Chapter 32: The Worst Feeling

1.9K 108 3
                                    

The Worst Feeling

Tumakbo ako palabas ng auditorium. Iniwan ko sila sa loob. Iniwan ko si Dwayne. Hindi ko pa kasi kaya. Ang sakit. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag nasaktan ka ng taong mahal mo.

Siguro hindi muna ngayon Dwayne. Umupo lang ako dito sa labas. Pinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang pagdaplis ng sariwang hangin sa balat ko.

Maya maya lang, nakaramdam ako na para bang may nagmamasid sa akin. Nasa may taas sila ng puno. Oo, hindi lang siya mag-isa, marami sila.

"Lumabas na kayo dyan," walang emosyon kong utos sa kanila.

Isa-isa naman nila akong pinalibutan. Mga allies vampire ba sila?

"Shakira, nakakalimutan mo na bang nasa amin 'yung tita mo? Naiinip na si master sa pagdating mo kaya andito kami para paalalahanan ka na kapag hindi nakatiis ang hari, hindi mo na maaabutan nang buhay ang tita mo," sabi nung isang lalaki.

Naiinis na talaga ako. Kailangan ko ng mailigtas si tita. Sorry tita. Ililigtas ko kayo. Antayin niyo lang ako...

"Paano ba ako makakapunta dun?," I asked.

"Mamayang 12 ng gabi, half moon. Pumunta ka sa pusod ng kagubatan. May mag-aantay sa'yong lagusan papunta sa lugar kung nasaan ang tita mo," sabi niya.

Biglang nagyelo, ang katawan nila.

"Oh! Shit! Ano 'to?!," asik niya. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Anong ginagawa niyo dito?!," nakita ko si Olivia kasama sila Jarmae. At kung hindi ako nagkakamali, galing yun kay Kendra. Siya lang naman kasi ang may Ice Elemental Ability dito.

Agad naman nila itong natanggal. May bumalot lang na kulay itim sa kanila at bigla naman silang nawala.

"May nangyari ba sa'yo? Okay ka lang ba?," si Jarmae.

Tumango lang ako bilang tugon. Nakita ko naman si Dwayne. Nakatingin siya sa akin na parang nag-aalala.

"I want to rest. Mauna na ako sa inyo ah?," sabi ko sabay takbo hindi ko na inantay kung ano pa ang sasabihin nila. Basta ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.

Ipipikit ko na sana 'yung mga mata ko nang biglang may...

*knock* *knock*

Tsk! Ayoko. Bahala ka jan. Pinikit ko na lang ulit yung mata ko. Kaso nagpupumilit talaga siya.

*knock* *knock*

"Ano bang kail-,"

"Shakira, can we talk?," si Dwayne.

"Dwayne, bukas na lan-,"

"Shakira, please," sabay yakap sa'kin.

Namiss ko 'yung presensya niya sa tabi ko.

"Ano bang sasabihin mo?,"

"Yung sa nakita mo nung isang gabi. Nagkakamali ka ng iniisip," paliwanag niya.

"Ano bang gusto mong isipin ko? Gusto mo bang isipin ko na wala lang 'yun? Na friendly kiss lang yun?" I said.

"Shakira, hindi ko ginusto 'yun. Paniwalaan mo naman ako,"

"Dwayne, pleas-,"

"Shakira, ikaw ang mahal ko," nabigla ako sa sinabi niya kaya napaiyak na ako.

"Shakira, mahal mo rin ba ako?," he asked. Tumulo na 'yung luha ko. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Masakit, sobrang sakit.

"Dwayne... Sorry, pero...,"

"Pero ano, Shakira?,"

"May mahal na akong iba," I said seriously.

"Ah. Ganun ba? Sino? Si Jethro?," tumulo na rin 'yung luha niya. Nasasaktan na naman ako. Ngayon ko lang siyang makitang umiyak.

"Dwayne...,"

"Shakira, patawarin mo na lang ako. Sapat na sa akin 'yun," pinunasan na niya 'yung mga mata niya.

"Dwayne...,"

"Shakira, please. Patawarin mo na ako. At pinapangako kong lalayuan na kita para magkasama na kayo ng mahal mo," seryoso ang mga mata niya. Sorry Dwayne. Pero kung ito talaga ang mas makabubuti...

"Pinapatawad na kita, Dwayne,"

"Goodbye Shakira," pagkasabi niya nun, umalis na siya. Masakit para sa'kin na ipagtabuyan 'yung nararamdaman ko para Kay Dwayne.

Naglakad na siya palayo. Sorry Dwayne, pero ito ang mas makabubuti para sayo. Mahal kita.

Pumasok na ako sa loob.

Minsan talaga sa buhay, kailangan mong magparaya. Magparaya sa nararamdaman mo. Magparaya para sa minamahal mo.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon