Edited
Eura's Pov:
Umalis na ang mga damuho at naiwan ako sa kwartong 'to. UGH. Paano ako makaka-alis sa lugar na 'to? Hindi ko naman pwedeng hintayin ko lang si Thunder, I need to move too pero potek naman paano?Maliban sa nakakadena ako, bugbog at maraming sugat sa katawan, Nanghihina rin at masakit ang balakang ko at may mg nabaling buto pa ako for sure. Great! Just great!Makakatakas nga ako sa lagay kong ito.
"Sana wag na bumalik ang mga 'yon. Mga damuho sila! Mga pakshit!" Nanggigil na bulong ko at naghanap ng susi sa lock na nasa kadena na ginamit sa akin.
Sana naman nakalimutan nila at naiwan dito sa loob katulad sa mga movies na may mga tangang kidnapper ganern. Nakita ko kanina na nilapag nung isang damuho yun eh, nasan na kaya 'yon?
Asan ka na ba susi ka?! I continued searching for the key when the door opened pero hindi pabalibag kundi maingat na hindi lumilikha ng ingay at pumasok mula doon ang dalawang babae na mukhang takot na takot. I can even hear their conversation kahit na nagbubulongan sila.
"Sigurado ka ba dito Tin? Mapapahamak tayo pag nalaman ni Boss Robert ito." sabi nung isa na may bangs.
"Ito na lang ang paraan para matulongan natin sya Ella at isipin mong mabuti, matutulongan din nya tayo dahil Luna sya ng Blood Moon Pack, 'wag kang mag-alala, alam kong tama ang ginagawa nating ito Ella." sabi naman nung isa na tinawag na Tin. She's the chubby one, they're both pretty and adorable looking. Parang mga koreana ganon.
Teka nga, ano ba 'yang Luna at Alpha na yan?Pati yung pack? Nagugulohan na talaga ako dito ah! I'm damn clueless. Lumapit sila at binuksan ang lock ng kadena. Pinakawalan nila ako. They helped me because I'm some Luna that I don't even know, regardless of that I'm still very thankful.
May mabubuting tao pa rin talaga sa mundo katulad nilang dalawa na kahit alam kong takot na takot sa gagawin nila ay ginawa ang tama.
"Salamat." sabi ko habang pilit na tumatayo. Kumuha ako ng suporta galing sa lamesa habang inalalayan din nila ako.
"Basta mangako ka na sasabihin mo kay Alpha Thunder na kapag nilusob nila kami dito, iligtas nawa nila ang kaming mga omega. Kaming dalawa ay mga omega at napipilitan lang kaming pagsilibihan ang boss ng mga rogue. Please, sabihin mo kay Alpha Thunder na tulungan kaming makalaya." Pakiusap ni Tin sa akin na punong-puno ng pagsusumamo kaya tumango ako. Utang ko sa kanila ang buhay ko at dapat lang na suklian ko 'yon at para na rin makatulong sa iba pang katulad niyang omega. Kung ano man 'yon.
Omega, isn't it a pain killer liniment ?
"Tara na baka maabutan nila tayo. May alam kaming daan para makatakas ka." Ani Ella at inalalayan na nila ako palabas. Dumaan kami sa ilang pasilyo bago nag-tungo sa pinaka ibaba ng mansyon at pumasok sa madilim na kwarto. Rinig na rinig ko ang malakas na ingay mula sa ibaba at sigurado akong ang grupo 'yon nina Thunder at nung mabahong lover ni Lalaine. My gosh, he's so hopeless. Mag-revenge ba naman laban sa akin for Lalaine? Is he aware that she's on steroids?
Gaaahhh!Pero bakit ganon? Nakapagtatakang may alulong ng aso. No actually it sounds creepier than a dog's howl, it's stronger like a huge dogs howling. Huge dogs, like a wolf.
Ang lakas kasi ng alulong eh pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin 'yon, ang mas importante makatakas ako at matulongan sila Tin at ella.
