The Darkest Forest
Olivia's POV
Andito ako ngayon sa Principal's office gaya ng napag-usapan. Wala naman si Principal Ledger ngayon. Nasa meeting sa library. Kaya lahat ng teacher ay nandun ngayon.
Naghanap-hanap lang ako. Naaawa ako Kay Shakira. Alam ko ang pakiramdam niya dahil nawala din ang mama ko dati pero nahanap naman namin siya.
Pero hindi ko talaga makakalimutan yun dahil muntikan na siyang mawala sa amin. Kaya naaawa ako ngayon kay Shakira. Pero, hindi ko dapat siya kaawaan dahil alam kong kaya niya yan at nandito lang kami para sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paghahanap at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na ang hinahanap namin.
Kailangan ko ng ipaalam to kila Shakira. Pagbukas ko ng pinto andun si Sir Roudner. Kaya agad kong tinago sa bulsa ko yung papel na hawak ko.
"Oh. Olivia, what are you doing here?," he asked me.
"Hmmm. Sir, may inasikaso lang po... about sa mga reports na kailangan kong ipasa," I said.
"Ah. Okay. You may go now," he said again.
"Thank you Sir," I replied.
Muntikan na ako dun. Akala ko ba lahat ng teachers may meeting sa library pero bakit andun si Sir? Duh! Never mind.
Nagmadali na akong bumalik sa dorm nila Dwayne.
"Olivia. Ano? Meron na ba?," Jarmae asked.
"Yes. But... muntikan na akong mahuli ni Sir Roudner. Buti na lang talaga naitago ko kaagad. Tsk!," I said.
"Oh. Anong information ang nakita mo?," Rosanna asked.
"Hmmm. Tingnan niyo to," I said.
"Ah. Diba yan yung boundary ng Macedonia sa iba pang mga bayan?," Daniel said.
"Oo. Kaya kailangan nating pumunta dyan. Sabi dito, kapag lumagpas tayo sa may boundary, mapupuntahan natin ang Darkest Forest. Ang pinaka masukal at delikadong kagubatan sa buong mundo," I said.
"I want adventures," Kenzo said amazingly.
"Sure ba kayo na sasama kayo? Pwedeng ako na lang mag-isa. Baka madamay pa kayo. Kaya ko naman e," sabi ni Shakira na ikinabigla naming lahat.
"Ano ka ba Shakira? Are you out of your mind? Mas delikado kung ikaw lang mag-isa. Kaya sasamahan ka namin," Jarmae said.
"Shakira. Please, for your tita's sake. Sasamahan ka namin. Okay?," I said.
"Shakira, di namin mapapatawad ang sarili namin kapag may nangyaring masama sayo kaya hayaan mo na kaming samahan ka," Jethro said.
"Kaya nga Shakira," Kenzo said.
Tiningnan ko si Dwayne at napansin ko na kanina pa siya tahimik at walang imik.
"Okay. Sige. Salamat talaga sa inyo," Shakira said.
"You're always welcome, Shakira," Daniel said.
"So, Tara na?," Jarmae asked.
"Let's go. Bago pa mahuli ang lahat," I said.
Shakira's POV
Naiinis talaga ako sa mga nangyayari. Ayaw ko sanang pumayag na sumama pa sila sa akin. Baka mapahamak pa sila kaso masyado silang mapilit e.
Nasa may gate na kami ngayon. Ang daming bantay.
"Guys. Humawak kayo sa akin. Magteteleport tayo," Olivia said.
Humawak na kami kay Olivia Pero wala pa ring nangyari.
"Shit! One more," she said irritatingly.
Humawak ulit kami sa kanya at sa wakas nagawa rin namin.
"Guys. Tara na," Olivia said.
Tumakbo na kami ng napakabilis. Maliwanag pa naman. 5 pm pa lang kasi.
Huminto kami sa gitna nitong kagubatan at naghanap ng makakain. Sakto, may nakita kaming baboy ramo kaya kinain na namin.
Nagpatuloy na kami sa pagtakbo. At sa huli, nakarating din kami sa may boundary ng Macedonia na humahati sa ibang bayan.
Nagteleport na kami...
"I-Ito na ba ang Darkest Forest?," Kenzo said.
"Grabe naman. Sobrang dilim pala talaga dito. Wala akong makita," Rosanna said.
"Guys, paano yan?," Jarmae said.
"Wag kayong mag-alala. I have the ability of Telesopic Vision," Jethro said.
"Sige Jethro, mauna kang maglakad tsaka ka namin susundan," Dwayne said.
Naglakad na si Jethro kaya naman sinundan namin siya. Ito na ba talaga yun? Kaya pala Darkest Forest kasi wala talaga kaming makita.
"Teka. Huminto muna kayo...," I said.
"Bakit Shakira?," Olivia asked.
"May nararamdaman akong panganib sa paligid. Pakiramdaman niyo. Marami sila," I said again. No please. Not this time.
"Humanda kayo. Aatake sila," dagdag ko pa.
Mabilis kong kinuha lahat ng dagger sa bulsa ko at pinatamaan sila nito. Wala silang magawa, wala naman kasi silang makita. Nakikita sila ni Jethro pero nararamdaman ko lang sila.
"Okay lang ba kayo? Wala bang nasaktan sa inyo?," I asked them.
"Oo. Okay lang kami Shakira. Ikaw?," Dwayne asked me.
"Ah. Mabuti naman kung ganun. Okay lang ako. Tara na," sabi ko.
"Ang galing mo Shakira. Natalo mo silang lahat," Rosanna said.
"Paano mo nagawa yun?," sabi naman ni Daniel.
"Wala. Pinatamaan ko lang sila ng dagger. Di ko alam kung anong klase silang halimaw. Pero sigurado ako na hindi sila Vampire," I said.
"Tara na," Olivia said.
Naglakad lakad kami. At nagulat kami nang biglang lumiwanag. Galing lang pala sa mga mata ni Jethro.
"Wow! Ang Astig!," sabi ni Kenzo na namamangha.
"Yan na ba ang epekto ng full moon? Wow talaga. Nag level up na yung ability mo Jethro," Daniel said.
"Tara na. Mas mapapadali na yung paglalakbay natin dito sa gubat dahil dito. Kaya ipagpatuloy na natin," Jethro said.
Naglakad na kami. Yan yung purpose ng Full Moon. Nagbibigay siya ng kakaibang kalakasan. Paminsan minsan magkakaroon ka ng panibagong ability pero bihira lang yun at pili lang ang mga Vampire na may ganun.
Kadalasan kasi, naga-upgrade lang siya o lumelevel up. At yun ang nangyari kay Jethro, nag-upgrade na yung ability niya.
"Guys si Dwayne!," bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jarmae.
~~~~~
Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities#TwilightAcademyVEA
CptnSprmn_08
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Upíři(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...