Promises
Nagkaklase lang kami ngayon. Pagkatapos ay dumiretso ako sa cafeteria. Nakita ko ang mga estudyante nagkakagulo. What's happening?
Isang bangkay ang nakabulagta sa sahig, mahahalata mo sa mukha ng mga estudyante ang takot at pangamba. Sinong may gawa nito? Maputla ang bangkay, kaya masasabi kong wala na itong dugo. Hindi kaya? Pumapatay na naman sila ng estudyante para masuplayan ng dugo ang Impreria? What the heck!
Kung sino man ang nasa likod nito, magbabayad siya. Dapat makamit ng mga estudyanteng namamatay ang hustisya.
Hindi porke hindi ko sila kalahi ay wala na akong pakialam. It is their right to live. So, why do they keep on doing these cruel killings.
Pero bakit parang wala man lang silang ginagawa tungkol dito? Okay lang ba sa kanilang patayin ang mga kapwa nila estudyante? Dapat na silang mamulat sa katotohanan. Huwag dapat magpadala sa takot dahil ito ang makapipigil sa bawat tamang gagawin mo.
Kung ayaw nilang kumilos, ako ang gagawa. Pagbabayarin ko kung sino man ang utak sa likod ng mga katarantaduhang ito.
Katulad ng dati, dumating ang mga guard at kinuha ang bangkay. Nakita ko sila Kiera, kaya nilapitan ko sila. Kailangan ko silang kausapin.
Nakatayo na ako sa harap nila, pero parang hangin lang ako sa kanila. Tumingin sa akin 'yung Athan. Alam kong sila 'yung pumigil sa akin nung pumasok ako sa loob mismo ng cafeteria kung saan tinapon ko ang isang galon ng dugo. Kahit na ganoon ay umaasa pa rin ako na tulungan nila ako.
"Maaari ko bang hingin ang limang minuto niyo?" panimula ko.
Nakatingin na sila sa akin ngayon. Hindi pa rin nagsasalita.
"Kung okay lang," sabi ko pa. Ako na ang humihingi ng pakiusap sa kanila. At dahil ako rin naman ang may kailangan sa kanila.
"Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" mataray na tanong ni Alvah. Inawat naman siya nina Marco at Natassa.
"Ano ba 'yun? Gaano ba 'yan ka-importante para pag-aksayahan namin ng oras?" Kiera.
"Tungkol lang naman 'to sa mga patayang nagaganap dito kung saan nasasangkot ang mga estudyante. May alam ba kayo kung sino ang may kagagawan nito?" Tanong ko. Tinawanan lang nila ako. What the heck! I am fucking serious here.
"Anong klaseng tanong ba 'yan? Wala kaming alam dyan. At kung may alam man kami, bakit namin sasabihin sa'yo? Sino ka ba? Hindi ka pa nga namin kilala, at bigla bigla ka na lang sumusulpot," Nakangising sabi ni Natassa. Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya.
"Hindi ba kayo naaawa sa mga kapwa natin estudyante dito na namatay? Alam kong alam niyo kung bakit. Pero bakit parang wala lang sa inyo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Shakira, wala kang alam kaya kung ako sa'yo, mananahimik na lang ako sa isang tabi at iisipin kung paano mabubuhay ng payapa," sabi ni Marco. Ngayon lang siya nagsalita.
"Bakit napakamakasarili niyo? Alam niyo sa sarili niyo na may magagawa kayo, na may maitutulong kayo, pero bakit hinahayaan niyo lang na mangyari ang lahat ng ito, na mamatay ang mga estudyante. Bakit? Dahil ba sa natatakot kayo?" Natawa ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...