Chapter 28: That Dream

1.9K 111 2
                                    

That Dream

"You're so witty, Shakira," Sir Roudner said amusingly.

I just gave him my usual look. Bored. Hindi ako dapat makampante. Dahil alam ko, nararamdaman ko na may kakaiba sa kanya. Something unique.

I used my Enhanced Strength and Senses. Kinuha ko yung dagger na nakuha ko dun sa storage room. Ang gaganda nga e. Kakaiba ang dagger na ito sa mga naging dagger ko kasi kapag inihagis mo ito ay kusa itong babalik sayo.

Kung hindi siya ang unang gagalaw. Edi, ako na ang mauuna. Tsk. Inihagis ko na ang isa kong dagger. Pero mabilis naman niya itong nailagan.

Nginisian ako ni Sir Roudner. Kakaibang ngiti. Parang may ipinahihiwatig. Bumalik na sa akin ang mga dagger ko at nakita ko namang may hawak rin siyang dagger.

Bumalik ito sa akin at bigla naman akong nadaplisan sa palad ko. Shit! Hindi ko pa siya kontrolado.

Hinagis niya sa akin yung dagger na hawak niya at natamaan naman ako nito sa kanang braso. Oh! Fuckshit!

Nagulat ako nang nasa tabi ko na siya at hinawakan ang kaliwang braso ko. Di ko man lang siya napansin.

Kung hindi ako nagkakamali, may Ability Replication siya where as, he can replicate one ability at a time through physical contact.

"Tama ka, Shakira. Ang talino mo talaga. Pinapahanga mo ako," he said then grin. Nabasa niya 'yung nasa isip ko.

Naiinis ako na ewan. Di ko alam kung bakit. Kinuha ko ang dagger ko at hinagis sa kanya. Nadaplisan ko rin naman siya sa balikat.

"Yan, tama yan. Ilabas mo lang yang emosyon mo. Mas makatutulong sayo 'yan," sabi niya na nakangisi.

Parang may kakaiba sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Training 'to Shakira, kaya kumalma ka lang.

"Ano Shakira? Sumugod ka. Akala ko ba gusto mong maghiganti. Paano ka makakapaghiganti kung mahina ka?," di ko alam kung paano niya 'yan nasabi.

Sa inis ko. Kinuha ko yung archer ko at pinatamaan siya pero nakailag naman siya. Kung hindi niya lang nakopya yung ability ko, edi sana may laban ako sa kanya.

Tama kailangan kong gamitin sa kanya yung Ability Blocker ko. Paano kung magaya niya yung ability ko na 'yan. Ah. Tama. Parehas naming maba-block ang isa't isa. Edi pantay ang labanan. Iri-risk ko na lang ability ko. Kailangan ko na lang maghanap ng pagkakataon na makalapit sa kanya.

"Sumusuko ka na ba Shakira? Paano yung mga magulang mo? Paano mo sila  maipaghihiganti?," sabi niya na nakapagpadilim ng paningin ko.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Biglang sumakit ang mga mata ko.

"Yan. Sige. Ilabas mo lang yang emosyon mo,"

Then everything went black...





















"Shakira, anak,"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sinundan ko yung pinanggagalingan ng boses. Madilim, wala akong makita. Derecho lang ako sa paglalakad. Hanggang sa may nakita akong liwanag. Pumasok ako sa pinto na pinagmumulan ng liwanag.

May nakita akong nakatayo. Dalawa sila. "Shakira, anak," sabi ulit nila.

Hindi na napigilang bumagsak ang namumugto kong mga mata.

"Mommy, Daddy?,"

Hindi ko maklaro ang mga mukha nila. Pero nakasisiguro ako na sila nga 'yan. Niyakap ko sila at ganun din naman sila.

"Mommy, Daddy. Please 'wag niyo kong iwan. Sasama na lang ako sa inyo. Nagmamakaawa ako," humagulgol na ako ng iyak.

"Hindi mo pa oras anak. May mga kailangan ka pang gawin sa mundong ito. May mga kaibigan ka pang naghihintay at nagmamahal sa'yo. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. Wag mo na kaming intindihin. Iligtas mo na lang ang tita mo. Kailangan ka niya," Mommy said.

"Pero-,"

"Shhhh. Ito ang tatandaan mo anak. 'Wag kang magpapadala sa emosyon mo. Kakaiba ka sa kanila. Nagtatag-,"

"Shakira, gising.  Nananaginip ka,"

Minulat ko ang mga mata ko at tila ba namamaga ito at may tumulo pang luha. Niyakap ko si Dwayne. Nandito na pala siya. Umiyak lang ako sa balikat niya.

"D-Dwayne. Sila Momm-,"

"Shhh. Tahan na. Okay?," he said then tap my back. I missed him so much.

~*~*~*~*~

Nandito lang ako sa kuwarto ko. Hindi muna ako pumasok. Dalawang araw na ang nakararaan simula nang mapaniginipan ko 'yun. Tama si Daddy, hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon ko.

Sumilip lang ako sa may bintana. May nakita ako sa di kalayuan. Mukhang siya 'yung nakuhaan ko ng ability. Naalala ko si tita. Nasaan kaya siya? Okay lang kaya siya? Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.

Antayin mo lang ako tita. Ililigtas kita.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon