Author's Note:
I would like to inform you guys na lahat ng kwento dito ay may dahilan at kung naguguluhan man kayo, feel free to ask me. Para hindi kayo maguluhan, ikukwento ko na lang muna ang mga naganap na sa istorya, settings at ang mga tauhan.
Mga Tauhan:
Shakira- of course she's the main character of this story. Isang Allied Vampire. Mayroon siyang enhanced strength and senses. Nagiging orange ang mata kapag galit (pero hindi pa nasasabi sa kwento kung bakit at hindi pa rin niya ito nadidiskubre kasi everytime na ginagamit niya ito, nahihimatay siya. And all because, hindi niya pa ito kontrolado). Meron din siyang ability blocker, meaning kaya niyang i-block ang ability ng iba. Sa kasalukuyan, nasa Imperia siya at pansamantalang nawalan ng memorya (hindi pa rin nasasabi kung bakit at sino ang gumawa sa kanya).
Bago siya pumasok sa Twilight Academy ay mayroon siyang mithiin at iyon ay ang maipaghiganti ang kamatayan ng kaniyang mga magulang mula sa mga Allies Vampire. Ngunit nagbago ito nang mapanaginipan niya ito. Kung kaya't nagpokus siya sa paghahanap sa kaniyang tita. Napunta siya sa Adrasteia sa pag-aakalang nandito ang kaniyang tita, pero nagkamali siya. Gayundin, napagtanto nila ni Natanyel na hindi talaga dapat magkaaway ang mga Allies at Allied Vampires. (Pero sino nga ba talaga ang tunay nilang kalaban? At paano nila ito haharapin?)
Dwayne- a mind reader and telekinetic. Allied Vampire. Bestfriend of Shakira. Sa daloy ng istorya, simula bata pa lang ay may gusto na siya kay Shakira at nasabi niya ang kaniyang nararamdaman sa loob mismo ng Twilight Academy. Maipaglaban kaya niya hanggang dulo ang pagmamahal niya kay Shakira? (Abangan...)
Jarmae- bestfriend of Shakira pero sa loob ng Academy niya ito nakilala. She has the ability of Umbrakinesis, whereas she can control anyone's shadow. Sa kasalukuyan, hindi pa alam kung nasaan ba sila nina Kenzo at ng Tita ni Shakira. (May idea na ba kayo?)
Kenzo- mayroon siyang Lie Detection Ability, nalalaman niya sa pamamagitan ng eye contact o kahit na marinig niya lang ang boses nito kung nagsisinungaling ba ang isang indibidwal. Also, he has sound manipulation ability, na kapag sumigaw siya ay siguradong maririndi ang sinumang makarinig nito. Sa kasalukuyan, kasama niya si Jarmae at ang tita ni Shakira na si Carmela. Nakakulong sa isang madilim na lugar.
Olivia- friend of Shakira, who can teleport everywhere. Tumutulong sa paghahanap kay Shakira at sa tita nito.
Daniel- he can make himself invisible, friend of Shakira, at kasalukuyang tumutulong sa paghahanap kay Shakira.
Rosanna- the healer of their group. Bestfriend ni Shakira, nakilala sa loob ng Academy at kasalukuyan ding tumutulong sa paghahanap kay Shakira.
Jethro- belong to their's circle of friends. Tumutulong sa paghahanap kay Shakira at sa tita nito. Ngunit iba pala ang pakay, at ito ang kunin si Shakira. (Bakit kaya?) Alamin ang dahilan nito, kung bakit nagawa niyang traydurin ang mga kaibigan lalo na si Shakira. Sa kasalukuyan, hindi pa siya nakikita ni Shakira at hindi pa alam ng iba niyang kaibigan ang tungkol dito maliban kina Jarmae at Kenzo. (Abangan na lang)
Margareth and Alexander Twilight- may-ari ng Twilight Academy, grandfather and grandmother of Shakira. Sa pagsasagawa nila ng research, napag-alaman nila na apo nga nila si Shakira. (Para sa ibang detalye, abangan na lang).
