Chapter Three

1.6K 29 1
                                    

Chapter 3: Busy?

---

UMUPO ako sa classroom para sa next class ko. Pumasok si Mikee at ngumiti sa akin. She sat beside me.

"What's with that face?" She asked.

"I'm grounded, Mikee..." I said.

"Oh? Why?"

"C'mon. You know the reason."

"Tita founds out the Youth Service thing?" I rolled my eyes. "How?"

"She saw us. Kami ni Josh na nag-uusap sa labas ng bahay namin. Si Josh naman, masyadong matuwid. Ni-hindi manlang nagsinungaling. Kaya ayun!"

"Oh? I think Josh didn't know." She said.

"Dapat talaga nag-commute na lang ako. O kaya si Miguel nalang ang naghatid sa akin."

I looked at Mikee when she didn't response on what I said. I just saw her smirking.

"What's with that smirk, Mikee? Nahahawa ka na ba sa Kuya mo sa mga ka-cornihan?"

"Ang bitter mo sa Kuya ko. Type mo si Miguel nuh?"

"WHAT?!"

Kasabay nang pagsigaw ko ang pagpasok ng teacher namin. Umayos kami ng upo ni Mikee at naghintay nalang hanggang sa matapos ang one hour.

Paglabas namin, nakita ko si Mike sa may bench. Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Mikee. Tumayo si Mike at umambang lalapit sa amin.

"I gotta go, Mikee." I save my self.

"Wait lang, Calvy..." Mike uttered. I looked at him. Gusto kong mambatok ngayon. Kapatid sya nang bestfriend ko pero... I hate him for some reasons!

"I'm grounded. Kailangan by 5 nasa bahay na ako." I coldly said. I smiled at umalis na sa harap nila.

Lamabas na ako sa gate ng university namin at nag-abang ng taxi. Kuya's probably on his last subject kaya hindi kami magsasabay umuwi.

May isang itim na vios ang huminto sa harap ko. I frowned. The glass window went down. Hindi ko napigilang hindi mapangiti nang makita ko si Miguel na nakangiti rin sa akin.

"Pauwi ka na?" He asked.

I nod.

"I'll drive you home. C'mon."

Hindi na ako nagdalawang isip. He unlock the passenger seat at sumakay na ako. I'm fastening the seatbelt nang magsalita sya.

"May Youth Service ulit sa Sunday. Hope you'll come again?" Sumulyap sya sa akin at agad ibinalik sa daan yung tingin.

"I can't..." nahihiya kong sabi.

"Why? Didn't you enjoy it?"

"I enjoyed it." Kahit weird na weird ako nung mga panahon na yon. "Grounded ako, Miguel. My mom founds out na um-attend ako sa Youth Service."

Ceaseless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon