Chapter 20

7 0 0
                                    

Pagkagising ko, 3:00 PM na. Bumaba muna ako kasi nagugutom na ako. Iniisip ko pa rin yung nangyari nung nandun kami sa Korea. Sana kaya kong ibalik ang panahong sinayang ko para naman matama ko ang pagkakamali ko. Kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana siya. Nakakainis lang isipin kasi alam mong ikaw ang may kasalanan sa pagkawala niya. It's all my fault..

"Anak, kumain ka na. Alam kong gutom ka na."

"Oo nga bunso, kumain ka na."

"Wait lang po kuya, magc-cr muna ako." Tapos pumunta na ako. Well di naman talaga ako c-cr eh. Di ko lang alam kung paano ko sila haharapin. Nalilito na ako masyado sa mga pangyayari eh.. Umupo na ako sa may upuan ko.

"Anak, ano ba gusto mong ulam?"

"May adobo po ba?"

"Meron.. Ito ba gusto mo?"

"Opo ma." Tatayo na sana ako para kunin yung plato ko at kutsara, tinedor, pero bigla na lang akong pinaupo ng gwapo kong kapatid at sabi niya, siya na lang daw.. Umupo na lang ako at hinintay ko yung pagkain na inihanda ni mommy sa akin. Kumain na ako at uhm, masarap. I remember him again, this food is our favorite. Dito siya kumakain kapag adobo ang ulam kasi nga paborito niya rin to. Sabi nga ni mommy sa kanya na kung gusto lang daw niya ng adobo, dito na lang daw siya kumain para naman sabay sabay na lang kaming lahat. Oo naman ng oo yung lalaking yun. walang hiya yun eh lalong lalo na pagdating sa pamilya ko. Remember, matagal na kaming mag-bestfriend at madalas na din siyang kumakain dito kahit hindi pa kami.

"Anak, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Opo ma, okay lang ako. Wag niyo na po akong alalahanin."

"Buti naman kung ganun. Tsaka kumusta naman dun?"

"Di po okay."

"Bakit?"

"Basta po ma." Hindi pa nila alam ang nangyari kay Kris. Hindi ko sila pinaalam tungkol dun.

"Tsaka nasan si Kris? Ba't di ka niya hinatid dito?" Sa sinabi ni mama, napatigil na lang ako bigla sa pagkain. I don't want that they will see my crying. Ayokong umiiyak sa may pagkainan kasi sabi nila, malas daw yun. Pero di ko kayang pigilan eh. Nabigla na lang si mama nung nakita niyang sunod-sunod ng pumatak ang mga luha ko. Nagtataka naman silang dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila eh. Natatakot ako.

"Anak, sabihin mo sa amin, naghiwalay na ba kayo?" Di ako sumagot.

"Bunso, sabihin mo naman sa amin para namana alam namin ang problema mo." Inhale, exhale, yan naman parati ang ginagawa ko eh para mapa-calma ako.

"K-kuya, kapag ba ikaw ay mawalan ng girlfriend, anong gagawin mo?" Takang taka naman siya sa tanong ko.

"Di ko alam. Pero siguro, magpapakamatay ako." Tumingin naman si mama kay kuya na parang 'wag kang ganyan".. Iyak pa rin ako ng iyak. Tinanong ulit ako ni mama and this time, sinabi ko na sa kanila.

"Diba nung umalis si Kris, hindi ako mapakali nun kasi kasalanan ko yun kung ba't siya aalis. Sinamapal ko kasi ang ate niya. And at that time, nag-away kami nun. Akala ko, girlfriend niya yung kasama niya kaya naman nakipag-away ako dun.. Tapos late na ako kasi ate niya pala yun. Sorry ako ng sorry nun pero sabi niya, nakakasawa na daw yung mga sorry ko. Di ko naman sinasadya yun eh.. Tapos ilang days lang, aalis na pala siya. kaya naman hinabol ko siya sa airport. Buti na lang, nahabol ko pa siya dun at nakapag-usap pa kami. Nagkaayos naman kaming dalawa at okay ang lahat ng yun. Pagkatapos, diba ilang months na siyang wala dito, nag-text si Kris kina Alodia na uuwi na daw siya and we're all excited nun. Hinintay namin siya nun kaya lang bigla na lang tumawag yung kapatid niya, humihingi ng tulong kasi nadisgrasya daw si Kris. kaya naman pumunta kaagad ako nun. Tapos nung nakarating na kami dun, pumunta na kami sa hospital. Hinintay namin yung operation na matapos kaya lang paglabas ng doctor, sabi niya di daw nakayanan ni Kris yung operation. Mom he's gone. Kris is dead already." Napahagulhol na lang ako ng iyak. Hinug naman kaagad ako ni mama.. Di ko kaya ang mga nangyayari ngayon. Masyadong nakakahilo para isipin pero di ko maiwasan eh. I love him and we both love each other. We're excited to have a baby but we can't do unless hindi pa kami kasal. Kris is so loyal. And yan ay isang rason kung ba't ko siya nagustuhan. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na kapag niyaya mo, papayag sila. Pero si Kris, iba yun eh, papagalitan kapa nun kasi di mo kayang controlin ang sarili mo. Palagi niyang sinasabi na hindi pa daw kami kasal kaya di pa pwede. Hinimas himas na ako ni kuya pero di pa rin. Naaalala niyo diba si Kris lang ang kayang magpa-hinto sa iyak ko? Siya lang. Wala pang ibang taong nakakagawa nun kundi siya lang. Kaya ko siya nagustuhan ng husto kasi kaya niyang alagaan ang mga taong nasa paligid niya. Hindi siya yung taong pabaya. At mas lalo ng hindi siya yung boyfriend na palaging ka-sweetan lang. May moral din yun.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon