Chapter Twenty One

725 24 1
                                    

Chapter 21: Need You Here Right Now. Right Away

---

Josh's...

"Mom. She's not my girlfriend." I annoyingly said to my mother. Paulit-ulit s'ya. Kaya minsan ayoko rin na umuuwi dito e. Ang daldal ni Mama.

"Pero anak, nakikita ko sa mga mata mo!" She teased me.

"Ma. Magkaibigan lang kami. She likes Miguel. They’re both my friend."

"Pero gusto mo s'ya."

"Saan ba 'to papunta?"

"Teka. Wag ka magalit sa akin. Nagtatanong lang ako kasi naman ilang taon ka na pero hindi ka pa rin nagkaka-girlfriend. Wag mo sabihing lalaki rin ang gusto mo."

Tumahol si Shovel sa akin. Teka. Hindi naman s'ya tumatahol dati a?
Natawa si Mommy.

"Mom. May tamang oras para d'yan. Sa ngayon, sa inyo muna ang focus ko. At sa business natin. Dadalawa na nga tayo e. Tsaka hindi ako bakla."

"Masyadong maliit ang business natin para intindihin mo pa. Kayang-kaya ko yun. So kailan mo ulit s'ya dadalhin dito? Gusto ko s'yang kausap."

"Mom. I don't know. Wag mo na akong kulitin. When Miguel come back to her, hindi na ulit kami magkikita madalas. Maliban na lang kung umattend s'ya sa GCC."

"Anong when Miguel come back to her?"

"Mom-"

bigla akong natigilan. Ilang segundo rin yun. "Basta. Tsaka graduating si Calvy ng grade 12. Busy yun dahil one of these days, mag-eentrance exam na s'ya sa AIU."

AFTER that day when Calvy went to my Mom's birthday, not so long days later, my Mom got hospitalized. On her 2nd day, she asked me to buy some tulips to display on the room.

"Walang magbabantay sayo dito." Sabi ko pa sa kanya.

"Just call Yngrid on the nurse's station. Papayag yun dahil VIP ako."

"Parang wala kang sakit. Ang kulit mo... " reklamo ko. Tinawanan lang ako ni Mommy.

I get out and made every single move quick. Ayokong magtagal dahil wala ako sa tabi ni Mama.

"Yngrid... " I called the nurse.

"Yes, Josh."

"My mom ask you to come along. May pinapabili s'ya sa akin. Ang kulit-kulit. Baka pwedeng bantayan mo muna s'ya. Mga 30 minutes lang 'to."

"Okay. No problem."

Habang palabas, inalala ko lahat ng sinabi n’ya sa akin.

"If you can. Bring Calvarie with you." Mom requested.

"Miguel has arrived. I heard. Baka magkasama sila ngayon. Ayokong sirain ang moment nila."

"Anak. May asawa na si Miguel. Bakit pa sila mag-momoment? Ikaw talaga! Dinadaan mo ako sa mga dahilan mo."

"Anong asawa?"

"Josh, anak, wag mo akong lokohin. Kinasal na s’ya, malabong di mo alam. Tinawagan ako ni Leo kahapon. Kinasal na raw si Miguel, last month pa pala.”

"I don’t know what you’re saying, Mom.”

Miguel is insane. Anong kasal? Seryoso ba ‘yun? Anong balak n’ya kay Calvy? Pinaasa lang ganun? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa dahil may pag-asa na ako kay Calvy or maiinis dahil nagsikreto si Miguel ng ganun.

Ceaseless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon