Chapter 9

7 0 0
                                    

----<Vince's POV>----


Bago ko po simulan ang POV ko, ako po si Vince Torress, isang Bachelor of Science in Business dito sa Baguio City.. Kalilipat ko lang dito sa university na pinasukan ni Gabriela.. Nung una ko siyang nakilala, alam ko na siya na ang para sa akin... Kaya naman kinuha ko yung mga details about sa kanya. At nung nalaman ko na pareho pala kami ng course, inasikaso ko kaagad yung mga papers ko para paglipat ng school.. Oo ginawa ko yun kasi nalapit kaagad ako sa kanya... Di ko lang alam na may gusto pala siya kay Kris. Si Kris pala, kababata ko.. Kami yung mag-close sa barkada namin. Pero naghiwa-hiwalay rin kami kasi yung iba pumunta sa states. Kami lang ni Kris ang naiwan dito sa pilipinas.. Nagulat nga ako eh nung nalaman kong magkaklase kaming tatlo. Kasali na dun si Gab.. Pero nung naging play girl siya, akala ko wala na akong pag-asa sa kanya kasi kahit sinong lalaki, pinapatulan niya.. Pero nung nagbago na siya, naging okay ang pakiramdam ko dun. Pero di ko lang pala alam, may kaagaw ako sa puso niya at yun ay si Kris. Nung nakita ko silang naghahalikan, nasaktan ako masyado dun. Lalong lalo na nung sinabi ni Gab kay Kris na mahal niya si Kris.. Sobrang nasaktan talaga ako nun.. Akala ko, wala na akong magiging kaagaw sa buhay niya, meron pa pala. Umalis na lang ako dun dahil parang hindi ko kaya. Masakit man sabihin pero gusto kong umiyak. Pero ayokong makita ni Gab yun. Masyadong nakakahiya sa pagiging lalaki ko..

Nandito na ako sa room namin. Mag-isa lang ako. Nakikinig na lang ng mga music na pampakalma. Ayoko munang isipin ang nangyayari ngayon. Masyadong nakakapagod.


"Graaaaabe, ang saya saya ko ngayon. Di ko la......" Narinig ko pang nagtatawanan sila at alam ko kung sino ang pumasok. Sa boses niya pa. Di ko lang muna sila pinansin kasi alam ko, may makikita akong hindi maganda na hindi magugustuhan ng dalawang mata ko.


"Vince, are you okay?" Tanong niya.


"Oo okay lang ako.." And as usual, hindi ako tumingin sa kanya.


"Sigurado ka? Wala ka namang lagnat ah pero ba't ganyan ka?" Kakainis! Ang kulit!


"Okay nga lang ako diba! Kakasabi lang! Tsaka wag mo kong alalahanin. Kaya ko naman sarili ko." Medyo napataas ang boses ko dahil wala ako sa mood.


"Sorry..." Kaagad naman siyang umalis kasama yung ibang friends niya at yung bagong BOYFRIEND niya.. Matutulog lang muna ako total wala naman akong interest ngayon.

----<Gabriela's POV>----

nabigla ako kanina nung sinigawan ako ni Vince. Di ko alam ang problema niya. Kanina lang malungkot siya tapos ngayon galit. Angyari? Pero hindi ko na lang siya tinanong kung bakit kasi hinawakan ni Kris yung kaliwang kamay ko... At ito kami ngayon naglalakad papuntang ewan. Di ko kasi alam kung saan. Kasama ko silang lahat pati mga boyfriend ng mga kaibigan ko..


"Babe, okay ka lang? Parang kanina ka pang tulala?" Tanong ni KRis na may halong pagtataka at pagaalala.


"Yes, I'm fine."


"Good. at ayokong nakikita kitang malungkot kaya smile." Nag-form siya ng smile at napasmile rin ako. Cute kasi niya.

"Alam niyo, ngayon nga lang kayo naging kayo, ang sweet niyo na kaagad."

"Oo nga noh. Graaaabe, nakakahiya naman."

"Ano ba, minsan nga lang eh." Oo ganun sila. Selos eh. Pa'no ba naman kasi, napunta sa akin si Kris.

"Selos ka naman?" Tanong ko kay Christine

"Ba't ako magseselos aber?"

"Eh napunta sa akin yung CRUSH mo eh."

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon