----<Chad's POV>----
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala si Gab. Maliligo pa sana kami kaso tulog na eh.
"Guys, akyat na kami ha. Nakatulog na eh."
"O sige, i-akyat mo na lang siya. Alam mo naman diba kung saang room kami?" Pagtatanong ni Alodia.
"Oo alam ko. Sige, una na kami." Tapos binuhat ko siya ng pangkasal.. Tong girlfriend ko talaga, kahit kailan, gustong palagi akong sweet sa kanya.. Pagkapasok namin ng hotel, marami yung nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang, gwapo ako at maganda ang babaeng dinadala ko ngayon. Buti na lang at sobrang lapit lang ng elevator kaya pumasok ako agad. Buti na lang at walang tao.. Pagkadating ko ng 5th floor, pinasok ko agad siya sa kwarto nila at nilapag sa higaan. Graabe, ang bigat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi naman basang basa siya. Alangan naman na iiwan ko siya ng ganito o matulog siya ng ganito. Baka magkasakit pa to, problema pa. Alangan naman bihisan ko siya. Hinding hindi pwede yun. Ayokong pagnahasan ang girlfriwnd ko habang tulog. Hindi ako katulad ng ibang lalaki na gagawa sila ng isang bagay na alam nilang hindi ikatutuwa ng mga girlfriend nila.. Ginigising ko siya pero ayaw niyang magising.
"Babe, babe, magbihis ka muna. Basang basa ka oh.."
"Hmmmm.." Inaantok na pala siya masyado..
"Babe, gumising ka muna oh. Sandali lang naman yung pagbihis mo. Hindi naman pwedeng matulog ka diyan na basang basa. Baka magkasakit ka pa.. Babe, hoy!"
"Inaantok pa ako."
"Magbibihis ka lang naman. Madali lang oh."
"Bihisan mo na lang ako."
"Hindi pwede. Anong akala mo sa akin, gagawin ko yun? Magbihis ka na." Tapos umupo siya, galit na galit yung mukha niya. Ako naman, galit din. Kasi naman oh, pagbihis lang hindi pa magawa.
Tapos bigla siyang nag-smule. Weird lang noh.
"Ibang iba ka talaga sa ibang lalaki." Tapos tumayo na siya at pumasok ng comfort room. Maya maya lumabas na siya at okay na.
"Matutulog ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Maliligo pa ako.."
"Okay." Dumiretso na ako sa CR para maligo. Nilalamig na rin kasi ako tsaka tatabihan ko na yung pinakamamahal ko..
Pagkatapos kung maligo, nagbihis kaagad ako. Kahit gusto kong mag-shirtless, alam kong ayaw ng katabi ko yun. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ng ganun. Eh bakit kaming mga lalaki okay lang pero sa kanila hindi. Haaixt.. Pagtingin ko sa kama namin, nakatalikod siya. Bale, nakaharap siya sa may bintana.. Tinabihan ko siya at hinug.
"Goodnight babe." Sabay kiss sa cheeks tapos umayos na rin ako ng pagkakahiga. Nabigla na lang ako nung bigla niya akong hinug pero hindi siya nagsalita. Tapos pinatong niya yung ulo niya sa may chest ko.. Hinug ko rin siya pabalik. Bale ngayon, magkaharap na kaming natutulog..
"Wala ba akong goodnight kiss galing sa mahal ko?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita o gumalaw man lang. Hindi ko na lang inulit yung tanong ko kasi alam kong gising tong babaeng to.. Tqpos bigla na niya akong hinalikan na yun naman ang ikinatuwa ko. I hug her tightly. As in yung sobrang higpit.
"Aray! Ano ba?"
"Wala lang. Masaya lang ako."
"So ganun? Kung masaya ka, iha-hug mo ko ng sobrang higpit?"
"Sorry. Hindi ko lang napigilan ang kasiyahan ko.."
"Whatever!" Tapos hinug niya ulit ako.. Kulit lang ng girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........