May binuksan silang maliit na kahoy na kakasya ang isang tao tapos nakita ko na mga dahon na sa likod non.
A secret passage huh, ang galing naman.
"Nasa harap silang lahat kaya tumakbo ka na ng mabilis. Don't let them catch you please. Diretsohin mo lang yan gubat makaarating ka sa pinaka gitna kung saan ka nila kinuha. Mag-iingat ka Luna ng Blood Moon Pack at 'wag mo sanang kalimutan ang pangako mo." paalala ni Tin kasabay ng marahang pagtulak sa akin.
"I will remember that promise, thank you. Tutuparin ko lahat ng pangako ko Tin, Ella."sabi ko at tumakbo ng mabilis without minding the wounds that I got.
I just run and kept on running pero habang patagal ng patagal, pabagal na ng pabagal ang takbo ko. I'm so weak. Hinang hina na ako at pakiramdam ko sobrang dami na ring dugo ang nawala sa akin. Napasandal ako sa malapit na malaking puno. Malayo pa ba ako? Parang hindi ko na kaya, it was the adrenaline that kept going but I'm starting to lose it now.
Umiling ako, I can't give up now. Kaya ko 'to! Kaya ko pa!
Tumakbo ako ulit parang dumuble ang paningin ko epekto ng panghihina ko. Hindi ko na kaya pero sinikap ko pang tumakbo pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. My mind knows I have to keep running but my body can't.
"Thunder..."
Salamat kasi dumating ka kung kailan naisip ko ng sumuko. Salamat kasi binigyan mo ko ng rason para hindi sumuko, pero hindi na kaya ng katawan ko. I want to fight and escape because of the hope you gave me but I can't. I can't.
I have my reason to survive this, but how can I if my body can't?
Sana ligtas siya, silang lahat ng sinuong ang panganib para sa akin, a total stranger to them. Sana walang masaktan sa kanila.
Sana..
Thunder's Pov:
"M-mamatay ang Luna mo Thunder! Mamamatay siya!"tumawa pa ng mala-demonyo ang second in command ng mga rouge. Damn them for stealing and hurting my Luna. I growled at him and bit his head, shaking my wolf vigorously until I rip his head off and spit it out. Bumagsak ang katawan nito sa lupa and I'm more than satisfied. Sayang at wala ang leader nila, I'm more than willing to rip his body into shreds for harming my Luna.
No one, no one can hurt her without experiencing my wrath in return. No. Fucking. One.
''Thunder..."
I look around to find her but she's nowhere. Tanging ang mga naglalaban lang ng miyembro ng pack at ang mga rogue ang nasa paligid, walang bakas ni Eura. I sniff the air fo her scent and I found a faint trace of it.
Sinundan ko ito only to find her unconscious habang nakasandal sa malaking puno, bloody and beat up.
Isang malakas na alulong ang pinakawalan ko. This is all my fault. If I was only brave enough none of this would have happened.
I'm a failure of a mate! I failed her! Again!
Storm ashamed of himself let me take over forcing me to shift into my human self again.Napalunok ako at maingat na binuhat siya na parang bagong kasal. Muli kong naramdaman ang kuryente sa akin braso nang mag-tama ang aming balat. My beautiful mate, my gorgeous Luna. I'm sorry.
Here she is, lying in my arms with her own blood and I was late to save her, kung mas natagalan kami sa pag-rescue sa kanya I'm sure I'll be a rabid wolf.
I'm so stupid to let her go just like that.
I am. Tumiim ang bagang ko at naglakad pauwi ng hubot hubad. Hindi ko na hahayaan pang muling mangyari sa kanya 'to. Not again.
I kiss her forehead and sigh as I'm enveloped by her sweet scent.
"I'm sorry, Eura."
BINABASA MO ANG
His Luna is a Bitch
Lobisomem| Some part is unpublished because it's under major editing and revision| She is a bitch, but every bitch has their story. And it's time to begin telling hers. - It all started with cooling things up, then moving from the city to Lycania Verde, and...