Chapter 28: 4:37 AM
---
UMUPO kami sa sofa at nagsimulang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Agad akong nagde-kwatro at inilagay ang kamay sa ilalim ng baba ko. S'ya naman ay pumwesto na parang kanya ang mundo.
"You can stay for tonight. Pero hindi na kita hahayaan sa mga susunod pang araw."
"Why?" I smiled so that I can hit on him.
"Your family will get mad at me more." napa-irap ako. Alam kong nagpapa-good shot s'ya sa parents ko pero yung thought na hindi namin magawa yung mga gusto namin, nakaka-inis. We're getting old, YOLO.
"Can we just don't mind them? I've been obeying everything they said in my whole life. Pwede ba ngayon, ako naman ang magdesisyon sa sarili ko?" reklamo ko.
"Magulang mo pa rin sila. Buti nga buo pamilya nyo." I reacted like an elder is teaching me a lesson.
"And I need to go to China tomorrow night. Wala kang kasama dito."
Gulat na napanganga ako sa kanya. I can see that he's apologizing through his eyes while looking at me.
Napabuntong-hininga lang ako napatingin sa mga bagay na nasa loob ng unit.
I saw a picture of him and his mom on the wall.
Tita. Wag n'yo pong paalisin si Josh.
"Sorry, biglaan. Kaya talaga kita susunduin ngayon kasi magpapaalam ako."
"Alam mo ba kung bakit ako nagpunta dito?"
"You're missing me?" sabi n'ya sabay ngiti at itinaas pa ang paa sa center table.
"Other than that, someone's pestering me at home." Umupo ako ng tuwid para mas maging komportable. "Just two days ago, nagulat na lang ako na may pinakilala sa aking lalaki si Mama at ang ninang ko. Simula 'nun, lagi na s'yang nasa bahay, nagdadala ng bulaklak-"
"Inshort nililigawan ka?" putol n'ya sa sinasabi ko. Nagtiim ang bagang ni Josh sa narinig n'ya mula sa akin.
"Yes and my mom's inlove with him." I honestly said. "I mean gustong-gusto s'ya ni Mama para sa akin."
Nakita ko kung paano humigpit ang kapit ni Josh sa laylayan ng damit n'ya. I knew him and he's annoyed, most probably mad.
"Do you want to run away with me?"
"H-ha?" nagulat ako sa biglang pagtatanong n'ya.
"Alam kong mali 'tong iniisip ko pero gusto na kitang itanan tapos sa China na lang tayo tumira."
Hindi ako nakapagsalita sa mga susunod pa n'yang sinabi. Ang bilis lang ng tibok ng puso ko.
"Joke lang s'yempre." sabi n'ya kahit seryoso pa rin ang mukha n'ya. I cursed him in the air. Kinabahan ako.
His phone on the center table suddenly vibrated.
"No. Wait."
Iyon lang ang naintindihan kong sinabi n'ya pagkasagot ng tawag then he started speaking chinese.
I didn't expect that with his western-asian face, speaking chinese can make him look sexy.
Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala akong mag-isa habang nakatitig lang sa kanya.
I just watched him talking for around five minutes, pagkababa ng tawag tumayo s'ya at tumabi sa upuan ko.
"Anong tinitingin-tingin mo kanina pa?" tanong n'ya.
BINABASA MO ANG
Ceaseless (COMPLETED)
General FictionSitty Calvary Clough came from a strict and religious family. She's a respectful young lady, but sometimes a rebellious one. Hindi pinapayagang mag-boyfriend ngunit sa tulong ng Kuya ay nagagawa pa rin ang mga gusto. She likes Miguel Montecarlos Fl...
