Chapter 14

7 0 1
                                    

---<Samantha's POV>----

Well, I'm Samantha Tuazon, kapatid ni Kris Tuazon.. Wala kaming magulang. Well they are still alive pero para sa amin wala na sila. Iniwan kaming dalawa pareho nung mga bata pa kami. Di namin alam kung bakit pero wala na kaming paki-alam sa mga rason nila. Pero syempre, mas nakakatanda ako sa kanya, kailangan akong gumawa ng paraan. 10 years old palang si Kris, nagtratrabaho na ako. Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang kalagayan namin. Buti na lang, may isang abogadong kumopkop sa amin. Nakita kasi niyang masipag kami sa trabaho at interesado kaming mag-aral. Total wala naman daw siyang anak, kaya kaming dalawa nalang ang ginawa niyang anak. 16 years old kaming iniwan ng mga magulang namin at 18 years old ako nung kinupkop kami ni Mr. Chen Tuazon. Oo pati apelyedo namin pinabago niya para daw kung mamatay siya, sa amin mapupunta yung kayamanan niya. Tinulungan rin namin siya. Tinest niya ako kung kaya ko bang i-handle ang business even If I'm still 18. Iniwan niya sa akin ang business for 2 years. Sinama niya si Kris kasi bata pa daw si Kris so ako lang muna daw. At nung bumalik siya, nabigla siya kasi lumaki talaga ang income ng business namin. Natuwa siya sa akin nun. Sabi din ng iba, mas lalong gumanda ang takbo ng business ng dahil sa akin. Kaya simula nun, naging akin na ang business. Ako na ang naging OIC ng Tuazon Incorporated. Masaya ako nun kasi kahit 2 years lang at wala akong experience, nagawa kong palaguhin ang business. Pero nung naging 21 ako, namatay siya dahil sa sakit na cancer. Nalungkot talaga ako nun. Umiiyak talaga ako nun at si Kris. Kahit hindi siya yung tunay naming ama, siya ang dahilan kung bakit maganda ang kalagayan namin ngayon. Naging iba na rin ako nung mga panahong iyon. Pero hindi ko pinabayaan ang business namin.. Parati na akong busy. Minsan nga sabi ni Kris, masyado na daw akong seryoso.. Kaya nga hawak ko pa siya sa leeg hanggang ngayon dahil wala siyang ibang alam kundi lakwatsa kasama ang mga tropa niya at bestfriends niya. Isama mo na yung empaktang girlfriend niya na sinampal ako sa mall.. Akala mo kung sinong nakamay-ari sa kapatid ko. Kaya ko siya dinala dito sa Korea dahil gusto ko siyang maging trainee under SM ENTERTAINMENT.. Kilaka ako dito sa Korea dahil magaling ako masyado sa business. Kilala ko rin si Mr. Lee Seo Man. Siya yung president ng SM ENTERTAINMENT . Pero hindi lang ako ang nagmamanage ng mga business namin. Yung naghahandle ng business namin ngayon ay yung magaling na bestfriend na papa, si tito Kent. He's very honest at ang bait niya sa amin masyado. Siya yung pumalit na ama kay papa Chen. Si Kris naman ayaw niya pang maging idol dahil nakakapagod daw at gusto niya munang tapusin ang pag-aaral niya. Well pumayag naman ako dun dahil may kasunduan kami. After niyang mag-aral, siya muna ang hahawak ng business namin. Pumayag naman siya... Tapos ito, kanina lang kinukulit niya ako dahil gusto niyang umuwi sa pilipinas. Pinayagan ko siya tapos para siyang batang talon ng talon.. Tapos nung on his way na sa airport, nabigla na lang ako nung may isang tumawag sa akin na nandito siya sa hospital dahil na-aksidente siya.. Kaya tinawagan ko kaagad nun si Gabriela. Pumunta siya dito pero di ko alam kung nasan siya. Sinabi ko naman na nandito kami sa hospital tapos papunta na daw siya. Hinintay ko siya pero di siya dumating. Buti na lang maganda ang resulta. He's alive.. Nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong okay na ang nag-iisa kong kapatid. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa kanya.. At nung pumasok ako, kawawa naman siya, may dextrose tapos mabuti na lang yung mukha niya di naman ganung kalala. Gwapo pa rin ang kapatid ko... Ilang oras lang, nagising na siya.

"Buti na lang gising ka na. How do you feel?"

"Sino ka? Tsaka nasan ako?" Wait, don't tell me may amnesia siya?

"Di mo ko kilala?"

"Hindi po. Tsaka nasan ako?" May amnesia nga. Tinawag ko kaagad yung doctor at tinanong ko kung bakit di niya ako kilala. At ang sabi ng doctor, na-apektuhan daw yung utak niya nung naaksidente siya kaya di daw niya ako maalala. Pero babalik naman daw yung ala-ala niya on time. Ipapagawa ko lang sa kanya yung mga ginagawa namin at yung ginagawa niya noon.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon