Pagkabukas, naligo kaagad ako at kumain. Pinagloto ko siya ng adobo. Well yun kasi ang paborito niya. Pero ako? Never akong kumakain ng adobo. Di ko alam kung bakit pero ayoko lang sa adobo.. Di ko na nga tinikman eh. Feel ko, okay na to.. Pagkatapos nun, umalis na ako at diretso sa hospital..
Pagkadating ko ng hospital, kaagad akong pumunta sa room niya. Nagmamadali kasi ako eh. Baka nagugutom na yung maldito kong kapatid.. At pagdating ko sa room, nanonood siya ng TV. Channel M. Yun lang naman pala eh. Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng TV. Masyado na talaga akong busy.
"Ohh kumain ka na."
"Ano yan?"
"Pagkain ano pa ba."
"Tanga! Ibig kong sabihin, anong pagkain yan?"
"Hoy bata ka. Wag mo kong sabihang tanga dahil baka buhay mo ngayon ang maging tanga."
"Anong gagawin mo? Papatayin mo ko? Go!" Parang naiinis niyang sabi .
"Di ko kayang gawin yun."
"Okay.. Nakakapagod kang kausap."
"Mas nakakapagod ka."
"Pwede ba ate wag ka munang maingay. Nanonood ako oh."
"Whatever!" Tapos umupo na ako. Naki-panood na lang din ako. 2NE1 ang nagpe-perform ngayon. Wala ang Girls' Generation ngayon dahil busy sila. Yung kapatid ko naman, busy pa rin sa panonood.
"Kakain ka ba o manonood lang diyan magdamag."
"Kakain."
"Oh ano pang hinihintay mo, kumain ka na."
"Oo na! Ang ingay mo."
"Well maingay talaga ako kaya kain ka na."
"Ito na oh.." Tapos bumuhat siya. Di ko siya tinulungan. Bahala siya sa buhay niya.
"Di mo ba ako tutulungang tumayo dito?"
"Hindi."
"Okay. Di ko rin kakainin ang niloto mo."
"Ito na. Gosh! Kris, matuto ka!"
"Alam ko. Mahirap pa ngayon."
"Shhh." Tapos tinulungan ko na siyang bumangon...
"Ohh kumain ka."
"Di mo man lang ako susubuan?"
"Anong akala mo, siniswerte?"
"You're such an evil."
"Tanggap ko na yan."
"Panindigan mo para MAS umahon ang buhay mo."
"Ha! Talaga. Aahon ako. Kita mo naman ngayon kung gaano ako ka-saya ngayon dahil sa ugali ko."
"Di ka naman ganung kalala diba?'
"Medyo.'
"Oh see? Medyo.. Kung noon medyo, ngayon MALALA na."
"Talagang pinamukha mo sa akin ang malala?"
"Wala kang sense na kausap."
"Mas wala kang sense!" Tapos nilapag ko lang sa mesa yung pagkain niya. Magtiis siya.
"Saan ka pupunta?"
"Aalis! Kumain kang mag-isa!" Tapos lumabas na ako sa kwarto niya. Sinisira niya yung umaga ko.. Gosh!... Gusto kong mag-mall pero mag-isa lang ako. Makabalik na nga lang....
Bumalik na ako sa room ni Kris. At pagtingin ko, wow di niya talaga kinain ang niloto ko.
"Talaga bang di ka talaga kakain?" Tapos tiningnan niya ako ng masama.
BINABASA MO ANG
He's My Everything
JugendliteraturMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........