Quarterly Assessment
Gusto ko na sanang matulog kaso, hindi ko magawa. Inaalala ko pa rin ang mga nakita ko sa laboratoryong iyon.
Mga makina, aparatos, iba't ibang kasangkapan at materyales, at marami pang iba.
Flashback
"Anong ginagawa natin dito?," naguguluhang tanong ko.
"Basta. Sumunod ka na lang," inalalayan niya ako na pumasok sa loob ng isang aparato. Sa una, naguguluhan ako, pero sumunod na lang din ako. Hindi naman niya siguro ako ipapahamak. Sana.
Andito na ako sa loob ng kung anong bagay na ito, isang big-size incubator I think. Nakita ko si Samantha na may pinipindot na kung ano. After 5 minutes ay bumukas na ito, at inalalayan niya akong lumabas.
"What did you do?," I asked her.
"Ah. Wala. I just examined you. Your mental, emotional, and physical condition. Even your ability," she explained.
"Bakit naman?,"
"It is one of our rules here. We need to examine every student here for their safety," she added.
Hindi ako nakumbinsi sa mga sinabi niya, pero hindi na ako nagtanong pa. Malalaman ko rin ang lahat. Lumabas na kami ng laboratoryo, pero bago maisara ang pinto nakita ko ang pagdilat ng mata ni Ma'am Ashyana na nakatitig sa akin.
End of Flashback.
Ipinikit ko na ang mata ko nang May kumatok sa pinto. Lagi na lang ba mauudlot ang pagtulog ko. Tumayo na ako at ako na ang nagbukas ng pinto.
"Yes, Samantha?," alam kong may sasabihin siya.
"Alam kong hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko kanina, pero kaya ka nandun kanina ay para malaman ko kung anong ability mo," she said, that made me confused. Why?
"Si Ma'am Ashyana ang nagpa-utos 'nun dahil nagtataka siya kung bakit hindi niya mabasa ang nasa utak mo, at dahil pala iyon sa ability blocker mo," ano naman?
"Shakira, she's interested in your ability,"
"Then?," I said without any expression.
"She want to take it from you," nagulat ako sa sinabi niya.
"Pero 'wag kang maingay na sinabi ko ito sa'yo. Dahil baka sapilitan niya itong kuhanin sa'yo. Siguro mas makabubuti para sa'yo kung hindi mo muna ito gagamitin kapag kaharap mo siya," sabi niya.
"Anong ibig sabihin ng mga nakita ko kanina? Yung mga incubators na may mga vampires?," Hindi ko maiwasang maitanong.
"Wag mo nang intindihin 'yun. Wala kang kaugnayan sa mga nangyayari dito. Shakira, makinig ka," bigla siyang nagbuntong hininga.
"Hindi ka talaga dapat nandito. Hindi ko alam kung bakit pero pansamantalang nabura ang mga alaala mo. Kaya kailangan nating malaman kung sino ang kumuha niyan sa'yo," sabi niya na nakapagpaliwanag ng mga nararamdaman ko. Ibig sabihin, sinadyang burahin ang memorya ko? Bakit?
"Sa ngayon, 'wag ka munang mag-isip ng kung ano ano. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Kailangan mong makaalis sa lugar na ito," sabi pa niya. Pero nagkakamali siya, may kaugnayan na ako sa mga nangyayari dito dahil nandito ako. Wala ako dito kung walang dahilan. At kung anuman ang dahilang iyon, malalaman ko rin. Sa tamang panahon.
"Salamat Samantha," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya. Pero wala namang masama kung susubukan diba.
Umalis na siya. Lalo akong hindi makatulog dahil sa mga nalaman ko.
~*~*~*~*~
"Okay class, prepare yourselves for your quarterly assessment," Sir Ambrose said. He's very familiar to me. But I can't remember it.
"Ohmygoodness, hindi pa ako handa," sabi ng isang estudyante.
"Ako nga rin e," dugtong pa ng isa.
Ano bang pinagsasabi nila. Ano yung quarterly assessment na sinasabi ni Sir Ambrose.
"Isa itong paligsahan, kung saan maglalaban laban ang bawat estudyante. At ang matitira ang siyang magiging Ideal Student sa quarter na ito," sabi ng katabi ko. Familiar siya, Jane? Pero teka, sino si Jane, bakit bigla na lang siyang lumabas sa utak ko.
"And you're not exempted to this," sabi pa niya.
"Ngayon iibahin natin ang proseso kung dati pili ang makakalaban niyo, ngayon naman ay bunutan ang mangyayari," Sir Ambrose.
"At ang unang maswerteng estudyante ay ikaw Shakira Sutherland, at ang makakalaban mo ay si Kiera Sandoval," pagkasabi niya 'nun ay nag-react agad ang mga kaklase ko.
"Talo na 'yan for sure,"
"Kailangan pa bang maglaban kung alam naman nating wala siyang laban kay Kiera na may pyrokinetic ability. Tsk,"
Samu't saring mga bulungan ang maririnig mo sa buong silid. Wala akong pakialam. I really do. Nagpatuloy lang si Sir sa pagsabi kung sino-sino ang mga magkakalaban.
Kiera. Base sa nakita ko, isang dark fire ang mayroon siya. Malakas ito at kakaiba sa lahat ng elemental ability.
"Let the battle begin."
~~~~~~
Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities#TwilightAcademyVEA
CptnSprmn_08
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...