----(Gabriela's POV)----
Kakainis naman oh, ang aga aga yun kaagad ang sasabihin niya sa akin. Hindi naman ako nabadtrip ng sobra, nainis lang ako dun... Tapos maghahanap siya ng ibang babae? Sige subukan niya dahil mawawalan muna siya ng balat at dugo bago mangyari yun.. Pagtingin ko sa likod ko, wala na siya. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Nagpatuloy lang akong maglakad pabalik ng hotel. Bahala siya..
Pagdating ko ng hotel, kagigising palang ng iba. Yung iba, naghahanda na ng iba gamit nila kasi ngayon ang balik namin..
"Oh ba't parang ang sungit mo?" Tanong ni Dianne na kagigising palang.
"Kakainis kasi si Chad eh. Ang aga aga, sinisira niya araw ko."
"Bakit naman? Anong ginawa niya sa'yo?"
"Sinabi lang naman niya na gumawa na daw kami. Eh alam naman niyang ayaw ko nun eh."
"Alam mo, magiging prangka lang ako sa'yo. Ang OA mo. Alam mo namang nagbibiro lang ang boyfriend mo eh. Para namang hindi mo siya kilala."
"At hindi lang yun, sabi pa niya, maghahanap na daw siya ng ibang babae kung hindi ko siya patawarin ngayon. Grrrr, nakakabwiset!"
"Oh well, goodluck girl. Lalaki yun at hindi babae yun. Bahala ka, baka di mo lang alam, may kaagaw ka na pala.." Tapos umalis na siya. Sige, subukan lang niya talagang maghanap ng iba, makakapatay talaga ako ng tao ng wala sa oras....
"Guys, kumain na tayo. Gutom na ako eh." Pagyayaya ni Victoria. Nagugutom na rin ako kaya sumunod na lang ako. Sumunod na rin silang lahat at dumiretso ng restaurant. Palingon lingon ako kasi baka makita ko yung may sayad na boyfriend ko pero wala eh. Saan siya nagpunta?
"Hoy Gab, ano yung oorderin mo?" - Krystal
"Yung minudo lang."
"Eh yung kay Chad?"
"Ganun din."
"Teka nasan ba siya? Ba't wala siya dito?"
"Ewan ko.."
"Okay." Tapos pumunta na siya sa counter at umorder na sila ng pagkain. Syempre dahil sa hindi ko kaya na wala siya, tumayo ako at hinanap siya..
Nakita ko siya nakaupo na may kasamang babae. Bigla akong nakaramdam ng inis at selos. Talagang pinagpalit niya ako ha.
"Sige na oh tanggapin mo na." - Yung babae.
"Hindi pa nga ako sigurado.. Text na lang kita kung papayag na ako." Yung may sayad na boyfriend ko.
"Okay." - Yung empakta... Syempre umeksina na ako. Sayang naman kung wala akong gagawin diba? Sayang lang yung effort ko.
"Oh Hi." Tapos tumingin sa akin si Chad na gulat na gulat. Akala mo hindi kita mahahanap, pwes nandito na ako.
"G-Gab?"
"Hi dear. Bagong girlfriend mo? Congrats, nakahanap ka agad.. Don't worry, susuportahan kita diyan." Naluluha na ako. Yung babae naman, gulat din. Syempre hindi ko nakayanan kaya naman tumakbo ako paalis. Nagiging duwag talaga ako kapag ganito. Okay lang sana kung EX niya yun kasi alam ko naman na hindi na mahal ni Chad ang empaktang yun. Pero to, di ko man lang alam kung mahal din siya ni Chad. Malay ko ba diba?
"Gab! Gab!" Di ko siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Tapos napahinto ako bigla kasi biglang sumakit yung paa ko.
"Salamat naman at huminto ka."
"Wag kang lalapit, wag kang lalapit!" Inis na sabi ko.
"Bakit naman ba ha? Ano na naman ba ang kasalanan ko? Pwede bang makinig ka muna sa akin para naman malinawagan ka?"
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........