Chapter 47: Secrets Behind

1.4K 70 2
                                    

Secrets Behind

Nakaupo lang ako dito sa may silya sa classroom namin habang naghihintay sa next subject teacher namin.

Maiingay na estudyante. Kanya kanyang daldalan sila, at tila ba hindi nauubusan ng topic. Narinig ko nga ang pangalan ko sa pinag-uusapan nila.

"I just can't believe talaga na hindi natalo ni Kiera si Shakira," sabi ng babae kong kaklase.

"Me too. I didn't expect that she haven't defeated that weak and non sense girl," sabi naman ng kausap niya.

Napangisi na lang ako, you all didn't know me very well, but I will let you to criticize and judge me, and I'll make it sure and prove that you are all wrong.

Nakita ko naman ang grupo nila Athan, Kiera, at ng iba pa niyang kasama na tahimik lamang na pumasok ng silid habang isa isang tumitig sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila.

Tinungo ko na lang ang ulo ka sa arm desk ng upuan, at hinintay ang pagdating ng aming susunod na guro.

Maya maya lang, dumating naman na siya. Si Sir Ambrose na para bang may inasikaso sa office.

"Sorry class kung na-late ako, may inasikaso lang kasi akong papeles ng isang estudyante sa pang-huling section na hawak ko," pagpapaliwanag niya.

"Bakit po Sir?," may naglakas-loob na nagtanong. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang dahilan na magtanong.

"Hindi na kasi siya mag-aaral dito, titigil na siya sa pag-aaral," Hindi na sumagot pa 'yung kaklase kong 'yun.

Nararamdaman kong may kakaiba sa likod nito. I don't see any reason here in their school for them to leave even though it's very strange for me.

~*~*~*~*~

Cafeteria

Nakaupo lang ako dito sa isang tabi, at walang balak na kumain dahil busog pa naman ako.

Ganun pa rin naman ang senaryo dito-maiingay na estudyante, kanya kanyang usapan, ang iba ay kumakain, ang iba ay nagbabasa ng libro, ang iba ay nakikinig ng music, at ang iba naman ay nakatunganga lang din gaya ko, hinihintay ang susunod na klase.

May nakaagaw ng pansin ko, isang grupo ng mga estudyante. Hindi ko sila kaklase kaya hindi ko sila kilala. Nag-uusap lang sila.

"Ano kayang dahilan kung bakit hindi na siya mag-aaral dito? Nakakalungkot naman," sabi ng isang babae na matatanaw mo ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Wala akong nakikitang sapat na dahilan para umalis siya dito," the other one said sadly.

"Siguro dahil ito sa pagiging huli niya sa klase natin. Lagi siyang lowest sa mga rank, sa mga quarterly assessment at sa iba pang mga bagay kaya naisipan niyang huminto sa pag-aaral," pahayag ng kaibigan nilang lalaki.

"Siguro nga. Pero kung anuman ang naging desisyon niya, respetuhin na lang natin," the other one replied.

"Yeah right."

Ano kayang dahilan? Napapaisip din tuloy ako.

Natapos na ang klase namin para sa araw na ito, bumalik na ako sa dorm ko. Humiga sa kama, at iniisip pa rin ang narinig ko kanina. Hindi ko maiwasan, pero feeling ko may kakaiba talaga.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon