Nung bumalik na kami, bigla lang niya akong tinapon sa tubig.. Tapos nung hihinga ako, nakita ko siyang tumalon at nagyaya ng laro.
"Guys, laro tayo para mas masaya."
"Sige, anong laro?" Tanong ni Alodia..
"Sasakay kayo sa amin tapos ihuhulog niyo yung kalaban niyo. Okay ba yun?"
"Sus, ang dali! Okay na okay." Syempre alam niyo na kung saan ako sasakay. Pinasakay na niya ako sa likod niya tapos maya maya nagsimula na... Kalaban ko si Krystal, pero syempre mas malakas ako kaya natalp ko siya hanggang sa naubos silang lahat except Dianne..
"Girl, let's have a deal. Kung manalo ka, gawin mo kahit anong gusto mong gawin sa akin. Pero kapag ako ang manalo, hahalikan mo si Chad habang hinahawakan ang abs niya. Deal?"
"Anong klaseng deal naman yan ha? Tsaka hindi ko gagawin yun. Manigas ka."
"Best, just for fun lang naman eh. Malay mo ikaw ang manalo kaya ipakain mo ang palaka sa kanya." -Alodia
"Tama Gab kaya galingan mo na lang." -Victoria
"Go Gab kaya mo yan. Natalo mo kaming lahat oh, siya pa kaya." Nagkameron ako ng confidence kaya ina-accept ko yung deal. Tapos nagsimula na yung laban.
"Waaaaaaaaa" Sigaw ko at nagtutulakan na kaming dalawa. Graaabe, ang hirap niyang kalabanin... Tapos nung mahuhulog na siya, bigla na lang sumakit ang paa ko kaya nahulog ako... Kinuha kaagad ako ni Chad sa ilalim ng tubig dahil hindi ako nakaahon dahil sa sakit.
"Babe okay ka lang?" Tapos lumapit yung mga kaibigan ko.
"Gab, are you okay?"-Krystal
"Okay lang ako.."
"Masakit pa ba ang paa mo?"
"Medyo." Tapos inalalayan niya ako sa pag-upo.. Medyo nawawala na yung sakit.. Umupo muna ako para naman ma-relax na yung paa ko. Tapos si Dianne naman, ang saya saya. Grrrr, ayokong gawin yung gusto niya. Sana di ko na lang tinanggap yung deal. Pahamak naman ang paa ko oh, ipapakain ko sana sa kanya yung palaka... Bwiset!
"Babe, okay ka na?" Nag-nod ako sa kanya tapos nag-smile. Tapos tumayo siya. Mukhang may kukunin ata.
"Okay na pala si Gabriela eh. So what are we waiting for? Gawin mo na ang gusto ko." - Mataray na pagsabi ni Dianne.. Tong bruhang to, kahit kailan nakakainis... Mukhang nagulat naman sila tapos biglang 'sige na whoooah. Excited na kami.'..
Alam niyo yung feeling na nakakairita. Imbis na sabihin nila na wag, eh sila pa mismo yung nagco-convince kay Dianne.
"Sige na. ang tagal naman oh."
"Sige na Girl. You accept the deal kaya gawin mo na." At naka-cross arm pa siya... At nakita ko si Chad na papalapit. May dalang tubig. Syempre dahil sa nairita ako sa mukha ni Dianne, tumayo ako at nilapitan si Chad at kiss. Kitang kita naman sa mga mukha niya na nabigla siya at hindi makagalaw. Yung hawak niyang tubig ay bigla niyang nabitawan. Buti na lang at hindi babasagin ang basong yun. Okay lang sana kung kiss kaso yung pahawak hawak pa ng abs ay ayaw ko. Pero kasali sa deal eh kaya ginawa ko. I'm touching his abs right now while we're kissing. Hinawakan niya yung kamay ko na parang iniiwas niya pero binabalik ko pa rin kaya bigla siyang umiwas sa kiss.
"Gab, don't..."
"No. Gusto kong makita nilang lahat na hindi ako takot sa deal na yun." Tapos bumalik ulit ako sa kiss. Di ko namalayan na paatras ako ng paatras kaya bigla kaming nahulog sa pool. Hindi ko pa rin tinigilan ang paghahalik sa kanya. Tapos nung medyo nasa ilalim na kami, bigla na lang niya akong hinug tapos inalis niya yung kamay ko sa abs niya na parang 'tama na'. Napangiti ako nung mga sandaling yun kasi napatunayan ko sa sarili ko na mahal na mahal ako ng lalaking minamahal ko ngayon..
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........