Chapter 2: Twilight Academy

8.5K 323 7
                                    

Twilight Academy

"Tita Carmela," tawag ko sa tita ko na kapatid ng yumao kong ama.

Siya na lang ang kasama ko ngayon sa bahay na ito. Simula kasi noong mamatay sila mommy at daddy, lumipat siya dito para daw may kasama ako. Wala pa naman siyang asawa't anak.

Tulad ko, isa rin siyang Allied Vampire. 28 years old pa lang si tita at nakapagtapos siya sa Twilight Academy.

Sabi niya maganda daw doon at maraming magagaling na mga guro. Doon din daw niya nahasa ang kakayahan sa pagkokontrol sa tubig na mas kilala sa tawag na water manipulation o hydrokinesis.

"Oh, Shakira," she said na inaantay ang idudugtong ko.

Napakaganda talaga niya. May hawig siya kay daddy. Nakuha niya ang mahahabang pilik-mata at tangos ng ilong ng aking ama. Kulay itim ang kanyang buhok na shoulder's length, na bagay talaga sa kanya dahil mas nagmukha pa siyang bata. Matangkad din siya. Halos hanggang tenga niya pa lang ako.

"Aalis na po kami ni Dwayne," I said then kissed her on her cheeks.

"Okay. Good luck sa inyo. Mag-iingat kayo. Alam kong kakayanin ninyo ang lahat," sabi naman ni tita Carmela na may halong kaba.

Nginitian ko siya para i-assure siya na handa na ako at kaya ko ng pumasok sa paaralang iyon.

Nagpaalam na kami ni Dwayne kay tita.

Pansamantala, si tita Carmela muna ang magbabantay dito sa bahay dahil hindi kami maaaring lumabas ng paaralang aming papasukan. Pero kada dalawang buwan naman ay may pagkakataon kaming lumabas at bumisita sa aming mga pamilya sa labas ng paaralan.

Kung wala lang si tita Carmela dito sa bahay, hindi na ako babalik pa.

Wala rin namang silbi diba? Pero dahil kamag-anak ko siya ay kailangan ko pa ring umuwi. Alam ko naman na nariyan lang siya para sa akin, at nagpapasalamat ako para doon.

Handa na ba talaga ako? Syempre. Dapat lang. Kailangan kong maging handa. Dahil wala ng ibang paraan para makapaghiganti ako sa gumawa noon sa aking mga magulang.

Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay. Sumakay na kami ng sasakyan nila Dwayne para ihatid kami sa Twilight Academy. Medyo kinakabahan ako pero hindi ko iyon ipinapakita kay Dwayne.

Ayaw kong pati siya ay kabahan tulad ko. Dahil sa kanya lamang ako kumukuha ng lakas ngayon. At alam ko na katulad ni tita ay nariyan lang din siya para suportahan ako sa lahat ng bagay na aking gagawin.

I'm too lucky to have him in my life. He somehow became one of my strengths. And I'm thankful that he's always there for me. I love him as my brother and my bestfriend as well.


Nakarating na kami sa kagubatan na daan patungo sa paaralan na aming papasukan. Medyo madilim pa ang paligid at mahahalata mo rin ang hamog dahil sa malamig na simoy ng hangin sapagkat madaling araw pa lang.

Iba ang mundo namin sa mundo ng mga tao. Dito sa mundo naming mga Vampire, walang araw. Araw na kahinaan naming lahat. I mean, walang totoong araw dito, mayroon lamang kaming artipisyal na araw na nagbibigay ng liwanag sa aming mundo. Pero naku-curious talaga ako kung may mga vampire ba na hindi tinatablan ng sikat na nanggagaling sa araw.

Dahil sa naglalakihang mga puno, halos wala ka ng makitang ibang liwanag kundi ang ilaw lang na nanggagaling sa kotse na kasalukuyan naming sinasakyan.

Lumipas ang mahigit isang oras na biyahe. Nakarating na rin kami sa wakas. Mula dito sa sasakyan, natatanaw ko ang matataas na pader na nakapaligid sa buong area ng paaralan at gate na bakal na kulay itim at silver na may nakalagay na Welcome to Twilight Academy.

Pinapasok kami ng mga nagbabantay. Hindi ko namalayan na maliwanag na pala.

Halata mong malalakas ang mga gwardiyang nagbabantay sa paaralang ito dahil sa naglalakihan nilang mga braso at matitikas na pangangatawan.

They seemed to be well-trained, brave, and strong.

Nakasuot silang lahat ng itim na black leather na jacket na may kulay itim din na pangloob at black pants din. Nakikita ko rin ang mapupula nilang mga mata na nanlilisik.

Siguro sinasadya nila iyon para walang magtangkang pasukin ang paaralang ito ng mga masasamang loob.

Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng Twilight Academy. May isang fountain sa gitna ng ground ng school na pinalilibutan ng mga magagandang halaman at bulaklak at may nagsisiliparang mga paru-paro din. Marami ring mga puno sa paligid. Napakagandang tingnan, at talagang mabubusog ang mga mata mo sa tanawin nito.

Sobra talaga akong namangha. I was amazed to this wonderful place. This place was uniquely beautiful. Halos mapanganga nga ako. Pero syempre hindi ko iyon ipinahalata. It feels like this place is very welcoming. I could feel it.

Nakikita ko ang mga estudyante na parang nag-eensayo. Sobrang aga naman yata para dyan. Eh, hindi pa nga nagsisimula ang klase. Napailing na lang ako.

Nakita ko ang isang babaeng nakasulyap sa gawi ko. I found her really mysterious. Pero agad din naman siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Madamo ang paligid kung saan sila nagpa-practice. Sementado naman ang daan patungo sa main ng Academy na double door at may nakaukit na parang logo. Logo yata ito ng paaralan. Isa itong leon na may dalawang pakpak na nakalabas ang pangil at may hawak na sword sa kanang kamay at shield naman sa kaliwang kamay.

Sabi ni tita simbolo daw ito ng katapangan ng mga estudyanteng Allied Vampire ng Twilight Academy sa bayan ng Macedonia. Balita ko ibang klase kung makipaglaban ang mga estudyante ng academy na ito. Well, tingnan na lang natin kung totoo nga. 

Pumasok kami ni Dwayne sa loob mismo ng academy mula sa main door. Sumalubong sa amin ang isang maid na naka purple and black combination na damit. Inaya niya kami papunta sa kung saan. Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang malaking chandelier na kumikislap kislap pa. Pati na rin ang red carpet.

Di ko inaasahan ang mga nakikita ko. Mula sa labas hanggang sa loob. Sabihin nga nila, paaralan pa ba ito? You would never imagine that this place is an Academy, because from its looks, it must be a five-star hotel.

She guided us the way. Sinundan lang namin ang tagapagsilbi. Pumasok siya sa isang office. The Principal's Office?

"Magandang umaga po Principal Galileo Ledger, andito na po sila," sabi ni manang saka lumabas ng office.

"So, kayo ang new transferee sa Twilight Academy," Mr. Ledger said.

"Opo. Kami nga po," Dwayne and I said in chorus.

"Kung ganoon, the both of you are now official students of our school. Welcome to Twilight Academy," he said with a strange and gentle smile.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon