Chapter 39: First Encounter

1.8K 90 0
                                    

First Encounter

Jane's POV

Hindi ko pa rin kontrolado 'yung mga ikinikilos ko. Pero kontrolado ko naman 'yung isip ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanila. Pero anong magagawa ko? Eh. Nasa ilalim ako ng mahika. I'm under the spell. Kusa na namang kumikilos 'yung katawan ko.

"Nagawa mo na ba 'yung pinapagawa ko sa'yo?," tanong niya.

"Yes, Master," bigla na lang 'yan lumabas sa bibig ko. Ngumiti lang siya nang tahimik saka lumabas.

Hindi ko akalain na traydor pala siya. Sigurado akong, hindi nila aakalain na 'yung pinagkakatiwalaan nila ay siyang tatraydor pala sa kanila. Paano ba ako makalalabas sa bangungot na 'to.

Flashback

"Sabihin mo sa Principal ang lahat ng nalalaman mo tungkol kay Shakira,"

"Masusunod po Master," biglang gumalaw 'yung katawan ko at lumabas.

Dumerecho ako sa Principal's office. Kumatok muna ako bago pumasok. Hayst. Ano ba 'tong ginagawa ko?

"Come in," Sir Ledger.

Pumasok ako sa loob then ayun na nga... Kinuwento ko ang lahat. Ang pagkawala ni Shakira, pagpunta niya sa Adrasteia, paghahanap niya sa tita niya, at ang plano nila Olivia na sundan si Shakira. Dahil sa nalaman niya, hindi niya ito kinaya kaya tumawag agad siya sa hari at reyna.

End of flashback.

Pumunta na ako sa cafeteria. Wala pang mga estudyante dito, ako pa lang. Nakaupo lang ako. Para akong patay na kumikilos dito. Maya maya lang malalaman na nila ang mga pinag-gagawa ko.

May mga dumarating ng estudyante. Nakita ko 'yung mga kaibigan ko.

"Uy. Jane? Bakit ang aga mo yata dito?," hindi ko siya sinagot.

"May sakit ka ba?," hinawakan nila 'yung ulo ko.

"Wala ka namang lagnat,"

"Umalis na kayo!," sigaw ko. Bakit ko ginawa 'yun?

Nagulat sila sa inasta ko.

"Tara na nga. Mukhang wala siya sa mood. Next time na lang," umalis na sila.

Ayaw ko na. Gusto ko nang makawala sa spell na 'to.

Dwayne's POV

Ilang linggo na ang nakalilipas nang umalis si Shakira sa Academy at hanggang ngayon iniisip ko pa rin siya. I miss her so much. Nasaan kaya siya ngayon? Ligtas ba siya? Nakakakain ba siya ng maayos? Sana bumalik na siya dito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama. Dahil nangako ako sa sarili ko na ipagtatanggol ko siya at aalagaan.

Nandito ako ngayon sa may library, nakaupo lang. Paano kaya kung ako na lang mag-isa ang pumunta sa Adrasteia para iligtas siya. Kahit itaya ko pa ang buhay ko, gagawin ko para lang iligtas siya.

Rosanna's POV

Umorder na sila ng pagkain. Naiwan kami nila Jarmae. Nandun pa rin si Jane sa isang table, mag-isa. Nagkatinginan kaming tatlo. So, tumayo kami at pumunta sa table niya.

"Jane?," tawag ni Jarmae pero hindi siya lumingon.

Hindi naman namin siya sasaktan. Kakausapin lang, kung bakit niya ba 'yun nagawa. Hinawakan ko siya sa balikat at para ba akong nakuryente. Anong meron sa kanya?

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon