Chapter Ten

891 27 1
                                        

Chapter 10: May Takot Ako Sa Diyos

---

SANDALI lang namin narating ang CM Tower. Wala kasing masyadong traffic sa lugar na yun.

Tinulungan ko si Josh na buhatin si Miguel hanggang sa elevator ng parking lot. Hanggang sa makarating kami sa condo unit ni Miguel, hirap na hirap kami ni Josh sa pagbuhat sa kanya. Mabigat ang katawan nya pero gising naman sya.

"Dito yung kwarto nya." Turo ni Josh.

Ilang hakbang nalang papuntang kama nya, nang mapasigaw ako.

Sinong hindi mapapasigaw? Sinukahan ako eh?

"Uy. Okay ka lang, Calvy?" Josh asked. Dali-dali nya'ng inilagay si Miguel sa kama at tinanggal yung sapatos.

Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil may suka yung damit ko. Lumapit si Josh sa akin at napansin nya 'yun.

"Eto shirt ko. Suotin mo..." akmang huhubarin nya yung suot nya'ng shirt kaya nag-panic ako. Nasilip ko ang apat sa anim na magkakapatid na nakadikit sa bandang t'yan nya bago ko pa sya mapigilan.

"Wag na! May doble akong sleeveless. Okay lang." I said.

"Okay. Tatawag ako sa house keeping. Ayusin mo na ang sarili mo para mahatid na kita sa Mc Kinley."

"Okay." I answer.

Pumasok ako sa CR ni Migiel sa kwarto nya at doon ko tinanggal yung suot kong v-neck. Spaghetti strap lang yung natira sa akin. Medyo revealing pero okay na rin. Kaysa may suka.

Lumabas ako at kasalukuyan nang nagliligpit yung house keeper. Paalis na rin sya nung lumabas ako ng CR.

Nakita ko si Josh na naghahalungkat sa ref ni Miguel

"Ma'am, Sir. Okay na po. Aalis na ako." Sabi nung house keeper.

"Okay po. Salamat." Inabutan sya ng 300 ni Josh.

"Calvy..." Josh called.

Tumingin ako kay Josh at medyo naasiwa ako sa tingin nya.

"A-ah. Di pa ba tayo uuwi? Babalik ka pa sa party mo."

"Oo nga. Tara na."

Inabot nya sa akin yung isang coffee in can para mahimasmasan sa alak tapos umalis na kami ng condo.

"Salamat." I said kahit hindi naman ako uminom ng alcoholic kanina.

Nang makarating kami sa kotse nya, nakaramdam ako ng lamig bigla pagpasok sa kotse nya. Pinatay ko yung aircon na nasa harap ng passenger's seat para hindi tumama sa akin yung hangin.

"Ano bang dahilan bakit hindi mo pinansin si Miguel nang isang linggo?" He asked while drinking the coffee in can.

"Ah. Ano..."

"C'mon. Open it to me. Para namang iba ka pa sa akin."

"Ano... we... we kissed." I said. I looked at Josh. Nakatingin sya sa akin. "Actually. It was an accident. Kaso... nagulat kasi talaga ako. He was my first kiss."

Muli akong tumingin kay Josh. Naka-focus lang ang mga mata nya sa akin. Ni walang kahit anong ekspresyon.

Nagulat ako nang hawakan nya ako sa braso. He drew my body near his body. He lift my face by his other hand... and in a blink of an eye, our lips are touching each other.

Oo. Hinalikan nya ako.

Gustong-gusto ko sya'ng itulak at saka sampalin ng malakas dahil sa ginagawa nya. Anong karapatan nya, bakit nya ako hinalikan? Pero hindi ko magawa... feeling ko sobrang nakaka-ubos ng lakas yung labi ni Josh na nakalapat sa labi ko.

Ceaseless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon