----<Chapter 2>----
----(Gabriela's POV)----
Hindi maganda ang pakiramdam ko kay Chad basta kasama ko siya. Para bang may plinaplano siyang masama sa akin na hindi ko maintindihan. Kaya nga wala akong kagana-gana na naging mag-friends kami. Kasi feel ko, fake lang yung pakipagbati niya sa akin kanina. Kahit kanina dun sa restaurant, I fell uncomfortable sa kanya. Hindi ko talaga alam. Tapos ngayon naman nagpapasama siya sa akin pero hindi ko alam kung saan. Ayaw niyang sabihin sa akin.
"Gabriela sumama ka na sa akin... Pls......"
"Ehh saan nga tayo pupunta?"
"Basta sumama ka na lang. Sige na pls...."
"Oo na.." Sumama na lang ako sa kanya. Ayoko ngayon na kinukulit ako. Kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ngayon. Tapos I feel uncomfortable with him. Hindi ko talaga alam kung bakit. Para kasing may binabalak siyang hindi maganda sa akin na alam kung hindi ko magugustuhan. And after how many minutes na biyahe, tumigil na rin siya sa tapat ng............. club?
"Chad ba't dito tayo tumigil?"
"Tada. Dito tayo pupunta."
"Chad, ehh hindi ako umiinom eh."
"Hindi naman tayo mag-iinom eh."
"Ehh ano nga ang ginagawa natin dito? Wala naman pala tayong gagawin eh. Ba't tayo pumunta dito?"
"Eh basta sumama ka na lang. Sige na." Sumama na lang ako sa kanya. Tapos pumasok na kami. Graabe, ang raming mga lalake tsaka babae. Mga amoy alak na rin yung iba. Tsaka nakakahilo.
"Chad, lumabas na tayo. Ang baho!"
"Wag na. Nandito na tayo eh."
"Dun na lang ako sa labas maghihintay."
"Wag na nga sabi eh!" Nung sinabi niya yun, nakita ko siyang galit sa akin. Hindi na lang rin ako nakipag-sulsulan sa kanya. Maya-maya dumating yung mga kaibigan niya.
"Oy pare, siya ba yung sinasabi mong paglalaruan namin?"
"Ahhh, oo eh." Teka, teka. Ano? Paglalaruan? Ano ako, laruan? Sabi ko na nga ba, may hindi magandang plano si Chad.
"Oy, oy Chad, anong sabi nila? Paglalaruan? At anong akala mo sa akin ha, laruan?"
"Diba, sabi ko nga sa'yo, panget ka kaya dapat lang." Nung sinabi niya yun, sinampal ko siya. Nakakainis. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Dito ka lang."
"Ayoko nga!"
"Dito ka nga lang sabi eh."
"Ayoko nga!" Sinampal ko ulit siya tsaka tumakbo ako. Hinahabol nila ako. Pero nung dumating na sa isang corner, nadulas ako kaya nahawakan nila ako. Sumisigaw ako pero walang tao. At nung isasakay na sana nila ako sa kotse nila, may isang lalaking nakakita sa amin at sinuntok-suntok niya yung mga rapis na yun. At nung makita ko yung mukha niya, si Kris pala.
"Gabriela?"
"Kris?"
"A-anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba nila? Hinawakan ka ba nila? Ha, sabihin mo!"
"W-wala Kris, wala naman."
"Buti naman.. Tsaka tara na nga.." Tumakbo kaagad kami papunta sa kotse niya. Tsaka umuwi kaagad kami.
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........