Chapter 4: Samahan Mo Muna Ako
---
SA LOOB ng isang linggo, kadalasan ay dalawang beses akong naisasabay ni Miguel sa kotse nya. Kapag Tuesday at Friday, pareho kami ng oras ng uwian dahil nadadaanan nya naman ang school ko pauwi at nadadaanan nya rin ang Mc Kinley papuntang CM Tower, hinahatid na nya ako.
Minsan nga kapag may humihintong taxi sa harap ko, hindi ako sumasakay kasi sya yung hinihintay ko. Yi lande!
Mas nakilala ko sya ng husto dahil marami kaming napapag-usapan lagi. I feel very comfortable when I'm with him. Kapag nag-aaway kami ni Mama, mas nakakapagsabi na ako sa kanya kaysa kay Kuya.
He told me about his family, too. He had an older sister. His father's business is based on Vietnam at iba pa 'yong family business nila dito sa Pilipinas. Minsan lang sila magkita-kita kaya hindi raw sya close sa parents nya. But unlike his sister, she's a Daddy's girl kahit malayo. His Mom is an half Italian, I wonder how beautiful she is. I hope I can meet her soon.
Miguel is a bank teller, 'yon ang sabi n'ya. Nung kailan ko lang nalaman yun. Nung nakita ko yung name plate nya sa kotse nya. Nagtatrabaho sya sa isang malaking bangko malapit sa Annex at ngayon, kumukuha sya ng Masteral's degree nya sa AIU dahil gusto nya'ng magturo ng Accountancy. Every Friday at Saturday ang pasok nya sa pagkakaalam ko.
I hold the strap of my bag habang tingin nang tingin sa kaliwa at kanan. I looked at my wrist watch. It's 25 minutes before 5 PM. May dumaan na cement mixer truck sa harap ng school at dahil di maganda yung amoy at alikabok na humalo sa hangin, napapikit sabay takip sa ilong at bibig ako.
"Are you okay?" I'm in the middle of the aftershock, I heard a familiar voice.
Unti-unti akong dumilat. I frowned.
"Bakit ka nandito?" I asked. It was Josh with his sniper.
"Di mo ba ako na-miss?" He smirked. "Di ka na bumalik sa GCC."
I rolled my eyes on him. "Paano pa akong makakabalik dun eh binuking mo nga ako sa nanay ko!"
"Sorry... sorry." He said habang iminumwestra pa yung kamay nya pataas na parang suko na sya. "Di ko alam. Kaya nga ako nag-text because I'm concern."
Inirapan ko lang ulit sya.
"Sakay na. Hahatid na kita." He offered.
"Ayoko nga." Kay Miguel lang ako sasakay. Si Miguel lang pwedeng maghatid sa akin.
"Wala si Miguel ngayon, Calvy." Napatingin ako sa kanya. "Binilin ka nya sa akin dahil may emergency sa bahay nila. Kailangan nya kaagad umuwi kaya sabi nya sunduin kita..."
Bumaba sya sa sniper nya at tinanggal yung helmet.
He ruined his hair... shet! Bakit parang nagso-slow motion! Napa-awang ang bibig ko sa sobrang pagka-starstruck... ang hot naman nya.
"Hoy!"
Nagising ako sa katotohanan dahil sa pagbatok nya sa akin.
"Ano ba?!" I yelled. Sya naman, tumatawa lang.
"Tulala ka kasi. Eto oh?" Inabot nya sa akin yung helmet. "Tara. Hatid na kita, kaso may kailangan pa akong bilhin ah? Sorry kung isasabay ko na. Para isang byahe nalang." Ngumiti sya at sumakay na ulit sa sniper nya at sinuot yung helmet nya. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Ano sasakay ba ako?
Oo! Wag ka nang mag-choosy riyan dahil wala nga si Miguel!
Buti nalang nakapang-PE ako ngayong araw kaya makaka-backride ako.
BINABASA MO ANG
Ceaseless (COMPLETED)
Narrativa generaleSitty Calvary Clough came from a strict and religious family. She's a respectful young lady, but sometimes a rebellious one. Hindi pinapayagang mag-boyfriend ngunit sa tulong ng Kuya ay nagagawa pa rin ang mga gusto. She likes Miguel Montecarlos Fl...