Chapter Twenty

718 21 1
                                    

Chapter 20: Alam Mo Yung Mas Masakit?

---

HINATID ako ni Kuya at sinermunan pa ako bago s'ya umalis. Nakakaloka sya. Hindi naman kami magtatanan ni Miguel, kakain lang kami.

"Good Evening, Ma'am. May reservation po kayo?" Tanong kaagad sa akin ng crew.

"Good evening din. I'm not sure e." I answered.

"May kasama po kayo? Ano pong pangalan?"

"Miguel Montecarlos-Flores."

Nang marinig nila yung pangalan ni Miguel, binulungan pa nung isang crew yung crew na kausap ko bago ituro sa akin kung saan ako pupwesto.

"This way, Ma'am. Mr. Montecarlos-Flores is already waiting for you." The crew said.

I saw Miguel waving at me so I waved back. I thanked the crew and proceed.

Sinundo pa ako ni Miguel kahit ang lapit ko na para maalalayan nya ako.

"Ang OA mo." Bulong ko sa kanya.

I heard him laugh. "Bumabawi lang."

Tinulungan n'ya akong umupo. Gosh. He's so gentleman and I'm blushing right now. I can feel it. And I don't know why.

"Are you okay?" Miguel asked me.

"Y-yes..." I answered.

Agad tumawag ng waiter si Miguel at tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin.

"Chicken pesto?" sagot ko ng parang hindi pa sigurado.

"...two orders of chicken pesto. Don't forget the dessert. And the wine na pinahanda ko." Sabi ni Miguel sa waiter.

"Kuya. Pa-request na rin ng tubig." I added.

"Pa-add ng glass of pineapple juices na rin para may option sya."

"Ha?" Sabay tingin kay Miguel.

"Check ko lang po yung order, Sir. Single order of beef steak and chicken pesto, wine, yung desert na pinahanda, glassses of pineapple juice and water."

"Okay. Settled." Then the waiter left.

"Bakit, Calvy?" He asked me.

"Bakit parang ang dami mo namang in-order?"

"Madami na ba yan sayo?" Tanong pa nya.

"Bahala kang umubos nyan." I joked.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. More on acads ang naging topic namin. Ewan ko ba. Parang hindi kami nauubusan ng sasabihin kapag tungkol sa school ang pinag-uusapan namin.

At dahil nga masaya ako ngayon, ang bilis ng oras. Hindi man ako na-bored kahit konti.

Pagkatapos naming kumain, nanood pa kami ng sine. Tapos nagpunta kami sa Condo nya. I remember, nakapunta na ako dito, yung nalasing sya at hinatid namin sya ni Josh.

Nung pumasok kami sa loob, dun ko lang na-appreciate yung itsura ng condo nya. Last time kasi nagmamadali kami kaya hindi ko masyadong nakita.

"Nice condo. Ngayon ko lang sya na-appreciate."

"Buti nga nalinis sya bago ako dumating. Halos tatlong buwan din walang tumira dito." He said.

"Baka may multo na dito." Biro ko sa kanya.

Old sayings though. Haha.

"Tara dito." Pag-aaya nya sa akin.

Derederetso lang ang lakad nya nang buksan nya yung pinto ng kwarto nya.

Ceaseless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon