----<Kris POV>
Nung nagising ako, nandito na ako sa hospital. Di ko nga alam kung nasang lugar ako eh. Pagkagising ko, isang babae ang nasa harapan ko. Di ko siya kilala. Mismo sarili ko nga, di ko kilala. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Tinanong ko yung babae kung sino siya, at sabi niya, siya daw yung ate ko, Samantha ang pangalan niya at Kris ang pangalan ko. Park Jin Ji daw yung Korean name ko pero Park Kyu Min daw ang pinapatawag ko dahil mas gusto ko yun. Di ko alam kung bakit maypa-kore-korean name pa ako. Well kailangan ko daw nun para kung nandito kami sa Korea. Naiinia nga ako sa kanya eh kasi kung ate ko siya, di niya dadatnan yung may dextrose ko. Ayan tuloy dumugo. Sumigaw na yung isang babae na tama na tapos dun na siya tumigil. Actually, di ko naman kilala yung dalawang babae at wala akong balak kilalanin silang dalawa.. Magaganda nga silang dalawa. Pero sabi ng mabait kong ate, yung dalawang babae daw ang nagma-managed ng business namin sa Japan at States. Ang yaman nga namin eh ngayon ko lang nalaman. Buti na lang umalis na silang tatlo kanina lang.. At ang baho ng hospital. Ayoko sa anoy ng hospital. Di ko alam kung bakit psro yun din ang kapatid ko. Di ko alam ang dahilan pero wala na rin akong balak alamin ang mga bagay na hindi naman dapat alamin. Nakaka-pressure lang yun sa akin.. 6:30 na pero wala pa siya. Di ko alam kung nasan pa siya. Gusto ko ng kumain dahil nagugutom na ako.. Manonood na lang muna ako total wala pa naman siya.
Dalawang oras ang lumipas, dumating na rin siya.. At may dala siyang isang lagayan ng kainan at sure ako, adobo ang laman.
"Salamat naman at nandito ka na. Gutom na ako kanina pa."
"Oh ayan, kumain ka na."
"Thank you." At nag-smile ako sa kanya.. Gutom na gutom na kaya ako. Baka kung hindi pa siya dumating, nag-collapsed na siguro ako dito...
"By the way, bukas pala pag-uwi natin sa bahay, aalis ako.. Babalik na ako ng trabaho.. May katulong namam tayo sa bahay kaya siya na ang bahal sa'yo. Okay?"
"Okay." Ito na ako ngayon, kumakain ng paborito kong adobo.. Di ko alam kung bakit ayaw niya ng adobo basta ang alam ko,, paborito ko to. Haha
"I'm done." Tapos binibigay ko sa kanya yung pinagkainan ko.
"Ehh ano naman kung tapos ka na?"
"Eh di ligpitin mo. Pls....."
"Hahaaiiiixt! Kakainis ka. Magsimula ka ng maglakad lakad."
"Bukas na, wala pa ako sa mood ngayon. At nakakapagod pa ngayon.."
"Bahala ka na nga.. Pagod rin ako sa'yo..." Ba't ba palagi kaming nag-aaway ng kapatid ko? Ganito ba rin kami nung okay pa ako? Sana oo. Mas cool kasi eeh. Nag-eenjoy naman ako.. Pero minsan hindi.. Buti na nga lang yun eh...
"Ate, dito ka ba rin matutulog? Sasamahan mo rin ako?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Mabuti rin kasi na may kasama ako para may kausap ako bago matulog."
"Ahhhh. At sa tingin mo rin ba makikipag-usap ako sa'yo bago matulog?"
"Nag-uusap na nga tayo eh.. Hehe. Goodnight." Tapos nag-wink pa ako sa kanya.. Nakita ko naman siya na parang nairita sa ginawa ko at tumalikod na ako.
"Matulog ka na. Bukas mo na ako pagalitan." Matutulog na sana ako pero bigla kong naalala yung mga babae na napaginipan ko kagabi. Tapos yung isa, kaholding hands ko.. Ang sweet namin pero di ko makita ang mukha niya.. Blured ang mukha niya.. Di kaya may girlfriend ako noon? Tanungin ko kaya si ate pero tulog na ata... Bukas na nga lang.....
Pagkagising ko, wala na si ate at wala na ring dextrose sa kamay ko.. Oh, I'm ready na ha pero di ko pa kayang maglakad... Pagtingin ko sa may unahan ko, nakota ko ang isang T-Shirt. Well it's cute.. Tapos may nakasulat pa na 'suotin mo to at kung di mo suotin to, mamatay ka.'. Natawa nga ako dun eh...
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........