Paghiga ko, binasa ko lahat ng mga messages galing sa kanya at automatic delete. Pare-pareho naman halos lahat eh. Pati na rin yung missed calls. Buti na lang at Samsung Galaxy Y ang gamit dahil kung hindi, mahihirapan ako nito masyado.
(Calling.............. Chad)
"Hello."
"Oh babe ba't gising ka pa? Matulog ka na."
"Di pa pwede."
"Bakit?"
"May punishment ako kay kuya."
"Teka, bakit?"
"Late kasi akong umuwi."
"Ahhhhh. Ganun ba, sige di muna ako matutulog hanggat di ka pa tulog."
"Ano ba, matulog ka na nga lang. Baka puyatin ka bukas."
"Okay lang. Basta alam ko naman na ang dahilan ng kapuyatan na to ay ang taong mahal ko." Sa sinabi niya, kinilig ako dun ha.
"Heh! Matulog ka na. Mamaya pa ako nito makakatulog."
"Okay nga lang. Hihintayin kita." Napangiti na naman ako sa sinabi niya.
"Salamat."Tapos inend call ko muna yung call. Kahit yun lang ang sinabi niya, malaki na ang ibig sabihin nun sa akin. Ang sarap pakinggan kapag ang mahal mo na ang nagsasabi nun sa'yo. Gaya ng kanina, kahit parang medyo alam niyang hindi magiging kami pero sinasabi pa rin niya na mhaal niya ako. Nakakatuwa lang kasi may nagmamahal pa sa akin kahit medyo pasaway ako. Nagpapasalamat ako kasi hindi nauubos ang mga taong mahal ako. Nandito sila palagi sa akin. Eh kahit naman tong kuya ko eh, kahit ganun, graaabe kung makapangalaga yan. Halos gawin kang bata.
"Bunso, dali na. Nandito na ang gagawin mo." See? Ang sweet. Bunso pa rin kahit may inuutos. Tsk. Bumaba na ako at pagtingin ko, isang malaking WOW. Graaaaaabe, saa pagkaka-alam ko bago akong umakyat, ang linis ng bahay. Tapos ngayon, angyari? Bagyong undoy pa ang dumating? Graaabe, sobrang kalat, maraming hugasan at ito pa ang mas matindi, mga kagamitan ko nandun sa labas.. Kaya pala wala ng laman ang kwarto ko.. Salamat sa kapatid ko ha pero lord, patawad baka mapatay ko tong kapatid ko ng wala sa oras.
"Kuya, angyari? Anong ginawa mo?"
"Dinumihan. Obvious naman diba?"
"Gosh! Kuya naman oh. Gabi na."
"Diba kasalanan mo yan? Kaya dapat mong pagbayaran. Eh di kung sinagot mo lang sana ang mga tawag at texts ko kanina, hindi sana mangyayari to sa'yo."
"Kuya naman sana naman, inintindi mo ko. May boyfriend na ako oh. Naging busy ako sa kanya."
"So ganun? Mawawalan ka na ng oras sa akin? Magre-reply ka lang naman sa text ko eh. O kaya sasagot sa tawag ko. BAkit aabot ba yun ng tatlong oras?" Medyo natigilan ako dun ha. At nakita ko namang nagtampo siya. May point nga siya noh.. Pero hindi ko naman napansin ang mga texts at tawag niya eh dahil kung oo, sasagutin ko talaga yun. Umakyat siya sa taas at ako'y naiwan dito sa baba. Haaaaixt! Tiningnan ko muna ang oras, it's already 9:00. Exactly! Sisimulan ko na. Syempre, inuna ko muna yung mga kagamitan ko tapos nagwalis na ako.. Clean na floor, sofa, table, lahat! Pagkatapos sa sala, kusina naman. Pagkatapos sa kusina, sa labas at pagkatapos dun, manghuhugas na ako. Pagod na pagod ako graaabe. Hinugasan ko muna yung mga hugasan dun and here it go! Finally I'm done. at anong oras na, 11:05. Dalawang oras akong naglinis ng bahay.. At naligo kaagad ako at pagkatapos, humiga na. Graaaabe, parang nilinis ko ang dinaanan ni undoy.. Whoaah. Syempre di ko nakalimutang i-text ang bago kong boyfriend. Tapos nag-reply siya kaagad at okay na, natulog na ako.
Pagkagising ko ng umaga, ang sakit ng katawan ko. Pagbaba ko, nakita ko si kuya nagloloto.
"Good Morning." Tapos di niya ako pinansin. Teka ano na naman ang problema nito? Ng dahil ba sa sinabi ko kagabi?
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Novela JuvenilMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........