Chapter Fourteen

787 23 0
                                    

Chapter 14: Lunch

---

"Bababa na ako... salamat." I coldly said.

"Teka. Teka!"

"Ano na naman?!" Irita kong sagot.

"Patingin ng schedule mo... bigyan mo ako."

"Kasama ba yan sa mga pinag-usapan nyo ni Miguel na gagawin mo habang wala sya?"

"Wag ka nang magtanong..."

Kinuha ko yung Catleya ko at iniabot sa kanya. "Picturan mo na lang. Bakit ba kailangan mo pa yan?"

He didn't answer. After analyzing my schedule, binuklat nya yung iba pang division sa Catleya.

"Bakit mo pa ba tinitingnan 'yang notes ko?!"

"May assignment ka sa Calculus..."

"Alam ko, gagawin ko yan pag-uwi!"

"Eh wala ka namang notes para sa Formula at equation ng Parabola. Paano mo masasagutan 'to. Tapos may 'show the graph below' pa. Marunong ka bang mag-graph?!"

"Minamaliit mo ba ako?! Syempre!"

"Sige. Sagutan mo na! I'll wait. I-checheck ko kung tama. Hindi kita papa-uwiin kapag di ka nagsagot." He said threatening. Dahil automatic yung chevy nya, na-cocontrol nya yung locks nung pinto.

"Kainis ka!"

Pinagtuonan ko nang pansin yung problem. Bwisit na Ma'am Reyes 'yun. Bakit kasi ang boring nya magturo.

"Sa scratch ka muna magsagot para kapag nagkamali ka, di papanget 'yang notebook mo!"

"Oo na! Wag ka nang maingay! Nag-iisip ako!" Pero ang totoo, hindi ko alam. Wala naman akong naintindihan kanina. Kaya kong mag-graph pero kapag lang may given na.

Nakakainis talaga!.

"Hindi ko ma-gets. Nalalim yung english eh?!" Dahilan ko.

"Bahala ka dyan..." he said.

"Josh! Hindi ko 'to alam. Mangongopya na lang ako bukas!"

"Ayan! Tama yan! Mabuhay ka sa kopya! Tingnan natin kung anong magiging buhay mo sa college!"

He said in sarcasm. Nakaka-down lalo. Kung si Miguel 'to, hindi nya ako papagalitan pa ng ganito. Kung si Miguel 'to, ituturo na nya kaagad sa akin yung tamang gagawin.

But he's not Miguel. And he will never be Miguel because he's Josh.

"Sa dami naman kasi ng kaibigan ni Miguel, sayo pa nya ako ipina-ubaya. Pwede naman kay JV na lang."

I am about to speak again and voice out what I'm thinking a while ago...

"Ano? You're comparing me to Miguel again in your mind? Calvy, I said I'll replace him! Not I'm going to be him. Akina nga, isusulat ko yung formula!"

Tss. Hilahin ko yung hikaw nya sa tenga eh.

KINABUKASAN, ganun pa rin. Pero mas malala.

It was 9:30 AM. Break time ng Seniors. Paglabas ko sa classroom ko, muntik na akong mapasigaw kay Josh dahil sa itsura nya.

He's wearing black again. And there's a cup on his head.

I frowned on what he's doing. Lumapit ako.

"Are you smoking? Bawal yan dito!" I protested.

"Don't ask obvious things..."

"Obvious na bawal yan dito pero ginagawa mo. Akina nga yan!"

Ceaseless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon