The Traitor
Olivia's POV
"Ayun! Hulihin mo na Dwayne," turo ni Jethro sa isda na medyo malalim yata. Bilib na talaga ako sa ability niya. Kaya niya kasing makita ang isang bagay kahit gaano pa 'to kadilim at kalayo.
Nag-concentrate si Dwayne sa paghuli ng isda. Ginamit niya rin ang ability niya para makuha ito. Papalapit na ng papalapit 'yung isda. Hanggang sa makuha na namin ito ng lubusan. Nilagay muna namin ito sa isang garapon.
"Hindi ba kayo nauuhaw? Ayun oh! Tigre," Jethro.
Dahan dahan kaming lumapit sa tigre. Sasakmalin na sana namin, kaso biglang...
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!,"
Mabilis na tumakbo 'yung tigre. Nagsiliparan din 'yung mga ibon. Nabulabog 'yung buong kagubatan.
"Kay Kenzo nanggaling 'yun diba?," Dwayne.
"Oo,"
"Ano kayang nangyari? Hindi naman niya basta basta ginagamit 'yung ability niyang 'yun diba?," may punto si Dwayne.
"Tara puntahan natin,"
Daniel's POV
"Bumalik na tayo sa Academy. Malapit na mag-7," Rosanna.
Tumango lang ako. Pabalik na kami ng Academy ng makarinig kami ng sobrang lakas na sigaw na pumainlalang sa buong kagubatan.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!,"
"Si Kenzo 'yun. Tara!," tumakbo kami nang napakabilis. Pumunta kami sa pinakadulo nitong kagubatan kung saan nanggaling 'yung ingay. Pero pagpunta namin, wala na sila. Naghanap lang kami ng naghanap hanggang sa makita ko 'yung ID ni Jarmae. Feeling ko may masamang nangyari sa kanila.
Nakita namin sila Jethro. Alam kong batid din nila na may nangyaring masama kina Kenzo at Jarmae. Napag-desisyunan namin na hanapin ang balon. Kumuha kami dito ng tubig. Balak pa rin naming ituloy ang pag-gamot kay Jane dahil malaki ang maitutulong niya sa amin sa paghahanap kay Shakira pati na rin kina Jarmae.Nakabalik na kami ng Academy. Isinagawa na namin ang proseso ng gamot. Kinatas namin ang dugo ng isdang Albana at gayundin ang dahon ng maratasha. Inilagay namin ito sa baso na naglalaman ng tubig na nanggaling pa sa pinakamalalim na balon ng Macedonia. Natapos na namin ito.
12 am
Wala ng gising pa. Siniguro namin na walang makakakita sa'min. Pumunta kami sa dorm ni Jane. Kakuntsaba namin dito ang mga kaibigan niya. Kinuwento namin sa kanila ang nalaman namin tungkol kay Jane. Nung una, nagulat sila pero napagtanto nila na ganun nga ang nangyari dahil sa pagiging weird nito.
Pinapasok na kami sa kwarto ni Jane. Mahimbing siyang natutulog. Si Rosanna na ang pinagawa namin. Pinainom niya ito kay Jane. Buti na lang hindi siya nagising. Bukas lang, babalik na siya sa normal.
Kinabukasan, pumasok na kami sa klase. Wala pa kaming napapag-usapang plano. Sa totoo lang, hindi na talaga namin alam kung paano pa kikilos sa mga problemang ito.
"Hanggang ngayon ba, wala pa rin si Shakira?," tanong ng teacher namin.
"Hmmm... Isang buwan po kasi siyang aabsent Ma'am. Alam naman po ito ng principal," Olivia.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...