"Babe, date na lang tayo."
"Huh? Kailan ba gusto mo?"
"Ngayon."
"Teka, ang aga ah. Mamaya na lang gabi kasi mas maganda."
"Ehh gusto ko ngayon eh."
"Seryoso ka ba?"
"Oo nga."
"Masyado pang maaga. Wala pang bukas na mga restaurants or malls."
"Ehh hindi naman tayo pupunta dun eh. Ayoko dun."
"Ehhh saan gusto mo?"
"Beach. As in BEACH." Oo gusto ko ngayon mag-beach. Para naman mas nice at magiging romantic dun.
"Seryoso ka? as in ngayon?"
"Oo nga ang kulit mo! Wag na lang kung ayaw mo!" Kakainis!
"Ito naman hindi mabiro. Oo na payag na 'ko. Sige na. Aalis na tayo ngayon na." Oh diba ang galing kong umarte? Hahaha. Hindi niya talaga ako matiis. Kunti na lang Chad, sasabog ka rin.
"Thank you babe, mahal mo talaga ako."
"Oo naman. HIndi kita matiis eh." Yuck! as in capital YUCK.
"Oy dadaan muna ako sa bahay. Kukunin ko lang yung swimsuit ko. Okay?"
"Hatid na kita."
"Di wag na. Mag-prepare ka na lang para pagbalik ko ready na. Okay? (sabay wink sa kanya.)" Dont worry guys, hindi ako inlove sa kanya. Dahil yung wink na yun, iba yun.
"O-ooh sige bahala ka basta mag-iingat ka."
"Thanks." At ito na nga, papa-alis na ako. Nakasakay na ako ng elevator. At nung nandun na ako sa may 5th floor, may nakasama akong isang babae. Infairness ha, ang sexy, ganda rin pero MAS MAGANDA pa 'ko noh.
"Ahm, ate excuse me po. Kilala niyo po ba si Jericho Reyes?"
"Oo bakit?" Walang kong ganang sagot.
"Ehhh kasi po may kailangan lang po akong sabihin sa kanya eh tsaka may ibibigay na rin po ako sa kanya."
"Ako na lang girl. Total papunta naman ako sa kanila ngayon eh. I'm his daughter in law, asawa ng anak niya."
"OMG! Ikaw po ba yung asawa na pinag-uuspan ng mga tao dun? Future wife ni Chad Reyes?"
"Oo bakit?"
"Ang ganda niyo po at ang sexy pa. Bagay talaga kayo."
"Thanks." Sabay ngiti sa kanya.. Ngumiti ako dahil sa sinabi niyang maganda at sexy ako hindi yung bagay kami.
"Ano pala yung ibibigay mo?"
"Ahhh ito po."
"Pwede ko bang tingnan?"
"Oh sure po." Pagtingin ko, isang report ng rich client. Pa'no ko alam? Syempre, kilala ko eh..
"Oh sige girl, aalis na ko. Ibibigay ko na lang to." Umalis na ko dun. Maka-alis na nga. At saan ko nga pala to itatapon? Ahhh dito na lang sa may TRASH CAN nila. Kerrybils! And as usual, tinapon ko nga yung papel. Bwiset lang yun sa buhay ko.. And ito na nga ako, naglalakad, nakikinig ng music ng.....
BINABASA MO ANG
He's My Everything
Teen FictionMa-fall in love kaya si Gab sa isang basketball player na ubod ng kakulitan at medyo kamalditohan? Let's see..........