Edward Roudner/ Sir Roudner- Mayroon siyang Empathy Ability, the ability to feel the emotions, thoughts, hopes, desires, and dreams of others. Also, he have the Ability Replication, where as he can replicate one ability at a time through physical contact. At kapansin-pansin sa ilang chapter na may alam na siya sa kung ano ang taglay na kapangayarihan ni Shakira. Sa kasalukuyan, ano nga ba ang koneksyon ni Sir Roudner kay Sir Ambrose? (Abangan...)
Natanyel- Isang Psychometric, nakikita niya ang nakaraan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng paghawak dito. Nakilala ni Shakira nang mapadpad siya sa Adrasteia, naging kaibigan, at tumulong kay Shakira. Siya ang kuya nina Bryce at Gabriela. At may paniniwalang, hindi tunay na magkalaban ang mga Allied at Allies. Gayundin, naniniwala siyang isang kasinungalingan ang lahat.
Jane- pagkalabas niya palang sa kwento, may galit na siya kay Shakira dahil may lihim siyang gusto kay Dwayne. Siya ang dahilan kung bakit nakapunta si Shakira sa Adrasteia dahil kaya niyang gumawa ng portal. Nabiktima siya ng isang spell, naging sunud-sunuran sa isang Vampire. (Hindi pa alam kung sino ba 'yun?) Ngunit nalunasan naman ito sa tulong nila Jarmae, gumaling siya at nangakong tutulong sa paghahanap kay Shakira. Ngunit anong nangyari? Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin at tumulong siya sa pagdakip kay Shakira papuntang Imperia? (Abangan...)
Samantha- siya ang gumagabay kay Shakira sa Imperia dahil nga bago lang siya dito. Siya ay may Extraordinary Mental Ability, kaya naman kapansin-pansin ang katalinuhan niya sa mga bagay-bagay lalo na ang may kaugnayan sa teknolohiya.
Madam/Ma'am Ashyana- ang headmistress sa Imperia. Isang telepath.
At yung mga estudyanteng nakilala niya sa Adreana Academy- Sina Athan, Kiera, Alvah, Natassa, at Marco na may taglay rin na kani-kanilang kakayahan.
Settings:
Macedonia- ito ang lugar o bayan na kinalakihan ni Shakira, dito siya nakatira, at dito rin nakatayo ang Twilight Academy. Kung mapapansin niyo, nasabi sa kwento na may artipisyal na araw sa mundo nila. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na ang araw ang kahinaan ng mga Vampire. Kaya dahil artipisyal lang ang araw sa Macedonia at sa Adrasteia, hindi naaapektuhan ang mga Vampire dito. Ngunit dahil sa full moon na naganap, tila ba nagkaroon ng epekto ang sinag ng araw sa kanila. May koneksyon ba si Shakira dito? At may posibilidad ba na magkaroon na talaga ng tunay na araw sa mundo nila? (Abangan na lang)
Twilight Academy- dito napagdesisyunang mag-aral ni Shakira dahil nais niyang makapaghiganti sa mga Allies sapagkat alam niyang makatutulong ito sa kanya. Dito niya nakilala ang mga kaibigan niya. Buo pa rin kaya sila hanggang dulo? (Abangan na lang din)
Adrasteia- dito nakatira ang mga Allies Vampire. At kabilang na doon si Natanyel na nakilala ni Shakira. Ang pag-aakala ni Shakira, ang Adrasteia ay magulo, hindi payapa, ngunit nagkamali siya dahil ito ay kasing payapa ng Macedonia.
Imperia- Ito ang kasalukuyang kinalulugmukan ni Shakira. Ito ang mundo na walang liwanag, maliban na lang sa mga lampara. Walang araw, sobrang dilim. Dito nakatira ang mga dark creatures na nakalaban nila dati. Ang lugar na ito ay lingid pa sa kaalaman ng mga Allied at Allies Vampire, dahil ang pagkakaalam nila dalawa lang ang mundong kanilang ginagalawan- Macedonia at Adrasteia. Bakit kaya? (Abangan)
#TwilightAcademyVEA
CptnSprmn_08
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampier(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...