta ha?"

"Okay naman po." Wala kong ganang sagot.

"Kumain ka muna para naman may laman ang tiyan mo."

"Wag na ma. Tsaka tapos na rin kasi ako eh. Matutulog muna ako kasi nakakapagod eh."

"Ahhhh. Sige anak, maulog ka muna. Mamaya na lang tayo mag-usap." At pumasok na ako. Buti na lang, hindi makulit ngayon si kuya. May napansin naman akong kakaiba sa bahay ngayon. At yun ay isang babae. Di ko siya kilala pero parang girlfriend ni kuya. Nag-'hi' siya sa akin pero di ko siya pinansin. Sorry ka lang muna miss dahil pagod ako ngayon at wala ako sa mood... Pagkapasok ko ng kwarto ko, hinug ko kaagad ang hingaan ko. I miss my bed. Tapos pagtingin ko sa may kaliwa, nakita ko si panda bear, yung binigay sa akin ni Kris noon nung namasyal kaming lahat. Remember, yung nasugatan ko siya. Binilhan niya kasi ako nun ng bear. Ang saya saya ko nga nung panahong yun eh. Naalala ko na naman siya. I miss him. Bakit ba tuwing naaalala ko siya, nanghihina ang katawan ko? Feeling ko anytime, mamamatay ako.. I just want him. I want to stay with him. I want to marry him. di ko namalayan, basang basa na yung higaan ko dahil sa mga luha ko.. Matutulog na lang ako..

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon