Edited
Eura's Pov:
"Xenon? Ikaw ang...mate ko?"
Hindi makapaniwala kong tanong. Kaya ba ang bait nya sakin. Kaya ba ngingitian nya ako every time na nagkikita kami kasi mate ko sya? Bakit ganon, parang hindi boses ni Xenon kanina yung nag-salita, it's sounds like Thunder's. Guni-guni ko lang ba 'yon?"H-ha?!"gulat na tanong nya. Aysus! If I know sobrang saya nya. Pero bakit ganito. I'm disappointed. I'm disappointed kasi I know I want him to be my mate no offense kay Xenon, but it's just that I expected it to be him.
Masama man dahil kahit mabait si Xenon and all, the idea of rejecting him is so tempting. Nakokonsensya ako that I just found out about how important mates are for the werewolf race yet here I am considering rejecting him.
Ugh! I don't know!
Pilit na ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba 'wag ka na ngang mag-deny. Mate mo ako 'di ba? I mean we're meant to be together. I'm uh so thankful na ikaw ang uh, mate ko." Sabi ko kahit ang totoo may part ng utak ko na nagtatanong kung bakit siya at bakit hindi Thunder?
No! Scratch that Eura! May mate na rin yun malamang! Pero ang mumunting boses na yun paulit-ulit sa pagsigaw ng-
I-reject si Xenon iba ang gusto ko!
I-reject si Xenon iba ang gusto ko!
I-reject si Xenon iba ang gusto ko!
I-reject si Xenon iba ang gusto ko!
I-reject si Xenon iba ang gusto ko!
I-reject si Xenoj iba ang gusto ko!
Peste! Parang may boses ng chipmunks na nagwewelga sa utak ko! Nakakainis!Hanggang ngayon ba naman Thunder ginugulo mo pa rin utak ko?
"Eura, there must be some-"hindi ko na pinatuloy si xenon sa kung ano man ang ssabihin nya dahil kusang dumada ang bibig ko. Kahit ako hindi ko mapigilan!
"Ano ka ba! Huwag ka ngang ano dyan. Grabe ha, ikaw pala ang pinakamalakas sa werewolf community. Pinili ng moon goddess. Kinatatakutan ng lahat. Pero in all fairness ah, ang humble ng aura mo. Very very light. Unlike others na nakakatakot at mayabang daig pa ang hangin ng signal number 5 na super typhoon sa lakas ng hangin eh but you Xenon, ang humble mo." Pero totoo naman kasi sinasabi ko. Grabe lang ang dating nya, napaka-peaceful, masayahin at lahat na. Pero bakit, mas gusto ko yung... basta iba! I'm looking for something in him. Something Thunder has. That certain pull every time his around. Yung maco-conscious ka na lang bigla. Katulad ng nagagawa ni Thunder sakin. Hinahanap ko kay Xenon pero bakit wala? I feel nothing.
Baliw na ba ako o sadyang hindi lang ako ang mate nya. Baka may mali, pero sabi nila hindi daw sila nagkakamali eh. Mismong wolf na mismo nila ang magsasabi sa kanila na nakita na nila ang kanilang mates.
''Uhm, A-Ate Eura?"tawag sakin ni Macy. She look tensed and panicked. Hala! Ano'ng nangyari sa kanya?
"Okay ka lang?"tanong ko. Mukhang malaki ang dinadala nya eh. Bakit takot na takot 'to? Kahit sila Xenon pawis na pawis akala mo galing sa marathon. Anyare people? Kahit si Zyke mukhang kinakabahan, bakit? A-Ano'ng meron?
"A-Actually hindi, k-kasi, uh, hindi naman si kuya Xenon ang m-mate mo." Macy said stuttering, her voice shaking. Takot na takot nga.
Ano daw? Hindi ko mate si Xenon?
Yes! Hindi ko sya mate!
Yes! Hindi ko sya mate!
Yes! Hindi ko sya mate!
Yes! Hindi ko sya mate!
Yes! Hindi ko sya mate!
Yes! Hindi ko sya mate!
Okay okay. Paulit ulit?
Oh my freaking gosh, sobrang saya ko pero hindi ko lang pinapahalata. I tried to look but I'm slowly smiling kaya yumuko ako para itago 'yon.
It's party party. Whooohoooo!
Yes yes yes!!
Gustong-gusto kong magtatatalon sa tuwa. Ah basta. Yun ang gusto kong gawin pero syempre kunware nagtataka ako kahit sa totoo lang at sa loob loob ko nag-pa-party na lahat ng ugat ko.
Calm down Eura. 'Wag papahalata.
Inner-self reminded me and I am imagining her rolling her eyes at me. Eh?
Okay okay. Hoo! Kalma kalma.
Tinignan ko silang lahat at tsaka nag-tanong. "Kung hindi si Xenon ang uh, mate ko, s-sino?"
Natahimik silang lahat habang nakatitig naman ako sa kanila isa-isa. Kumunot ang noo ko nang mag-iwas ng tingin si Macy sa akin.
Ano ba 'yan ang tahimik naman, ano ba 'to? Para may dating? Sige Eura, makisabay ka. Tutal kinakabahan rin ako at the same time excited. Unlike kanina, ngayon,nabuhayan ako ng loob.
Ahhhh ang tagal naman yata magsali-
"Aray!" Lumingo ako kay Xenon na hinawi ni Thunder sa gilid habang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
"I am Thunder Greyson, the Alpha of this pack and," he smirks at me, "your mate, my Luna."
What the-
BINABASA MO ANG
His Luna is a Bitch
Hombres Lobo| Some part is unpublished because it's under major editing and revision| She is a bitch, but every bitch has their story. And it's time to begin telling hers. - It all started with cooling things up, then moving from the city to Lycania Verde, and...